Alas-otso na ng gabi oras na para bumangon, kumain, maligo at magbihis. Araw-araw na lang na ganito ang routine ko. Ay mali gabi-gabi pala, oo mula ng araw na nakipag hiwalay siya sa akin ginawa ko ng umaga ang gabi.
Pasimple kong pinunsan ang aking mata ng maalala ko ang nakaraan. Parang kailan lang ay ang saya-saya pa namin. Habang binubuo namin ang aming future pero ng dahil sa lintik na Allon na iyong gumuho ang mga plano ko sa buhay. Ang mas masaklap pa mas pinaniwalaan siya ni Marcos kaysa sa akin.
Huh! Sabagay ano ba ang laban ko sa kuya niya na kulang na lang ipagpatayo nila ng munomento dahil daw sa kabaitan at sa full of wisdom na mga pangaral nito.
Dahil sa inis na nararamdaman ko ay ubod lakas kong sinipa ang tarangkahan ng bahay na ipinamana sa akin ni Ninang. Dahil mas matanda pa ito kaysa sa chismosa kong kapitbahay. Hindi na nakakapagtaka na gumuho ito.
"Aria mukhang tinuluyan mo na iyang gate mo ah."
Lumingon ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni Jonny, ang ever loyal kong magliligaw. Ayon sa kanya.
"Wala naman forever sa mundo,"
"Haha ikaw talaga kung sinagot mo lang ako edi sana nararanasan muna ngayon ang tamis ng salitang forever."
Tiningnan ko lang ito ng masama at pagkatapos ay pinara ko ang tricycle na maghahatid sa akin sa sakayan ng suv papuntang Cubao.
Ilang minuto pa ay nasa van na ako at nakikipagpatintero sa traffic.
Ako nga pala si Aria Makabuhay malapit ng mag twenty-two. Lumaki ako sa probinsiya at isinama ng ninang ko noong unang taon ko sa high school. Dahil sa kanya kaya ako nakapagtapos ng pag aaral. Minsan ko ng naranasan na umibig at masakit pala.
Hindi ako ampalaya sadyang nasaktan lang ako. Akala ko kasi siya na talaga pero akala ko lang pala. Sabagay totoo talaga ang kasabihan na kapag successful ka sa negosyo malas naman sa lovife.
"Miss paki-abot nga po ng bayad."
Tiningnan ko muna ito ng masama bago inabot ang isang daan na idinuduldol niya sa pisngi ko kanina.
Ilang minuto na lang at Cubao na kaya kailangan ko munang tigilan ang kaka-emote ko. Dali-dali kong inayos ang sarili ko. At taas noong lumabas ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Finding You
Ficción GeneralMahigit tatlong taon ang itinagal ng relasyon nila Aria at Marcos. Buong.college life niya ay dito na umikot. Ibinigay niya lahat ng pwede niyang ibigay maliban sa bataan niya, mahirap na baka mapadapa pa siya ng pinakamamahal niyang lola kapag nagk...