"Pag-ibig ko Sa'yo"

27 1 3
                                    


Grabe itong pag-ibig na nararamdaman ko

Ako ay nababaliw sa kaiisip sa'yo

Sobrang mahal na mahal na nga talaga kita

Pag-ibig isang makapangyarihang salita


Ang sarap sa pakiramdam na may minamahal

Araw-araw merong pag-aalayan ng dasal

Na sana ika'y ligtas at masayang-masaya

Minahal kita ng bigla at di sinasadya


Pano yan? Hinahanap-hanap kita palagi

Sa aking isipan ika'y laging sumasagi

Sa weird ng mga kinikilos, di ka ba nagtataka?

Hindi kumpleto yung araw ko kapag wala ka


"Mahal" na ang tawagan natin sa isa't isa

Sabik tuwing naririnig o nababasa

Para akong nasa langit tuwing ika'y kausap

At tayo'y magkasama sa taas ng mga ulap


Malay ko ba oi di ko naman to inaasahan

Basta nasabi kong di na kita pakakawalan

Sobrang lalim ng bagsak ng puso ko sa iyo

Isasama kita sa 'king masayang palasyo


Basta lagi mong iisipin at tatandaan

"IKAW" lang kahit ilang taon man ang dumaan

At sisikapin kong maging tapat at totoo

Basta ako ay iyong-iyo ng buong-buo


Pagmamahalan natin ay hindi ordinaryo

Alam naman natin na tayo ay magkalayo

Pero hindi yun rason para di maging tayo

Kahit kalapkip nito ay mga sakripisyo


Ika'y nakikita ko sa aking hinaharap

At bawat oras natin ay aking nilalasap

Aking hiling lang naman ay ika'y makasama

Kahit sa buhay na puno ng saya o drama


Papatunayan kong ako ay karapat-dapat

Sa pagmamahal mo sa akin na sobrang sapat

Ikaw ay biyaya sa buhay kong malungkot

Pag-nandyan ka, nalalabanan lahat ng takot


Ang Pag-ibig ay hindi isang simpleng damdamin

Dapat mong ipagkatiwala o ihabilin

Ang sarili sa nabuong nyong pagmamahalan

At hindi na talaga kita pakakawalan :)


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Personal PoemsWhere stories live. Discover now