KANTO Love Story <3

215 3 7
                                    

da Best toh gumawa ng mga short story lalo na ung in another life at opposite do attract ahahah...

keep up d good work mr. writer

___________________________

Ako si Jaries

Suplada daw ako, dahil minsan hindi ako namamansin..

Palagi akong bumababa sa may kanto sa lugar namin...

At naiinis ako sa mga tambay doon...dahil minsan na din akong nagmahal ng tambay..

Pero pinigilan ko sarili ko na huwag nalang sabihin dahil wala namang kayang gawin ang mga tambay kundi ang tumambay

__________________________

Ako si Michael

Ang dakilang tagabilang ng mga tao sa kanto

In short TAMBAY

Ayoko sa mga suplada at medyo sosyal...

Kasi kala mo kung sinong artista na nag-iinarte

Kontento na akong tambay na lang ako at least hindi pagod

_________________________

Hapon ng pagbaba ko sa may kanto sa amin

May naapakan ako..

Shocks....JEBS ang natapakan ko kadiri

Paano ako uuwi

__________________________

Habang nakatambay ako may nakita ako

Iyong suplada naming kapitbahay, nakatapak ng tae 

Laughtrip....Nagdala ako ng isang tabong tubig at nilapitan siya

Pinipigilan kong tumawa pero napangiti ako na may halong pang-aasar

_________________________

Nakita ko na papalapit iyong tambay na kinaiinisan ko

At may dalang tabo ng tubig

Tatanggapin ko na sana

Pero nakita kong nakatawa siya......

Nainis ako kaya tinapakan ko siya gamit ung paa ko na may tae....

_______________________

Nagulat ako dahil tinapakan niya ako ng paa niyang may tae

Imbes na magalit ..natawa pa lalo ako

Kasi nakakatawa yung paglakad niya..

Dahil para siyang pilay..para lang hindi mahalata ang tae sa sapatos niya

Kaya yung tubig na dala ko ginamit ko na lang sa paa ko para kahit paano may pakinabang

________________________

Naiinis na talaga ako sa mga tambay

Mawala na sana lahat ng tambay sa mundo

Nakakaasar pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao

________________________________________________

Habang nakatambay ulit ako at dala ang gitara ko

Nakita ko ulit si Ms. Suplada, maganda sana kaso inirapan ako

Hindi pa ata nakakamove-on sa tae ahahah

_____________________________

Ng pagbaba ko ng tricycle dala-dala yung mga gamit ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KANTO Love Story &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon