"Nathan, ok ka lang ba?" Nag alala niyang tanong.
Unti unti na itong tumingin sa kanya.
"Gusto ko lang mapag isa." Matipid na sagot ng lalaki sa kanya at ibinalik din kaagad nito ang paningin sa dagat. Hindi pa siya nakakapagsalita ng bigla ulit itong nagsalita.
"Ang sarap pagmasdan ng dagat. Nakakakalma ng puso. Kung papaanong hindi napapagal sa pag alon ang dagat sana ganon din ang mga tao, hindi mapagod lumaban kahit gaano kahirap ang iparanas ng buhay sa kanya."
Hindi niya alam kungano ang isasagot dito. Alam niyang malalim ang pinanghuhugutan ng mga sinabinito. Hinawakan niya ang balikat nito. Gusto niyang iparamdam sa lalaking nasaharapan na hindi ito nag iisa. Na andito lang siya para dito. Hinawakan din niNathan ang kamay niya at tumingin ito sa kanya. Nakatingin din siya sa lalaki.Awang awa siya na makitang ganito ang lalaking aminado siyang unti unti naniyang minahal. Nagulat siya sa sunod na ginawa ni Nathan sa kanya. Hinalikansiya ng lalaki sa kanyang mga labi. Hindi siya nakakilos. Hindi din niyamagawang itulak Si Nathan sa ginawa nito. Ganito pala kasarap ang pakiramdam ngmahalikan? Oo, ito ang kayang unang halik. Hindi niya namalayan na unti untinghinayaan na niya si Nathan sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Namalayan nalang din niya na nakayakap na siya sa lalaki habang patuloy na nakalapat angmga labi nila sa isa't isa.
YOU ARE READING
Lover Undercover (Soon to be published by Bookware Publishing Corp.)
RomanceMay happy ending ba sa isang love story na nabuo dahil sa pagpapanggap?