Forever in my Heart

681 25 51
                                    

rinBee's NOTE:

Sa wakas! Eto na ang huling chapter ng aking short story! Yeeey! 

Salamat po sa mga sumusuporta ^_________^**

<3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. <3 .. 

Habang papunta kami sa ospital, hinawakan ni Ate Mara ang kamay ko.

“ Relax, Leigh. Magiging ok din ang lahat.” Sabi nya.

Kahit sinabi na ni Ate ang mga salitang gusto kong marinig, hindi pa rin ako makapag-relax.

Pagdating sa ospital, sinalubong kami ni Ate Momo.

“ LEIGH!” tawag nya sakin.

Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya.

“ Ate~” sabi ko.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Pinipigilan kong umiyak.

“ Ano pong nangyari?” tanong ko sa kanya.

“ S-sorry, Leigh.”

“ Ha? Bakit po?”

Hindi sya sumagot. Umiyak lang sya.

Mugtong-mugto na ang mata nya kakaiyak.

Please. Sana hindi seryoso ang nangyari kay Jiro. Please po, Lord God.

Umupo kami sa mga bench.

Katabi ko sina Hannah at Cha. Iyak na sila ng iyak. Si Ate Mara naman, hindi mapakali. Lakad sya ng lakad.

Hinawakan ko ang kamay ni Ate Momo.

“ Ano po bang nangyari,Ate?”

Inulit ko ang tanong ko kanina na hindi nya sinagot.

“ K-kasi papunta na kami sa inyo. Nung nasa exit na kami ng highway, tumigil kami sa isang shop para bumili ng paperbag na paglalagyan nya ng regalo nya para sayo.”

Napatigil sya. Umiyak na naman sya.

Inabutan ko sya ng panyo at kinuha nya to.

Pero katulad kanina, pinipilit ko paring hindi umiyak. Kelangan kong maging matatag. Para sakin. Para samin.

Tumingin sakin si Ate Momo at niyakap nya ko. Habang kayakap nya ko,

“ Pero nung nasa harap ako ng cashier habang nagbabayad, nakarinig ako ng malakas na tunog. At pagtingin ko sa labas, nakita kong yupi na ang si Mazda. May sumalpok na truck dito. At hindi ko na makita si Jiro sa loob ng kotse. Kaya lumabas ako ...”

Tumigil sya.

Kasabay din nun ang pagtigil ng puso ko. Hindi ako makahinga.

Please Ate Momo, wag mong sasabihin ang mga salitang ayaw kong marinig.

“ ... At nakita ko si Jiro sa kalsada. Ilang talampakan ang layo sa kotse. Duguan.”

Humagulgol na naman si Ate Momo.

Hinimas ko ang likod nya para pakalmahin sya.

Humarap sya sakin.

“ Im sorry.”

Pinahid ko ang luha nya.

“ Dont say sorry,ate.”

Maya-maya, tinawag na kami ng doktor.

I Love You, My Angel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon