last

31 7 7
                                    

                                L   A   S   T

Nandito na ko sa bahay pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari lalo na sa sinabi ng ate niya.

Paglabas ko kasi ng kwarto ni Jiro nag-usap muna kami sa garden nila.

***
"Alam mo ba two months ago sinabi ng doktor ni Jiro na three months nalang ang itatagal niya. Pero di ko siya nakitang nabigla o nalungkot instead humiling siya. He said that he wanted to spend the rest of his remaining days with the person he love the most, at ikaw yun Mia. At kahit na may taning na ang buhay niya, araw-araw ko siyang nakikitang masayang umuuwi. Sobrang saya niya na halos makalimutan na niya ang tungkol sa sakit niya. At dahil sayo yun" napangiti naman siya sakin ng mapait. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya hindi na ako nagsalita.

"I never saw him that happy until that day came. Madalas nang sumasakit ang ulo niya sanhi ng cancer niya sa utak. Gabi-gabi naririnig ko ang mga sigaw niya. Pero ayaw niyang magpagamot, ayaw niyang pumunta ng hospital. Araw-araw pinipilit niyang pumasok dahil gusto ka niyang makita. Ganun ka niya kamahal Mia. But then, humiling siya ulit. Hiniling niya na kahit anong mangyari huwag na huwag kong sasabihin sayo ang tungkol sa sakit niya, pero hindi ko yun kayang tuparin."

"Bakit ayaw niyang ipaalam sakin?"

"Dahil ayaw ka niyang mag-alala. Ayaw niyang makita kang umiiyak at nasasaktan nang dahil sa kanya. Ayaw niyang nakikita mong unti-unti siyang namamatay sa harap mo at wala man lang siyang magawa."

I didn't know he loves me this much. And I'm so stupid for knowing nothing. All this time mahal pala ako ng taong mahal ko, pero I choose not to mind it dahil ayokong umasa. Ayokong magpakatanga. But here I am, umiiyak ako dahil sa pagsisisi. Kung alam ko lang sana–no kung hindi lang sana ako naging manhid.

***

Sobrang late na ako nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak. Aargh, bakit ba abg tanga ko? Bakit ba ang manhid ko?

Simula noon araw-araw na kong pumupunta sa bahay nila Jiro para alagaan siya. Ayaw kasi niya talagang pumunta sa hospital dahil sa traumang natamo niya sa pagkamatay ng mga magulang niya. At araw-araw, pahina ng pahina si Jiro. At kahit gaano kaming nagpapakatatag alam namin na kukunin parin siya samin. Alam kong may plano ang Panginoon para sa kanya.

Halos hindi naman matumbasan ang saya namin ng malampasan ni Jiro ang taning na binigay sa kanya ng doktor. At oras-oras naming hinihiling na sana magtuloy-tuloy na to.

"Mia, can you stay? Even just for this night?" napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatango sa kanya.

Of course, kahit anong hilingin niya. Tinap naman niya ang espasyo sa tabi niya na parang inaanyayaan akong tumabi sa kanya kaya lumapit ako, humiga ako sa tabi niya.

"Mia, thank you. Thank you for everything."

"It was nothing, Jiro. Diba kahit ano gagawin mo naman para sa taong mahal mo?"

"Mahal mo ko?"

"Of course. Hindi ko naman gagawin to kung hindi ka importante. Hindi ako hihiga dito sa tabi mo kung hindi kita mahal."

"Oh, Mia. Hindi mo alam kung gano mo ko pinasaya" napangiti naman ako sa sinabi niya.

"You know what, if this is the last thing–if you're the last thing I'll see before He takes me. I just want you to know that I'm very contented. You staying here beside me is so just perfect and I can't wish for more. You, loving me is more than enough. I love you, Mia"

At yun ang mga huling salitang narinig ko mula sa kanya bago kami sabay na nakatulog. Siya habang nakayakap sakin, ito na siguro ang pinakamahimbing na tulog ko.

Kinabukasan hindi ko na napigilang maiyak. Ito na yun, yung araw na hinihintay niya. Yung araw kung kailan siya makakapagpahinga. Napansin ko kasing hindi na siya masyadong nakayakap sakin at pagcheck ko ng pulse niya, wala na talaga. Pero napangiti ako dahil sa wakas, hindi na siya mahihirapan, makakapagpahinga na siya. At enough na yung kagabi para masabi namin sa isa't-isa ang mga nararamdaman namin. Masaya ako para sa kanya. Pero kahit papano nalulungkot parin ako dahil hindi ko na siya kasama. He knew that it was his last day.

Wala na talaga siya.

"Mia" at mukhang alam din ng ate niya.

"Gustong ipabigay sayo to ni Jiro kapag, kapag wala na siya."

Isa itong sulat. Tinanggap ko naman iyon at binasa.







Mia,
        Alam kong sa mga oras na to wala na ko. At ayaw kong makita kang umiyak kaya tahan na.
        Naalala mo ba noong una tayong nagkita? Pinlano ko yun. Ilang balde ng lakas ng loob ang inipon ko nun para malapitan ka. Haha. Pero kita mo nga naman naging close pa tayo, umabot pa tayo dito.
         Pasensya na kung hindi ko agad sinabi sayo ang tungkol sa sakit ko. Ayaw ko kasing masaktan ka. Pero natuwa parin ako dahil hindi ka sumuko sa pag-aalaga sakin. At wag kang magpaulan ha? Baka magkasakit ka.
           Salamat sa lahat lahat. Pasensya na kung naging duwag ako dahil sa sakit ko. Pasensya na dahil iniwan kita. Salamat dahil pinadama mo sakin kung paano magmahal at mahalin. Salamat dahil hanggang sa huli hindi mo ko iniwan. Pasensya na dahil kinailangan kong magpaalam.
             I love you, Mia.
                                             Nagmamahal,
                                                  Jiro








For the last time he told me he loves me..

But it will not be the last time I will tell him how much I love him. How much I love Jiro.










fin.

For the Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon