Nagmartsya ako palabas kaso nadatnan ko yung prof namin kaya bumalik ulit ako at umupo sa upuan, bwest di ko keri ang atmosphere dito. Baka kung ano pa magawa ko sa pinagpalit sa akin ni Cloud. Impakta eh tapos TANGA PA.Ang sama ng tingin sa akin ng mga kaklase ko eh wala akong ginagawang masama pero si Cloud nakikipagharutan dun sa Tanga. Bwest ang sakit sa tanga pa tlga ako pinagpalit.
"So let's start introduce yourself one by one" sinabi ng prof, nagpakilala na ang lahat at tapos na din si Cloud at si Tanga. Susunod na ako. Medjo kabado ang lola nyo baka masabi ko na Ex ako ni Cloud. Charrot.
"Magandang umaga mga kaklase, ako nga pala si Irene Gandre. 16 years old. At naniniwala sa kasabihan na, Hindi dapat makipagtalo sa mga taong tanga dahil matatanga ka lang sa kasinungalingan nila. Yun lamaang po salamat." Habang sinasabi ko ang katagang iyon nakatingin ako dun sa Piangtanga. Yung mukha niya grabe hindi maipinta sa galit. Sasabog na siya. Hahaha
"Hahahahaha" tawa ng mga kaklase ko. Bwest knina pa nila ako tinatawanan.
Natapos ang nakaboboring na klase, buti nalang hanggang alas tres lng uwian ko. Ayoko makita magdamag si Cloud at yung impakta dagdag pagod. Lumabas na agad ang mga kaklase ko naiwan naman ang mga kaibigan ni Tanga. Bakit kaya baka magpapaganda pa sila eh tanga din naman sila kahit anong pagpapaganda nila. Paalis na ako.
"Hep hep" sabi nung isa
"Horray" sabi ko
"The fuck, baliw ata tong babaeng to" sabi nung pangalawa
"Hoy hndi ako baliw, kayo ang baliw! Sabi nyo hep hep edi dapat ang sagot dun horray! Mga tanga. " sabi ko, paalis na ako ulit
"Aray! Bitawan nyo ang buhok ko nasa-saktan ako! Hindi ko na kayo lolokohin! Pero horray tlaga ang sagot dun! Potek ang sakit! Bitawan nyo buhok ko!" Dinala nila ako sa cr infairness na kaya ko yun ah. Ang sakit ng buhok ko ng bitawan nila.
"Wag ka kasing sumasagot na babae ka para di ka malintikan." Shet sinampal ulit ako ang sakit ah. Sumosobra na sila ah. Susugudin ko na sana sila kaso hinawakan ako ng dalawa. Bale tatlo silang nandito pero apat talaga sila kasama yung tanga.
"Punyeta kayo! Bitawan niyo ko! Ano ba kasalanan ko sa inyo?!" Bulyaw ko sakanila
"Una sinagot mo kanina ang ultimate heir ng B&S Company at pangalawa wala kang karapatan dalhin ang attitude mo dito dahil hindi ka nararapat sa eskwelahan na to! Cheap! sigaw nung isa at binuhos sa akin ang putik.
Bwest kadiri putikan na ako. Naiiyak na ako sa nangyayari sa akin. Iniwan
na nila ako. Napapikit ako at binuhos ko lahat ng iyak ko.Alam kung wala akong karapatan mag-aral dito dahil para sa mayaman lang ang eskwelahan na ito at hindi ako mayaman. Hindi naman ako nkikipagkompetensya dto. Gusto ko lang makapagtapos at makapaghanap ng sarili kung trabaho.
Pinagtatanggol ko lang sarili ko sakanila, eh sumasagot naman ako ng maayos ah. Una dun sa Pia tinanong nya kung sino siya edi Pia ang sagot ko tapos sasabihin niyang Asshole! Tanga tlga. Tapos ngayon sinabi nung isa hep hep edi sumagot lang naman ako ng horray! Yun naman ang sagot tapos sasabihin nilang sumasagot sagot ako. Tanga tlaga, malamang yun ang sagot edi sasagutin ko sila. Hays
"Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, wala na din naman akong lugar sa puso niya eh" napaiyak nalang ako. At may tumawa bigla akong tumingin sakanya at tumayo.
"Hugot ah, ang cute mo pag nagmamaktol ng ganun" pinunasan niya bigla ang mukha ko ng panyo niya nagulat ako pero hindi na ako nakaangal dahil ang gwapo niya. Shems mas gwapo kay Cloud! Ops joke lang gwapo parin si Cloud Babe ko.
"Okay ka lang ba?" Sabi niya
"O-okay lang ako" nauutal kong sagot na syang ikinangiti nya, ang gwapo talaga!
Natigil ako sa pagpapantasya ko sa lalaking nasa harapan ko ng pumasok padabog si Cloud. Hinila niya ako sa lalaking iyon at kinaladkad na pinasok sa kotse niya. Shet naputikan ko tong kotse niya. Baka magalit sya dibali sya naman nagpasok sa akin dito.
"Cloud bakit mo ko hinila? Ang bastos mo dun sa lalaki! Baka kung anong masabi niya, nakakahiya." Sagot ko nagagalit na talaga ako sa lalaking to, hindi ko maintindhan mood niya. Hihilain niya ako na parang wala lang.
"Punyeta Cloud! Sumago--" hindi ko natuloy ng hininto niya bigla ang sasakyan ang kamuntikan na akong mapuntang labas.
"What?" Yan lang sinabi niya, bwest! Naiinis na ako ng sobra kaya bubuksan ko na ang pinto para lumabas ngunit ni-lock niya agad.
"Ano ba! Palabasin mo ko dito!"
"What if I don't want, babe?" Palapit ng palapit siya.
"Bakit mo ko iniwan Cloud?! Dahil ba dun sa Pia?! Sumagot ka!" Tinulak ko siya ng malakas pero hindi siya nagpatinag. Imbes na sagutin niya ang tanong ko, siniil niya ako ng halik. Nagpumiglas ako subalit malakas siya at sumasang-ayon naman ang traydor kung puso. Bwst
Pareho kaming hingal na hingal ng bumitaw sa halikan namin. At bigla siyang nagsalita
"Akin ka lang Irene, Akin lang" siniil muli nya ako ng halik