RS # 1.3 : Pag-ibig

4 0 1
                                    

@Another real story
 
B1: Huy babae! Nakita ko ang boyplen mo na may kaharutan! Tignan mo ang mga kuha ko dali.

Isa-isa nilang tinignam ang mga litrato. Ang lalake ay may katabing babae. Nakasandal ang ulo ng bawat isa at natutulog. Ang isa naman ay nagtatawanan sila.

Girlpren: Mga hayop sila! Katabi pa naman kami ng room. Mga walangya!

Sumugod si girl sa kabilang room.

Girlpren: Hoy lalake! Nasa kabilang room lang ako at nakipagharutan ka na sa iba?!

Hindi makasagot si boyplen.

Girlpren: Ikaw naman babae?! Hindi mo ba alam na may girlfriend na siya ha!

Boyplen: Babe, I can explain.

Girlpren: Explain mo mukha mo! Break na tayo.

Lumabas si gf sa room na siya namang sinundan ng bf. Ngunit pinigilan siya ng lalakeng nagsumbong kay gf.

B1: Pare, tigil-tigilan mo rin kasi closeness niyo ng babae mo.

Bf: Hindi ko siya babae! Kaibigan ko lang siya.

Akmang susuntukin ng bf ang lalake ng awatin ito ng iba. Galit na galit ang bf kung kaya ay nasuntok niya ang pader at nasira ito.

Gf: At anong kaguluham itong nangyayari ha ex?!

Bf: Alam mo naman kung gaano kita kamahal hindi ba?

Gf: Kung alam ko pala eh sana sinabi mo rin sa akin na close pala kayo ng kerida mo. Tse! Magsama kayo sa impyerno!

Bf:Please babe. I'm sorry.

Gf: No huli ka na. The trust that I've woven for 2 years was shattered. Oo, nagpakatanga ako sa iyo ng dalawang taon. Ngunit ito lang pala isusukli mo?

Bf: Kaya nga, ayaw kong sirain ang pinagsamahan natin. Please, I can explain. Just let me explain.

Gf: I don't know. Basta.

At umalis na si gf. At tuluyan na ngang kumawala ang mga luha ng bawat isa.

5 days after...

Me: Hey dude! Kumusta na kayo? Wala pa rin ba?

Bf: Ha?

Me: I mean is, kumusta na nga kayo? Ano na ang status?

Bf: Wala na talaga kami dude. (Babae po ako)

Me: Hmm... iyon lang ba talaga ang dahilan o mayroon pang iba?

Bf:Eh kasi si mommy, ayaw niya rin na magkausap pa kami. Pinagbabawal niya nga na maski chat o text.

Me: Okay lang yan dude. I'm sure mahal ka pa niya.

Bf: Hindi ko na rin alam dude. Wala na kong ibang inaalala yata.

Me: ( hindi na lang ako nagtanong sa kung anong ibig niyang sabihin) Oww. Anyways, I hope maging maayos na kayo. Miss ko na kayong dalawa na kasabay naming kumain.

Bf: Yeah I hope so. But I think nothing will eventually change. Nangyari na eh.

After a week...

Nakausap ko ang gf niya matapos ang film showing namin. Ang sakit nga ng paa ko dahil pinahahabol niya ako doon sa isang carenderia eh malay ko ba't kami ang nakasungkit sa awards. Kaya ayun at medyo nahuli ako ng dating sa usapan namin na lunch.

Me: Hi! Kumusta?

Gf: Heto, naglulupasay pa rin. Uhmm, samahan mo ko dali. Hahanapin natin ang dalawang iyon. Kung saan sila kakain doon na rin tayo ah.

Me: Sure. Sure.

At hayon nga at nagpakaladkad ako sa kanya sa kung saan-saan. Nagfail siya sa kanyang nais kaya naman ay huminto na lamang siya at kumain na nga kami.

Habang kumakain kami...

Bigla na lamang siyang umiyak.

