Huling Isang Linggo

2.5K 61 19
                                    

"Panginoon, Hindi po ako nakapasok sa Big 2 pero masaya ako. Kung si Yong man ang makakapasok bilang pangatlong Lucky Sun magiging masaya pa rin ako.

Alam ko po sa sarili ko na binigay ko ang lahat, pero kung hindi po ito ang magiging tadhana ko ay magiging masaya po ako. "

Iyon ang dinulog ko sa Panginoon noong gabing iyon. Noong gabi na nalaman ko na si Kisses at Edward na ang magkakasama sa Big 2.

Natutuwa ako para sa mga kaibigan ko pero nalulungkot din ako dahil akala ko may pag-asa pa ako yun pala wala na.

Tinitigan ko si Kisses habang natutulog siya. Isa siya sa mga taong alam ko na tunay na nagmamahal sa akin at gaya nga ng sabi ko "kung walang forever sa boyfriend, may forever sa bestfriend."

Mahalaga si Kisses para sakin at alam ko na mahalaga rin ako sa kanya.

Pero nung makita ko na nagyakap sila ni Edward at sobrang saya nila, pakiramdam ko na biglang mag-isa nalang ako.

Tila ba lahat ng mahahalaga sa akin ay nawawala at lahat sila ay iniiwan ako.

Habang sila ay nagbabago ako, heto pa rin. Nagpapatawa pa rin. Hindi nila alam pero sa tuwing nakikita ko silang dalawa ay nasasaktan ako.

Pakiramdam ko ako si Kisses noong mga panahong umamin si Kisses na gusto niya si Marco pero ang gusto ni Marco ang gusto ay si Vivoree.

Hindi ko mailabas ang nararamdaman ko. Hindi ko masabi at hindi ko maipakita na nadurog ang puso ko.

Oo una kaming naging close ni Edward pero hindi ko siya masisisi kung sakaling mahulog din siya kay Kisses kasi pareho sila.

Parehong mabait, matalino, maganda ang buhay, at bagay sila dahil pareho silang gwapo at maganda.

Hindi katulad ko...
***

Dumating nanaman ang isang bagong umaga sa bahay ni kuya. At gaya ng ginagawa ko araw-araw binati ko ang bestfriend ko ng magandang umaga at ganoon din siya sa akin.

"Good Morning Ate May!" Bati ni Kisses sabay yakap sa akin. Ramdam ko na sobra ang kagalakan sa kanyang puso. Kahit nalulungkot ako pinilit kong itago ito at binati rin siya.

"Good Morning Kisses."sabay yakap sa kanya at binati ko rin ang iba pa naming ate. "Good Morning Ate Thuy, Baninay, Ate Ali at Ate Cora."

"Good Morning." Bati rin nila.

Naghanda na ako para lumabas at batiin pa ang iba pang housemates.

Unang nakita ko ay si Edward.

Nginitian ko lang siya at binati.

Tinitigan niya ako na para bang inaaral ang mukha ko ngunit matapos ang ilang segundo ay binati niya na rin ako.

"Good Morning May." Sabay bukas ng kanyang mga bisig upang yakapin ko siya, gaya ng araw-araw niyang ginagawa, at yumakap ko rin siya ngunit ako ang unang bumitaw.

Naglakad ako patungo sa dining area at kitchen, doon nakita ko ang iba pang mga guy housemates.

"Good Morning kuya Luis. Kuya Jerome, kuya PJ, Yongggg."

Nagpunta ako sa kitchen kung saan naroon si Kuya Tanner.

"Hello Ser."

"Good Morning."

Tahimik lang siya ngunit hindi ko alam pero natutuwa talaga ako kay kuya Tanner lalo na kapag inaasar ko sila ni Baninay. Hahahaha.

Kumain kami ng agahan na magkakasalo. Gaya ng dati, magkatabi kami ni Kisses at halos katapat namin halos si Edward. Yan ang inaasahan ko pero hindi nangyari.

Para Sakin Lamang (MAYWARD/MAYNER Fanfic) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon