first

33 5 2
                                    

                         F   I    R    S   T

Aish, ano ba yan! Bakit ngayon pa umulan? Wala pa naman akong dalang payong. Umulan kasi ng malakas kaya nastranded ako dito sa waiting shed malapit sa school namin. Actually hindi naman masyadong malayo yung bahay namin mula dito, walking distance lang kaso hindi ako makaalis dahil sa ulan. Ilang sandali pa medyo humina na ang ulan.

"Bahala na, pauwi naman na ako eh."

Wala na akong pakialam kung mabasa ako, basta ang importante makauwi. Ayaw ko namang manatiling mag-isa dun sa waiting shed. Baka mamaya may sumulpot pang kung ano dun.

Maya-maya hindi ko na nararamdaman ang mga patak ng ulan sa katawan ko.

"Bakit ganon umuulan pa naman ah" sabi ko habang napatingin sa taas. Napansin ko ang isang payong at ang lalaki sa tabi ko na may hawak nito.

"Nako miss, ba't ka nagpapaulan. Magkakasakit ka niyan"

Napatigil ako habang nagsasalita siya. Ano namang ginagawa ng isang lalaking matangkad, matangos ang ilong, may manipis na labi, mahabang pilikmata–in short yung taong crush ko. Anong ginagawa ng crush ko sa ganitong panahon, gabi, umuulan, at pinapayungan ako. Bakit pinapayungan ako ng crush ko? Magugunaw na ba ang mundo?

Hindi ko napansin na matagal pala akong nakatitig sa kanya kung hindi pa siya tumikhim.

"Anong ginagawa mo dito?"

Ito ang mga napiling salita na unang nilabas ng aking bibig ng matauhan ako.

"Pinapayungan ka, nagpapaulan ka kasi. Baka magkasakit ka pa. Saan ba ang bahay mo? Hatid na kita."

Napaawang nalang ang bibig ko sa mga narinig. Hindi naman sa ayaw ko pero hello–nandito yung crush ko sa tabi ko, pinapayungan ako at may balak pang ihatid ako. It's just so good to be true. Hindi naman ako nakadrugs pero bakit ito ang nakikita ko?

"So Mia, ano saan ba bahay niyo?"

"Kilala mo ko?"

Napatawa naman siya ng mahina sa naging reaksyon ko at sabay nguso sa I.D ko. Oo nga naman. Tss, feeler lang talaga siguro ako.

Kasalukuyan na kaming nasa harap ng gate namin ng magsalita ulit siya.

"Sige, mauna na ko ah. Kita tayo ulit bukas" sabi niya sabay halik sa may pisnge ko.

Okay. Ano ba talagang nangyayari sa mundo? Hindi ko naman siya ginayuma ah. Bakit ganun?

Nang makaalis siya, pumasok na ko sa bahay at naligo. At hindi ko na alam kung pano ko nagawang makatulog nung gabing yun.

Kinabukasan, sabay kaming kumain ng lunch ni Jiro, yung crush kong nagpayong sakin kagabi. Naulit pa ng maraming beses yung lunch na yun hanggang sa naging close kaming dalawa. Palagi kaming magkausap sa school, sabay kumain, minsan hinahatid niya ko sa classroom namin kaya naging tampulan kami ng tukso, pero wala siyang pakialam dun. Palagi niya rin akong hinahatid pauwi sa bahay.

"Sige na naman Mia, turuan mo na ko dito sa chem, pramis mamayang uwian ililibre kita ng fishball dun kay Mang Kiko" ayan na naman siya dinadaan na naman niya ko sa mga libre libre niya.

"Oo na. Samahan mo ng juice ha" tumawa nalang siya at sinimulan ko na ang pagtuturo sa kanya.

Tila isang malaking fast forward ang nangyayari samin ni Jiro ngayon. Hindi ko talaga akalain na magiging kaclose ko siya, na magiging kaclose ko yung crush ko.