Gf:Shete girl, ang sakit pa rin. Two years iyon eh. Two freakin years. Third year na nga sana namin ngayon.

Me:Sige, ipalabas mo lang lahat nang malaman ko rin.

Gf: Kasi naman , ano bang relasyon ng dalawang iyon at wagas kung magsama. Pati ba naman after ng break-up namin?! Nakita ko pa talaga silang magkasama sa auditorium kanina sa film show niyo.

Me: Oo, nakita ko nga rin sila. Baka naman kasi close lang talaga.

Gf: Hindi ako naniniwala! Ang sweet sweet nila eh. Nakoo, ang landi talaga ng babaeng iyon. Kulang na lang talaga pag-umpugin ko silang dalawa eh!

Me: Oh, kalma lang, mabilaukan ka pa diyan.

Gf: To be honest girl.

Me: Ano?

Gf: May nangyari na sa amin. Not once, twice but thrice. Last year and just recently.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Oo, may boyfriend naman na ako ngunit hindi pa namin nagagawa yung toot.

Me:What?! ( siyempre hininaan ko po, shocking rin talaga kasi) What do you mean?

Gf: As in sex. (Serious peys po siya huhu)

Me: Oh my goodness?! Why? Paano? Bakit?

Gf: Basta, nangyari na lang iyon. Nagpadala rin ako sa kanya. Sino bang hindi kapag mahal mo talaga.

Owkay, well, mahal ko naman bf ko but not to the point na gagawin namin iyon. Well maybe, someday, u know pag kasal na kami.

Me: Okay, okay. Continue.

Hindi ko na talaga kasi alam kung ano ang sasabihin.

Gf: Tingin mo ba hindi na ako sexy? Na nagsawa na siya sa akin?

Me: Nu ka ba! Ang payat mo na nga oh!

Gf: Ah basta, magpapasexy pa rin ako. Kita mo tong cleavage na to? Ginawa ko talaga to para maakit ulit siya sa akin.

Me:(natawa ako) But seriously, bakit niyo nagawa iyon?

Gf: Kapag kasi mahal niyo ang isa't isa, tingin niyo kayo lang dalawa sa mundo. Lahat gagawin niyo kahit pa bawal iyon. As in, mahal na mahal ko siya na handa kong ibigay lahat.

Alright, medyo napa-backwards na ako doon sa sinabi niya. Kapag talaga talo ng utak ang tulak ng emosyon at feelings, nagpapakatanga na ang isang tao.

Gusto ko sana siyang pagsabihan na huwag niyang pairalin ang lahat ng iyon. Sayang pa naman at naturingan siyang matalino. Diosmio! Ayoko namang mangyari sakin iyon!

Me: That's true.

Hindi na lang ako umimik pa dahil alam kong problema nila iyon. At nangyari na naman kaya wala rin akong mai-advice sa kanya as of this moment.

*.,×*.,×*

Lesson learned:
* Please lang, huwag na huwag kayong gumawa ng kahit na anong kilos na alam niyong makakasama sa inyong relasyon. There is no perfect relationship at all, kaunting pagkakamali lang at maaari nang magbago ang lahat.

*Mahirap iwasang hindi magpakatanga sa isang bagay kahit alam mong dapat hindi sumobra.

* Hindi naman kailangan magpaganda para ipamukha sa mahal mo na dapat ka niyang mahalin. Ika nga, dapat mahalin ka dahil mahal ka niya, hindi dahil mahal mo siya. ^Barcelona xd

* Most teenagers nowadays ay hindi mapigilan ang mga nagbubugsong damdamin nila. Ang akala mong inosente ay hindi na pala kaya ingat-ingat kayong mga walang alam.

* Kung may nag-confess sa iyo tungkol sa kanilang mga sekreto ( katulad nun) huwag niyong husgahan agad. Everything happens for a reason. Kung mabuting kaibigan ka, mainam lang na pakinggan mo siya at payuhan.

Reality StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon