Huling Tatlong Araw

998 30 1
                                    

Tatlong araw, tatlong araw nalang ang natitira para makasama ko sila. Tatlong araw bago ko makita muli ang aking pamilya. Tatlong araw pa bago ko tuluyang pakawalan na siya.

"May. May. May."

"Ha?" Iyon nalang ang nasabi ko. Hindi ko alam pero natulala na pala ako. 

"Ano problema?" Tanong sakin ni Edward habang nakatitig sa aking mga mata.

"Nothing just ano... I feel antok."

"Oh ok."

At nginitian ko nalang siya, ganun din naman ang ginawa niya.

Dumating si Kisses at tinabihan ako sa sofa.

"Ate May, gawa na daw tayo ulit ng parol sabi ni kuya Jerome."

Tumayo rin ako. At nagtungo sa isang sulok. Doon ay nakita namin si kuya Tanner na gumagawa ng mga parol.

Hindi ko alam pero malaki rin ang bilib ko sa kanya. Matalino, gwapo at mabait pa. Parang si Edward lang. Pero si Edward masiyahin, siya sobrang tahimik.
Habang napapalapit sina Kisses at Edward gusto ko naman na mapalapit din sa iba pang  housemates.

"Hello po Ser."

"Hello." Sagot niya sabay balik sa ginagawa niya.

Nakakaintriga siya.

Hindi ko alam kung bakit pero mas gusto ko pa siyang kilalanin, alam ko na may iba pang Tanner bukod sa nakakasalamuha ko ngayon.

Pero mangyayari lang iyon kung makakapasok ako sa 3rd Lucky Sun.

"Can you pass me the straw?"

Agad agad ay ibinigay ko naman sa kanya ang pang tali sa mga botelya.

"Ate May."  Tawag muli sakin ni Kisses.

"Ano yun?"

"Ate May ayoko na may umalis sa inyo."

"Ayaw din namin. Pero anong magagawa namin? Kung panahon na edi kailangan na'ng tanggapin."

"Ate May, wag mo ko kalimutan ha."

"Siyempre naman hindi."

Hindi namin alam pero napatigil pala si Kuya Tanner sa kanyang ginagawa at nakatingin na pala sa amin.

"You need anything kuya Tanner?" Tanong ni Kisses at umiling naman si Kuya Tanner.

Ang cute niya. Pero secret lang yun.
***

"Maymay let's eat na." Tawag sakin ni Edward at tumango nalamang ako.

Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko na nakakalimutan niya na ako. Ngayon, sa hindi malaman na dahilan ay nagiging sweet nanaman siya sa akin.

Pinaghandaan ko na ng pagkain ang aking sarili at si Kisses at pumwesto na sa hapag. Si Edward, nasa tabi nila Kuya Tanner at Ate Cora.

Akala niya hindi ko napapansin pero alam ko.

May bago na naman siyang nagugustuhan.

Hindi ko maamin na nalulungkot ako. Na nasasaktan ako at nagagalit ako kasi hindi naman siya sa akin. Kaibigan ko lang siya.

Pero bilang isang kaibigan, hindi ba gugustuhin mo na mapunta siya sa tamang direksyon?

Naiinis ako sa kanya. Pero sa ngayon hindi ko muna siya prayoridad.

"Maymay, you want?" Biglaang tanong ni Kuya Tanner. Ipinakita niya sa akin ang sobrang hotdog mula sa aming ulam.

Tatanggapin ko ba o hindi?

Tinitigan ko muna siya ng saglit.

Sige na nga! Ang cute kasi niya eh.

"Thank you kuya Tanner. I love you." Sabay ngiti sa kanya. At nginitian niya rin ako.

Natapos na ang lahat kumain at nagprisinta naman ako na ako na ang maghuhugas ng pinggan. Sinamahan ako ni Kisses habang ang ibang mga housemates ay busy mag kwentuhan sa iba't-ibang bagay.

"Ate May nakita ko yun ha." Biglang sabi sa akin ni Kisses habang nakangiti.

"Ha? Ano yun?" Tanong ko naman. Wala akong ka ide-ideya sa sinasabi niya.

"Si kuya Tanner. Ikaw ha." Asar niya sakin.

"Uyyy nabuang man ka! Isyu ka ha." Sabi ko.

"Eh bakit ikaw inalok niya? Marami naman tayo dun kanina eh."

"Ewan ko." Sagot ko sa kanya sabay balik sa hinuhugasan ko'ng pinggan.

"Te May, May nakatingin sa'yo oh." Singit na naman ni Kisses. Ewan ko ba minsan kahit sobrang mahal ko siya, gusto ko siyang tirisin. Sobrang kulit kasi eh. hahaha.  Joke lang. Mahal na mahal ko yan eh.

"Ate May. Tignan mo." Tawag niya nanaman habang sinusundot ang braso ko. Tumingin nalang ako sa sinasabi niya at nakita ko. Si Kuya Tanner, tinitignan ako habang nakangiti. Napansin niya ata na nakatingin din ako kaya umiwas na siya ng tingin at bumalik sa usapan nila nina Edward at Ate Cora.

"It ate May, mamigay ka naman." Asar na naman ni Kisses.

Nakakatuwa na malaman na may tumitingin don pala sa akin ng palihim. Nakakakilig, pero secret lang yun.

"Baliw ka."  Sabi ko at tinapos na ang mga hugasan.

***
Napaka bilis na lumipas ng araw na iyon, pinagawa kami ni Kuya ng mga malalaking parol mula sa mga basura. Nakaka-kalahati na kami. Konti nalang. At konting araw nalang din ang maaring ilagi ko sa bahay na ito.

Pinagmasdan ko na ang paligid. Ang pool, napakasaya doon at napakalungkot din. Doon ko  naranasan ang mag-swimming kasama ang iba't-ibang uri ng tao.  Doon ko rin nasaksihan kung paano madurog ang puso ng bawat isa sa amin noong umalis si Marco. Doon ko rin siguro mararanasan ang lungkot kapag hindi ako napasama sa Lucky 3 Suns. Gayun pa man, kailangan ko'ng maging masaya. Kailangan ko munang itago ang lungkot. Pero ang pinakamahalaga ay kailangan ko'ng ipakita na Kaya ko. Lalaban ako para sa pangarap ko.



Short update guys.
Next na po ang epilogue. Lalabas na sila OMG 😱😱😱

P.S. May nagbago sa plot na orig ko na ginagawa. So abangan nalang po natin ang ending.









Para Sakin Lamang (MAYWARD/MAYNER Fanfic) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon