Chapter 31.3.3

376K 3.9K 369
                                        

CHAPTER 31.3.3

ADISON

Hmp! Nakakainis talaga! Gusto ba talaga niya akong kunsensyahin kaya niya ginawang tanggalin lahat ng bodyguards niya?! Akala naman niya bibigay ako ng gan'un-gan'on lang! Bahala siya sa buhay niya! Hmp!

Umupo ako nang diretso at ilang beses na huminga nang malalim. Pero sa tuwing dadalhin ako ng isip ko sa imahe ni Sebastian ay nawawala ako sa focus.

Fine! Nag-aalala ako! E, kasi naman! Shit!

Mali nga yata ako. Iniisip lang naman niya ang kaligtasan ko.

Haist! Ewan ko sa'yo Ady! Ang gulu-gulo mo!

Kanina ko pa siya gustong tawagan, pero naiinis ako! Bakit ba hindi niya ako tinatawagan?! Dati rati naman ay nakatawag siya nang nakatawag sa akin! Ngayon naman kahit isang text wala?! Kaya na talaga niyang tiisin ako ngayon? Gan'un na rin ba siya kainis sa akin?!

Ugh Ady! Nababaliw ka na talaga!

Palabas na ako ng office nang maringgan kong nag-uusap sina Spencer at Raul sa may elevator.

"Okay lang ba si Sir?!" Sa tanong pa lang ay dinunggol na nang kaba ang dibdib ko.

Huh? Bakit? May nangyari na naman ba?! Oh, no!

"Nasa hospital siya ngayon. Ikaw na muna ang bahala kay Ma'am Ady, okay? Pinapunta ko na ulit ang ibang security. Hintayin mo muna silang dumating bago kayo umalis dito!" mahigpit pang bilin niya.

Si Sebastian? Nasa hospital?!

"Spencer, anong nangyayari?!" Mabilis akong lumapit sa kanila at nagkatinginan pa silang dalawa! "And don't you dare lie to me! Nasaan ang asawa ko?! Siya ba ang nasa hospital?! May masamang nangyari na naman ba sa kanya?!"

"N-asa hospital po siya, Ma'am," seryoso pang sabi ni Spencer at pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo sa sinabi niya. Oh, no...

"Is he okay? Anong nangyari sa kanya, huh?" Pinagpalitan ko silang dalawa nang tingin. Pero si Spencer pa rin ang sumagot.

"May nagtangka pong bumaril kay Sir sa parking lot," seryoso pa ring sagot ni Spencer.

At pagkadinig ko pa lang sa sinabi niya ay agad na nawalan nang lakas ang mga tuhod ko at muntik pa akong matumba. Mabuti na lang din at agad akong naalalayan ni Raul.

Si Sebastian...

Kasalanan ko...

Kasalanan ko...

"G-usto kong makita ang asawa ko..." Ni hindi ko namalayan ang pag-agos ng luha ko.

"Mahigpit po ang bilin ni Sir, Ma'am. Doon n'yo na lang daw po siya hintayin sa penthouse." Si Spencer.

"P-ero?"

"Sorry po, Ma'am. Sana po this time, makinig kayo kay Sir. Hindi naman po masama ang tama ni Sir. Nadaplisan lang po siya sa braso, lalabas din po siya ngayong gabi."

"No! Pupunta tayo sa hospital ngayon!" pasigaw pang sabi ko at wala akong balak na makipagtalo pa!

Aish! Nakakainis ka talagang lalaki ka! Ni hindi mo man lang ako tinawagan may masamang nangyari na pala sa'yo!

"P-ero Ma'am!"

"I said we're going to the hospital now!" pabulyaw pang sabi ko.

At kahit pa basang-basa na ang mukha ko kakaiyak ay nagagalit pa rin ako sa asawa ko!

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon