I will use tagalog or english for this story imbes na korean dahil hindi kaya ng powers ko at ninyo :)
••
~Anae wangjanim
"kyaaah!"
"Taeyeon! Taeyeon!"
"So nyeu shi dae!"
"Jessica~"
"Saranghae unnie"Ganadong ganado kaming nagperform hanggang sa matapos ang kanta. Super happy dahil nanalo na naman kami sa Music Bank.
Pagkatapos ng performance ay deretso backstage kami.
"So nyeu shi dae. Hwaiting!" masayang ani ni Sooyoung
"Nanalo ulit ang I got a boy natin!" hingal na hingal ngunit masayang sabi ni Sunny
Ako naman nangingiti lang. Proud ako sa pagkapanalo namin.
Ako nga pala si Kim Taeyeon, leader at main vocalist ng SNSD o mas kilala bilang Girls Generation. Isang sikat ng girl group ng South Korea.
Ipapakilala ko din ang mga members ko.
Si Jessica o Ice Princess ang lead vocalist. Ice princess dahil malamang cold ang aura niya. Pero mabait yan. Super.
Next naman si Sunny o Aegyo Queen. Punung puno ng aegyo o pacute. Lead vocalist din siya.
Si Tiffany o Eye Smile. Alam niyo naman na siguro yan. Nakakatamad idescribe. Lead vocalist din.
Si Hyoyeon o Dancing Queen. Main dancer. Super galing sumayaw.
Si Yuri o Black Pearl. Ewan ko ba. Di naman siya super itim para tawaging black pearl. O baka siya lang pinakamaitim samin. Vocalist at Lead dancer.
Si Sooyoung o Shikshin o Food Goddess. Matakaw pero di naman tumataba. Pinakamatangkad din samin yan. Lead dancer.
Si Yoona o Deer Yoona. Ewan. Baka mukhang deer. Huehue. Peace Yoona (insert:pacute) Face of the group at Lead Dancer.
And lastly, Si Seohyun o Seobaby. Ang aming maknae. Mahilig sa sweet potatoes at kay keroro. Nabrainwash nga ako eh.
"Unnie. Tara na! Hinihintay na tayo ni Manager" yakag sakin Seohyun
"Oo andyan na!" nagmadali nako. Pero pagharap ko may isang matangkad na nilalang akong nabangga.
"Hala sorry!" pagpapaumanhin ko.
Isang baritonong boses ang narinig ko.
"Sorry din"
Pagtingin ko sa nagsalita eh nakita ko ang isang napakagwapong mukha. Omo >•< Si Kris >//////<
Okay. Wag pahalata Taeyeon.
Pero bago pa ako makapagsalita ulit ay tipid niya akong nginitian at tinalikuran.
Tignan mo tong lalaking to. Kung di ko lang crush baka nabato ko na ng heels.
Siya si Kris o Wu Yifan. Leader ng EXO-M. Bagong boy group. Labelmate ko. Pareho kaming nasa SMentertainment. Gwapo. Kaya nga naging crush ko eh. Super tangkad. Maputi. Atska ang gwapo ng boses >•<
Pero di kami masyadong nag uusap kahit nasa iisang company lang kami. Mas close ko ang EXO-K. Nakabase kasi sila dito sa Korea at ang EXO-M ay sa China.
"Huy Taeyeon! Ano ba. Tara na! Ikaw na lang ang hinihintay! Nukaba!" nagulat ako ng sumigaw si Jessica
"Ayan na oh! Papunta na!"
Pagkarating namin sa tinutuluyan namin ay deretso higa sa kanya kanyang kwarto. Mga pagod.
Pano ba naman? Wala kaming pahinga dahil kabilabilaan amg pinupuntahan namin.
Nagpapraktis pa kami para sa bagong Single namin. Sshh secret muna ang title.
Secret muna na Galaxy Supernova ang title. Oo secret muna.
Kasalukuyan akong nakatitig sa kisame nang biglang nagring ang phone ko.
(Insert some chubachuchung korean ringtone here)
"Yoboseyo?"
"Si (insert name ng manager) to. May importante akong sasabihin sayo. Pumunta ka dito sa office ni LSM. Dalian mo ha? Labyu" yun lang at pinatayan na ako ng telepono ng magaling kong manager. Aynako.
Pero, importanteng sasabihin? Ano naman kaya yun? Bayae na nga.
Nagpaalam ako sa co-members ko na magpupunta sa SM (di sa SM na mall ha. Basta sa building ng company nila).
Pagkarating ko sa SM deretso agad ako sa office ni LSM. Nadatnan ko silang nag uusap at nang makita nila ako ay tumigil sila at pinaupo ako ni Soo Man (Siya si LSM)
"Mabuti naman at nandito ka na. May importanteng sasabihin sayo ang manager mo" napatingin ako kay Soo Man pagkatapos ay kay manager
"You are casted for We got Married. Again" nagulat ako sa sinabi ni manager.
At bakit hindi ako magugulat? Casted ulit ako for We got Married. Yung una kong virtual husband eh si Hyungdon oppa.
"Ha? Ulit? Bakit naman?" gulat at curious kong tanong
"Due to insistent public demand. Gusto nilang macast ka for WGM. And this time yung bata bata naman ang magiging husband mo" sagot sakin ni Manager
Nagpatuloy pa siyang magsalita "at sa tingin ko napasobra ang pagkabata ng magiging husband mo"
"Bakit, sino bang magiging virtual husband ko ulit?" tanong ko
Tumingin siya sakin at sinabing "Magiging mag asawa kayo ni Kris ng EXO-M"
BINABASA MO ANG
We got Married [KrisTae]
RomanceKim Taeyeon and Wu Yifan/Kris in We got Married? What would happen?