"Terra, ang tawag sa aking mundong kinagagalawan. Binubuo ng apat kontinente at pinamumunuan ng apat na makapangyarihang mga hari. Gorias ang kontinenteng matatagpuan sa silangang bahagi ng terra, pinalilibutan ng mga buhangin at iilang berdeng halaman at maliliit na mga katubigan. ang pag gawa ng istraktura at armas pandigma ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Dahil sa malapit sila kay bathalang si Sol, mas mahaba ang kanilang araw keysa sa gabi (ngunit sa apat na kontinente sila ang may tala ng may pinaka mahabang araw). Murias ang kontinenteng matatagpuan sa kanlurang bahagi ng terra, napapalibutan naman ito ng malalaking katawang tubig at iilang berdeng halaman at kalupaan, ang pangingisda at uri ng pampalasa sa pagkain ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Malapit rin sila kay bathalang si sol kung kaya't mahaba haba ang kanilang araw keysa sa gabi. Finias ang kontinenteng makikita sa timog bahagi ng terra, sagana ito sa iba't ibang uri ng bundok at mababatong kalupaan, kaunting patubigan ngunit salat sa mga halaman, pagmimina ng ginto at palamuti sa kasuotan ang kanilang pangunahing ikinabubuhay. Dahil sila ay nakapagitan sa dalawang bathalang si sol at luna, ang kanilang araw at gabi ay pareho lamang ng haba. Falias ay ang kontinenteng matatagpuan sa hilagang bahagi ng terra, hindi katulad ng apat na kontinente ito ay napapalibutan ng tubig, halamanan at mga bundok, ang kanilang pangunahing ikinabubuhay ay pag gawa rin ng armas at pag aalaga ng iba't ibang uri ng magagandang halaman na sa Falias lamang makikita. ang falias ay malapit kay bathalang luna kung kaya't mas mahaba ang kanilang gabi keysa sa araw, ang falias rin ang may pinaka maliit na saklaw sa Terra."
Si Cleio ay ang prinsesang may balat ng buwan sa kanyang kaliwang mukha, may mga haka-haka na ibinigay ito ng bathalang si Luna sa kadahilanan na siya ay isinumpa mula sa kasalanan ng kanyang mga ninuno. Si Cerwyn ang prinsipeng biyaya na ibinigay ng tagalikha at ng mga bathala, handog sa kanya ang kagandahan ng liwanag ng buwan at katapangan na handog ng araw, siya ay regalong nagmula sa tagalikha dahil sa tagumpay na nakamit ng kanyang mga ninuno.
Isang trahedya ang naging pinto sa kanilang paghaharap, dalawang magkasalungat na Tao na ang isang hangarin ay malaman ang katotohanan. Ang katotohanan na lubusang itinago sa lahat.
Ang katotohanan na maglalabas sa tunay na damdamin ng isa't isa at ng isang katauhan na hindi pa lubos alam ng lahat.
Eto ang Terra , ang mundong sa isip nilikha
YOU ARE READING
TERRA
FantasySi Cleio ay ang prinsesang may balat ng buwan sa kanyang kaliwang mukha, may mga haka-haka na ibinigay ito ng bathalang si Luna sa kadahilanan na siya ay isinumpa mula sa kasalanan ng kanyang mga ninuno. Si Cerwyn ang prinsipeng biyaya na ibinigay n...