Halos araw-araw kaming magkasama pag hindi naman palagi kaming magkatext at call. Hindi ko alam na nasasanay na pala ako na nandiyan siya palagi sa tabi ko hanggang sa...

"Oh, mag-isa ka yata asan si Jiro?" tanong sakin ng isa kong kaklase. Sinagot ko nalang na baka absent siya.

Nakailang text at tawag na ko sakanya pero ni blankong text message wala akong natanggap. Hindi ko naman alam kung asan bahay niya dahil hindi naman niya nasabi sakin yun.

Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin nakikita miski anino ni Jiro. Nag-aalala na talaga ako. Kaya kahit hindi niya ko nirereplyan tinitext ko parin siya. Kahit hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, kahit halos mabaliw na ko kakaisip kung bakit bigla nalang siyang nawala. Kahit ilang araw na ang lumilipas umaasa pa rin akong babalik siya.

Kahapon nga umulan ng malakas at nandoon ako sa waiting shed  naghihintay na tumila ang ulan, napangiti ako. Hindi ko alam pero naghintay ako na baka may biglang sumulpot na Jiro na may dalang payong, pero wala. Basang-basa akong umuwi ng gabing yun kaya heto ang sakit ng ulo ko mukhang sisipunin pa yata ako.

Bago umuwi dumaan muna ako sa drug store malapit sa may school nang mapansin kong nakatitig sa akin ang isang babae. Madami siyang dalang gamot na kakabili niya lang yata.

"Ikaw ba si Mia?" tumango parin ako sa tanong niya at tinago ang pagkabigla ko. Pero mas nabigla ako sa sunod niyang sinabi.

"Akong ate ni Jiro"

Ang dami kong gustong tanungin sa kanya pero pinasunod niya ko. At hindi naman ako nagdalawang isip na tumango.

Nandito kami sa harap ng isang bahay. Mukhang ito na ang bahay nila. Hindi ito gaanong malaki pero mapapansin na may kaya ang mga nakatira dito.

"Ito ang kwarto niya" sambit niya ng marating namin ang unang pinto malapit sa may sala.

"Kausapin mo siya Mia, kailangan ka niya."

Hindi naman maitago sa mukha niya ang pag-alala. Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita ko siya–si Jiro.

"Anong ginagawa mo rito?" mapait niyang sambit habang hindi na halos makatingin sa akin.

Napaluha nalang ako sa nakita. Nakahiga si Jiro sa kama habang may nakatusok sa kanyang kung ano-ano. Makikita sa tabi niya ang isang monitor na gaya sa mga hospital. May dextrose din na nakakabit sa kanya.

"May sakit ka?" sabi ko habang papalapit sa kanya "Bakit hindi mo sinabi?"

"Dahil ayokong malaman mo. Ayokong kaawaan mo ko!" nakatingin na siya ng deretso ngayon sakin.

"Ayaw mong malaman ko? Hindi mo ka nagrereply, ni hindi mo sinagot mga tawag ko dahil ano? Dahil ayaw mong kaawaan kita? Hindi mo ba alam na halos mabaliw na ko kakaisip kung bakit ka biglang nawala?" nanatili siyang tahimik habang iniiwas niya ang tingin niya sakin.

"Bakit hindi ka magpaconfine sa hospital?" patuloy pa ring nag-uunahan sa pagdaloy ang mga luha ko. At kahit anong gawin kong punas hindi sila nauubos.

"Mia, nasa 4th stage na tong cancer ko ilang araw nalang itatagal ko–" hindi ko alam na may ilalakas pa pala tong iyak ko

"Kaya sinasayang mo yung mga natitira mong araw? Pupunta tayong hospital"

"Para ano? Para patayin din nila ko katulad ng pagpatay nila sa mga magulang ko?" natigilan naman ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita tungkol sa pamilya niya.

"Umalis ka na Mia, hayaan mo na ko. Mamamatay pa din naman ako kahit ano pang gawin natin"

Napabuntong hininga nalang akong lumabas sa kwarto niya. Naghihintay naman yung ate niya sa labas

For the Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon