1

8 0 0
                                    

"Manong yung sukli ng bente, estudyante lang po yun!"

On the way na ko sa school ko. At ito nga naipit pa ko sa traffic. Lunes pa naman ngayon kaya talagang traffic.

Ako nga pala si Elisa Torres. 3rd Year college na ko sa isang pampublikong unibersidad. BSIT ang kinukuha kong kurso. Isang housewife ang nanay ko at isang clerk naman ang aking tatay.

Panganay ako sa apat na magkakapatid kaya naman kaylangan ko ng makagraduate upang matulungan ang mga magulang ko. Sinubukan ko ngang magtrabaho sa isang fastfood chain pero pinatigil ako ni nanay at tatay. Dapat daw mag-aral ako. Gustung-gusto ko silang tulungan sa pinansyal para sa mga kapatid ko pero ayaw nila. Pag nakatapos daw ako saka na daw ako tumulong.

"Say, may assignment ka na ba sa worlit?" tanong ng matalik kong kaibigang si Natasha.

Sa totoo lang si Natasha lang ang kaibigan ko. Hindi kasi ako pala-kaibigan, tsaka kinakaibigan lang nila ako kapag may exam o quiz.

"Meron na, ikaw ba meron na?"

"Oo, pero i'm not so sure. Tara na time na din ayoko mag standing ovation sa klase"

Pumunta na nga kami sa sususnod na klase namin. Madalas nauubusan kami ng upuan kaya naman inaagahan namin ng pasok.

Blaaaaaaag! Sa kamalas-malasan naman nabunggo pa ko sa isang mamang to. Bat ba kasi di sya tumiti-

"Ay sorry mi-- Elisa!" sabi ng mamang to habang inaalalayan ako patayo.

Nag alinlangan pa kong kunin ang inaalok nyang kamay ng malaman ko kung sino sya pero hinila nalang nya ang kamay ko. Kaya naman magkahawak ang aming mga kamay

"Ah okay lang!" sabay bawi ng kamay ko,baka mapansin nya pang pasmado ako nakakahiya

"Sorry talaga Elisa, sige mauna na ko ah, bye" nagwave pa sya ng kamay nya at nakangiti

Hindi pa komaka move on sa ginawa nyang pag ngiti sa akin kung hindi ko lang napansin na...

Asan na si Natasha?

"Oh my god! Kilala ka nya!" biglang sulpot ni Natasha. Speaking of.

"Teka! Bat bigla kang nawala ha? Di mo man lang ako tinulungan kanina!"

"Syempre si Papa Kian na yung tutulong sayo eentrada pa ba ko?"

"Ang sama mong kaibigan, binubugaw mo ko!"

"Oa ha? Atleast diba lumelevel up ang relationship nyo, ngayon kilala ka na nya"

"Malamang alam na nya ang pangalan ko dahil ilang beses ng nafeature ang article ko sa newspaper, ano ka ba!"

"Holding hands naman kayo no!"

Oo nga pala hinawakan nya ang kamay ko, ngumiti pa sya sa akin at nag babye.

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Di ko na kayang ideny ang kilig

"Oh tapos bigla kang ngingiti jan? kinikilig ka no?"

"Tumigil ka na nga Natasha, pasok na tayo!"

At ayon nga pumasok na kami ng aming klase. Nasa kalagitnaan na ng discussion ng pumasok si Adonis sa classroom. Char lang hindi sya si Adonis, pero kasing gwapo nya si Adonis. Hindi pa sya nakauniporme kaya halatang bagong estudyante sya.

"Is this world literature?" Tanong nya sa prof namin, aba englishero.

"Say, Ang pogiiii!" bulong ni Natasha, pero hindi yun naging bulong kasi narinig ng bagong dating.

Kaya naman nginitian ng bagong estudyante si Natasha, aba at ngumiti din ang malandi kong kabigan!

"Ye-yes, are you in this class?" sa wakas sumagot ang prof namin. Mukang natulala din sa gwapo ng nilalang na to.

"Yes ma'am, I'm a transfer." tapos tumingin sya sa amin este sa buong klase. "Hi! I'm Kristoffer Villegas, from Singapore. I can't really understand tagalog language, i hope you can assist me." tapos ngumiti sya tapos umupo sya... tapos sa tabi ko sya umupo????

"Oh! So cla-ass assist Mr. Villegas okay?" tapos nag patuloy na sya sa pag turo.

Tinignan ko sya na nasa tabi ko at ngumiti naman sya sa akin "and you are?" tinatanong nya ang pangalan ko??

"She's Elisa and I'm Natasha!" sabi ni Natasha dahil hindi ako sumasagot.

Abala ako sa pagtitig sa mukha nya eh.

Tama si Natasha ang gwapo nya pero mas gwapo pala sya sa malapitan, tapos nakangiti pa sya sa akin. Bukod sa maputi sya dahil sa foreigner sya, ang kinis pa nito. Nahiya naman ako sa pimples kong bagong sibol.

"Ah, Elisa.. Natasha..you can call me Kristoff"

Ang tangos pa ng ilong nya! Yung pinsgi nya bahagya ding mapula. Nagbublush on ba sya?

"Oh sure galore Kristoff!"

Tapos ang mga labi nya ang pula. Teka naglilipstick ba sya? Bakla ba sya?

"Is there something wrong with my face?" tanong nya ng mapansing nakatitig ako sa mukha nya.

"Bakla ka ba?" sabi ng madaldal kong bibig

Naku anong sinabi ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon