Akala Ko Lang Pala

13 0 0
                                    

Dito Na siguro matatapos Ang lahat.
Ang kwentong matagal ko ng gustong malaman Kung mayroong hangganan.
Dito rin pala Ang kakahantungan.

Akala ko ikaw Na.
Akala ko sa Bawat pag Wawalk out ko hahabol ka.
Sasakay sa mga away Na sinimulan ko.
Susundin Ang mga trip at gusto ko
wag lang mawalay sayo.

Akala ko kasi tayo Na.
Kaya sa isip ko pang habang buhay na.
Akala ko laging Nandyan ka.
Yung Di ako iiwan
Yung pang habang buhay kitang HON.

Akala ko kasi tayo'y pangpatagalan.
Naglaon tayo ay nagkawalaan.
Akala ko kasi "walang iwanan"
Kasi Yun Ang lagi mong banggit sa akin hon.

Akala ko kasi ako lang.
Akala ko kahit pag tanda natin
Yung ganun pa rin Ang pag tingin.
Yung yayakapin lang kita sa yong likuran.
Habang niluluto mo ang ating pang pulutan.

Akala ko kasi kuntento kana.
Sa ganitong set up Na kahit wala tayong pera
Basta tayo ay masaya.
Na kahit ilang gwapo pa Ang dumating
sa akin pa rin Ang iyong baling.

Akala ko kasi mahal mo ako.
Pinaniwala mokong ako lang.
Pinaniwala mokong ako lang ang inaasam.

Akala ko kasi sapat Na.
Sapat Na yung halos araw araw nating pagkikita.
Sapat Na yung ako lang ang kausap.
Sapat Na yung ako lang ang pinapangarap.

Akala ko kasi Di mo ako Kayang iiwan.
Heto ako ngayon nakatingin sa kawalan.
Alaala mo lang ang sa akin iyong nilisan.

Naway sana Ito Ang iyong tandaan.
Minahal kita, minamahal kita, at patuloy kitang mamahalin.
Kahit akala ko lang lahat.
Kahit akala ko lang pala.

Akala ko kasi...
akala ko kasi..
Akala ko kasi...
akala ko lang PALA..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akala Ko Lang PalaWhere stories live. Discover now