Chapter 7 "Ligaw Ligaw"

123 4 9
                                    

Chapter 7

"Ligaw ligaw"

Kent's POV

*flashback*

Yinakap niya ako and whispered to me..

"Why not Kent? Basta't handa kang mag hintay."

*end of flashback*

MASAYA AKO NGAYON. Sino kaya pwede kasamang i-timezone ngayon? Wala lang.

Pinayagan na ako ni Dani na manligaw sa kanya. Binalita ko yung nangyari sa Ate ko.

By the way, Jairah Kuizon Peteros, my beautiful, kind, intelligent, awesome, feeling sexy sister :D

Sandali, nasabi ko ba lahat yun? Feeling sexy lang ata ang totoo dun eh. Biro lang

(A/N: Hey Guys, it's been a week hindi ako naka pag type ng story ko. ANG SAYAAA KASI MAY FANSIGN AKO HOPEFULLY KAY OWY BABE ;') ) I have to focus muna sa upcoming journalism contest ko eh. Wish me luck, God Bless You Guys)

Okay. To Be Continued

*******

NP: Pansamantala by Callalily

?Di mo man sabihin, aking napapansin.

 Kapag nalalagay ka sa alanganin,

 Heto na naman tayo..?

?Pansamamantalang unan sa tuwing ika'y nahihirapan

 Pansamantalang panyo sa tuwing ika'y nasasaktan,

 Pansamantal, pansamantla, pansamantala... ?

Dati rati, halos gabi gabi ko pinakikinggan ang kantang yan. Pano ba naman kasi, sa first heartbreak ni Dani sa crush niya, sa akin siya lumapit tapos sabi niya na "Ikaw lang tung unan na malaki ang muscles eh." Baliw yung babaeng yun eh.

Tumabi ako kay Ate Jai sa sofa, nanunuod siya ng MasterChefUS, mahilig kasi siyang mag luto.

"Yucccccckkk! Kent wa ka ngang tumabi! ang virus ng kapangitan mo! Eeewwwwwwww! Shu!"

"Ate yang kaartehan mo, ikakamatay mo yan ng maaga! Anong shu, hindi ako aso."

"Like duhh! Kent ba't ka kasi dito umupo?! Ang dami ng bakanteng chairs all around oh?"

"Bakit may pangalan mo ba? Sayo ba toh?"

"Oo, akin toh! May pangalan! See?"

Oo nga, may pangalan nga niya sa likod ng sofa. Loko talaga tung babaeng toh, pag di ko lang talaga mahal tung ate ko, matagal ko na tung pina kidnap sa gorilla!

"Eh ano naman kung may pangalan mo?"

"Basta, just stay away. Go somewhere else, not here, I'm learning how to bake a Lemon Meringue Pie, so please shooo!"

"Ate Jai, uulitin ko, hindi ako aso!? At kahit ilang oras ka pa magbabad diyan sa TV, di ka matututo! Eh kahit mag saing nga ng kanin, SUNOG PA!"

*BOOOOOOOOOOOOGSSSSSSSSSSH* Binato niya lang naman ako ng tsinelas!

"ARAY! Ano ba!? Masakit!"

"Eh ang ingay ingay mo kasi! Ano ba kasi sasabihin mo?"

"Pumayag na si Dani na ligawan ko siya"

"Waiiit, yung girl bestfriend mo? Yung SSG President ng school niyo?"

"Yup."

"I don't like her."

"Ha? Bakit?!"

"Basta. I don't like her."

"Bakit nga?"

Everything Has Changed ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon