Part 1

1 0 0
                                    

"Whooooo!!!! Hahahahahaha! Sige humabol lang kayo! Hahaha! Hindi niyo ako mahahabol! Sigaw niya sa mga humahabol sa kanyang mga pulis.

Wang! Wang! Wang!

"Ihinto mo na ang motor mo. Overspeed ka na."  Sabi ng isa sa mga pulis na humahabol sa kanya.

"Break to PAO#6, we need a back up! May isang nakamotor na may plakang VZA 560 na paparating sa area niyo. Harangan niyo at hulihin." Nanggagalaiting sabi ng officer ng mga pulis dahil kanina pa nila hinahabol ang taong nasa motor na may plakang VZA 560.

"Copy!" Sagot sa kaniya. Nagpatuloy na lang siya sa paghabol sa motor na yun.

--

Masyado na siyang natutuwa sa mga nangyayari ngayong araw na'to.

'Di niya alam na mas masarap pa pala makipaghabulan sa mga pulis kaysa ubusin ang oras niya sa loob ng paaralan na halos lahat ng itinuturo sa kanya ay alam na niya.

Kaya nagpasya siyang mag cutting sa klase at ngayon, ito na ang kinalabasan ng kanyang pagka-cutting.

Lumingon siya sa mga pulis na humahabol sa kanya. Medyo malayo pa ito sa kanya at sa tingin niya ay matatakasan niya ang mga ito.

Napatingin na lamang siya sa harap dahil kumpyansa na siya na 'di na siya maabutan ng mga pulis.

Ngunit, pagharap niya..

"Paktay! Hehehe, mukhang 'di pa tapos 'to ahh. Hahaha" Sabi niya sa kanyang sarili.

Mula sa kanyang harapan ay nakita niya ang mga pulis na nag-aabang sa kanyang pagdating.

Naghanap siya ng pweding takasan. Nagtingin tingin siya sa paligid na pweding daanan.

At sa kanyang paghahanap ay nakaisip siya na napakapilyang ideya.

Bago siya makarating sa mga pulis ay agaran niya niliko ang kanyang motor at mula sa kanyang pwesto sa may bandang tulay ay dun siya nagpaandar ng mabilis. Nang malapit na siya sa edge ng tulay ay saka niya inangat ang motor.

Nagulat ang mga pulis na nakaabang at humahabol sa kanya. 'Di nila inaasahan ang gagawin ng may ari ng motor na iyon.

Mula sa itaas tuloy tuloy siya pabagsak sa ilalim ng tulay. Mabuti na lamang at walang dumaan ng oras na tumalon ang kanyang sinasakyang motor.

Hindi na niya inalala ang mga pulis at tuloy tuloy na siya sa kanyang pagmamaneho.

Napagpasyahan niyang iwan na lang ang kanyang motor 'di naman niya alam kung kanino yun. Basta kinuha na lang niya iyoon nung pagkatakas niya sa school.

Tinanggal niya ang kanyang suot na helmet at saka nagpara ng taxi.





--

Hinahabol ngayon ni Ace, ang isa sa mga tauhan ng Berqe Mafia.

Marami na siya napatay na mga kasapi nito.

"Alam mong hinding hindi mo ako matatakasan. Kaya kung ako sayo tumigil ka na lang." Ace.

The Come Back : QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon