Ang sabi ng marami, ang pag ibig daw ay nag aantay ng isang masasakyang taxi. Kailangan mong mag antay ng may darating. Kung sasabay ka sa byahe niya, kailangan mong magbigay ng pera, at kailangan ka rin niyang suklian.
Pero ako, hindi ako sang-ayon sa mga sinasabi nila. Paano kasi kung nakarating na kayo sa pupuntahan niyo? Hindi niyo ba naisip na kailangan mong umalis na ng taxi? At kailangan na niyang magpatuloy sa kanyang byahe?
Paano ka nalang? Maiiwan kung saan ka bumaba?
At siya? Kailangang mag move on? Na parang walang nangyari?
Si Jewel. Simula nang mangyari ang trahedya sa aming buhay. Hindi na niya ako pinapansin. Para akong hangin na lang na napapadaan sa kaniya.
Lumapit siya sa kung saan ako nakaupo. Nandito kame sa kusina ng condo na pinundar naming dalawa.
“Jewel? Papansinin mo na ba ako?” pero nilagpasan niya lang ako at kumuha siya ng kape sa coffee maker at umupo sa upuan katapat ng inuupuan ko.
Nakatingin lang siya sa kawalan at mukhang malungkot yung mga mata niya. Pero hindi naman nabawasan ang ganda niya sa kanyang morning look. Kababangon lang kasi namin mula sa higaan. Magulo ang mahahaba niyang buhok at naniningkit pa ang kanyang magagandang mga mata.
Hindi niya parin talaga ako papansinin. Naaalala ko tuloy yung dating una siyang nagtapat sa akin.
“Bes, may ibibigay ako saiyo.” Inabot niya sa akin ang isang letter. Letter na nagsasabi na. Matagal na daw siyang may gusto sa akin. Binasa ko yun sa harap niya at naisipang lokohin siya sa pamamagitan ng aking expression sa mukha.
“Hmmm...” pero agad siyang nagpanic at nagsalita pagkatapos kong basahin yung letter niya sa akin.
“Bes, mahal kita higit pa sa bilang bestfriend pero kung hindi rin yun ang nararamdaman mo~~” tinakpan ko yung bibig niya at nagsimula akong magsalita.
“Bes, paano mo nasabing hndi rin yun ang nararamdaman ko? Mahal na mahal kita. Hindi ako magttyaga sa katulad mo kung hindi kita mahal, haha” biro ko sa kanya.
Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa kanya sa bibig, “Ang yabang mo ah! Seryoso ba yan bes?” tumayo ako sa kinauupuan ko at lumuhod sa tapat ng kinauupuan ni Jewel.
“I, Cyril Kurt Sarmiento, loves the girl in front of me and promise to protect her and give her all my life, will you be my girl and lifetime partner, Jewel Ricafuerte?”
Tinitigan ko siya nun sa mukha at napakapula na yata ng kanyang mukha. Kaya pala sa limang taon naming naging mag bestfriend ay hindi ko siya nakitang nagka boyfriend at ni nagkagusto sa lalaki ay hindi ko rin napansin sa kanya, ako pala ang gusto niya. Akala ko nga nung una ay tomboy siya.
Pero imposible yun kasi nga napakaganda niya at napaka-hinhin. Napakabait at Napakamaasikasong kaibigan din yang si Jewel, hindi lang sa akin, pati na rin sa mga kaibigan ko at kaibigan niya. Kaya rin lalong napalapit ang loob ko sa kanya.
Hindi ko masasabing ang love story ko ay ang pinaka magandang love story sa mundong ito. Its a common thing to have a girl bestfriend this time. At yung girl bestfriend mo ay nagtapat sa iyo at swerte niyong dalawa dahil matagal mo na rin siyang gusto.
Pero isa lang ang masasabi ko nung araw na naging girlfriend ko siya. Sobrang saya ko at halos hindi mo matanggal ang ngiti ko sa aking labi hanggang sa pag tulog ko.
Nagkakilala kame ni Jewel nang mapadaan ako sa may lugar nila na kung saan ay bigla akong nabugbog dahil inabangan pala ako ng mga kaaway namin mula sa ibang school.
Tama ang nasa isip mo. 14 years old palang ako ay kasama na ako sa fratermity. Isa nga daw akong gangster sabi nila.
Bugbog na bugbog ako nung mga oras na yun. Alam ko yun dahil namamanhid na yung katawan ko nun at nahimatay ako at pagkagising ko ay nasa bahay na ako nila Jewel.

BINABASA MO ANG
Almost a Love Story (one Shot story)
RomanceDeath cannot stop true love; all it can do is delay it for a while. This is a story between Kurt and Jewel on how they live their life for an almost love story.