"LoVe (part 1)"

32 5 0
                                    

Lorence's POV

Ako si Lorence Medalla, gaya ng apelido ko madami akong medals, dahil madami akong medals siguro naman gets nyo na kung bakit ako tinatawag na 'Nerd' ng mga taong nakakakilala sakin sa school.

Dahil nga  Nerd ako, konti lang ang may gustong maki halo-bilo saakin kase ayaw ko sa kanila at sinusupladuhan ko pa... Haha madalas nga kase sila mang gagamit kapag kinaibigan mona.

Kaya nga sa lahat ng Nerd sa school namin ako yung pinaka matalino, bkit? Simple lang di ako nag papauto sa mga mang gagamit....

Bigla nalang kase sila lalapit sayo at makikipag kaibigan 'daw' tapos mag papatulong o di kaya ay papagawa ang assignment at project sayo... Anu kala nilasaakin uto-uto? Mga tae sila

Sila dapat gumawa ng mga  assignment nila, mga magulang nila nag babayad ng tuition fee dito tapos ginagawa nila sa eskwelahan ay puro pa fame, landian, lamangan mga tae talaga
.

.
.
Pero isang araw may transferee na pumasok sa classroom namin
Ang pucha Ang ganda nya!
Dahan-dahan syang pumasok sa Classroom at ung buhok nya na mahaba at straight ay sumusunod sa galaw nya

Kasalukuyan akong naka tunganga at naka nga-nga na tinititigan sya...

Maya-maya ay nahagip nya ng mata nya ang mata ko at bigla nalang syang umiwas at yumuko, parang namula sya na ewan ko ba kung nahihiya saamin

Pinakilala sya ng Adviser namin na sya ang bago naming magiging kaklase at sinabi nya sa kanya na ipakilala nya daw,ang sarili nya sa klase

Good afternoon po!^_^ Masigla nyang pasimula Ako po si Venice Solomon, solomon huh? Haha parang si haring Solomon na pinaka matalinong tao sa balat ng lupa Sana po maging mag kaibigan tayo. Pag kasabi nya nun, ay bigla akong nahimas masan sa sinabi nyang
word na magkaibigan. Na para kasing ang tama sakin ay mag gamitan

Napa pukpok at hampas nalang ako ng mukha ko, at sabi ko sa sarili ko baka gamitin lng ako ng babaeng ito kung hahayaan kona maging mag kaibigan kami, naku nahumaling agad ako sa panlabas na anyo naku Lorence

Habang pinupukpok ko ang mukha ko gamit ang hawak kong libro ay may biglang tumabi saakin
^_^ sya , <_< ako
Wooh bakit tumaas balihibo ko? Tae naman pupu bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit parang nag aaway ung mga bulati ko sa tiyan? At bakit ang dami kong tanong?!

Habang tinititigan ko itong babaeng to na katabi ko ay bigla nalang humarap at sinabing Hello! Habang kumaway kaway pa sya Umiwas ako ng tingin at hinarap nalang ang libro ko nakinina ay pinang hahampas ka sa mukha ko

Bakit ba kase kahit simpleng Hi diko masabi? Umurong ung dila ko... Nakita ko sya sa peripheral vision ko na sumimangot at tumingin nalang sa harapan

After a month

Days past , weeks past or should I say a month past, tsk pinapahaba ko pa eh, ganun parin sya lagi nya akong binabati ng Good morning pag ka upong pag ka upo nya sa upuan na which is katabi ng upuan ko medyo ngumingiti na lang ako o di kaya ay binabati nadin sya pero minsan lng,

My One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon