Introduction

15 0 0
                                    

Ganito nga siguro ang buhay. Kung minsan ang hirap intindihin Kung anu ba talagang nangyayare. Yung masaya kana tapos biglang epal ng iba tapos masasaktan kana ulit. Yun bang nandun kana sa dulo ng happily ever after pero hihilahin ka paden ng iba pabalik para sirain. Yung akala mo para sayo na talaga at iyong iyo Lang talaga may kaagaw ka paden pala. Yung akala mo Hindi ka iiwan at forever mo nang kasama for never pala. Akala mo true love na at may spark nagoyo ka Lang pala. Yung akala mo mahal ka din niya pero may mahal palang iba at masaklap pa dun si tropa pa. Yung pinaasa ka munang maiige tapos pinaglaruan ng tadhana. Yung akala mo prinsesa kana ng buhay niya tapos bigla Kang mai etsapwera. Yung ikaw yung nandiyan sa oras na kailangan niya ng karamay at kasama pero iba ang hinahanap niya. Akala mo kakampe mo siya pero sa huli sasaktan kaden pala. Ang buhay Hindi isang fairytale. Kailan man Hindi pwedeng habambuhay Kang masaya dadating sa puntong luluha ka ng luluha sa sakit na nadarama. Kailanman walang perpekto sa mundong Ito. Pagbalibaliktaren mo man ang mundo Hindi paden mawawala ang mga problema at sakit na kahaharapin mo. Ang tanging magagawa mo Lang ay magdesisyon Kung paano mo ipagpapatuloy ang buhay mo. Ang mahalaga lumaban ka pero sa paanong paraan nga ba? Walang ibang permanent sa mundo maliban sa pagbabago. Paano mo iaangkop ang sarili mo sa nasabing pagbabago? Kakayanin mo Kaya? O madadala ka na Lang ng rumaragasang agos ng malupit na buhay nating Ito. Lalamunin kaba ng dilim o patuloy Kang maglalakbay upang matanglawan ang liwanag ng buhay. Sasamahan mo ba kaming tuklasin kung paano nga ba ang gagawen na pag angkop ni Kirsten sa buhay niya? Handa ka bang isakripisyo ang oras mo para kilalanin siya? Kung oo, anu pa bang hinihintay naten? Tara na at ating buuin ang bawat piraso ng kanyang buhay, ang bawat hibla ng kanyang nakaraan, at bawat pangyayare sa kasalukuyan. At ano bang mangyayare sa kanya sa hinaharap?!

🤔😮

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now