Simula
"Cheers!" Sabay sabay naming sabi at tinaas ang hawak naming bote na may lamang cocktail. Tinungga ko ang alcohol at agad na gumapang ang init nito sa lalamunan ko. Halos ngumiwi ako roon. Hindi ko na mabilang ang nainom ko sa gabing ito. I just want to forget my problems.
"Come on, Girls! Sayaw na tayo daming yummy sa dancefloor!" Malanding sabi ni Nathan sabay hila sa kamay ko. Halos mapamura ako ng muntikang tumapon sa akin ang natitirang cocktail na hawak ko. Tumayo na din si Avery at Aria pero si Savannah ay nanatiling nakatuon ang pansin sa cellphone niya.
"Sav! Come on!" Nilakasan ko ang pag tawag sa kanya dahil maingay na ang buong bar. Tiningala niya ako at sinenyasang susunod nalang sya.
Dumiretso ako sa dancefloor kung nasaan si Nathan, Aria at Avery. Inikot ko ang paningin ko sa dancefloor at nakitang marami nang nagsasayaw na tao, mas naengganyo ako roon. Umikot ang paningin ko habang naglalakad. Shit. Ang bilis kong tamaan.
Nang narating ko na ang dance floor ay sinabayan ko na ang tugtog. Ang lakas ng dagundong sa buong dancefloor, lalo lang akong naengganyong sumayaw. Tinaas ko ang kamay ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Kahit ngayon lang gusto kong sumaya. Hinawi ko ang aking buhok at nagpatuloy sa pag sasayaw.
Maya maya ay may naramdaman akong kamay sa aking baywang. Napangisi ako. Sa daming beses ko nang pumupunta sa bar ay hindi na bago sa akin 'to. Mas lalo kong inindayog ang katawan ko. Naglakbay ang isang kamay niya sa aking hita ang isa naman ay nasa aking tyan. Bawat indayog ko ay sinasabayan niya. Nararamdaman kong nag iinit na ang katawan ng misteryosong lalaking nasa likod ko. Well, what do you expect? I'm Aviana Portego.
"You smell so good." Ang mainit niyang hininga ay humahaplos sa leeg ko. Tinagilid ko ang aking ulo para bigyan siya ng espasyo roon. Mas lalong umingay ang buong bar at naghihiyawan ang mga tao.
Naramdaman kong unti-unting tumataas ang kamay niya papunta sa dibdib ko pero bago pa mangyari yun ay bumagsak na siya sa sahig. Narinig ko rin ang singhap ng mga taong nasa paligid namin.
"Oh my!" Napasapo ako sa aking bibig. What the hell is he doing here?
"Don't fvcking touch my girl." Galit na sabi niya sa lalaki. Nakita ko ang pag igting ng bagang niya.
Nakita kong napaupo ang kasayaw kong lalaki sa lapag habang hawak hawak ang kanyang labi na siguro'y pumutok. Wala na akong pakielam sa lalaki. Nilingon ko si Pier na halos sasabog na sa galit, sasapakin niya pa ulit ito ngunit tumakbo na ang lalaki palabas.
Lumingon siya sa akin. Tatanungin ko sana siya kung ba't siya nandito ngunit natakot ako bigla, lalo na't sa galit na galit niyang mga matang nakatingin sa akin. Nakaputing button down shirt siya, mukhang kagagaling lang sa trabaho. Tinignan niya ako mula ulo't hanggang paa. Umigting ang panga niya.
"We're going home." Malamig niyang utas sabay hawak sa baywang ko. Halos manigas ako ng maramdaman ko ang init ng palad niya. Gustong kong kumawala pero hindi ko magawa. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpatianod sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya at naririnig ko rin ang malalalim niyang paghinga tila ba pinipigilan niyang sumabog sa galit.
