Chapter 17: The Property

12.6K 436 13
                                    

Matteo's POV

Nagising ako dahil sa lamig. Hindi pala ako nakapagkumot kaya tumayo ako at pinatay na yung aircon. Umupo ako malapit kay Ethan. Halata kong giniginaw din siya kaya hinaltak ko pa lalo yung kumot at ikinumot pa sa kanya.

Nagtataka siguro kayo no? Kung bakit ganito na ako kay Ethn since nagkasakit siya. Ewan ko feel ko naaawa na ako sa kaniya. Hindi ko rin kasi maintindihan yung nararamdaman ko sa kaniya. Parang ang gaan na nang loob ko sa kaniya. Feel ko 'di ko na siya kayang saktan ulit. Pero dahil siguro mabait lang siya ngayon. I don't know na nga rin kung ano ang nangyayari sa sarili ko e. Parang simula nga noon nung nagkasakit siya because of me, I admit it, ako ang may kasalanan. Parang simula noon, ayaw ko nang mawaglit siya sa paningin ko which is kinaiinisan ko sa sarili ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta na sa mga inimpake ni Ethan. Okay naman lahat nung naimpake niya kaya lang, gusto ko nang kunin lahat ng gamit ko dito. Dahil hindi na namin bahay 'to. Tiumingila ako at tinignan yung picture ng lola ko malapit sa closet ko.

"Lola, sorry po. Wala na po pala akong karapatan dito? Sorry po kung 'di ko na-ipaglaban. Alam ko pong ayaw niyo, pero apo niyo lang po ako. Anak niyo si papa." Sabi ko.

Inayos ko na ang lahat ng gamit namin at dahan-dahan nang binuhat yung iba para ilagay na sa kotse. Buti't wala sa labas ang madrasta, baka kasi kung ano nanaman ang masabi o magawa ko sa kaniya 'pag nakita ko nanaman yun.

Nagpahinga muna ko saglit dahil kakaligo ko lang hulas na kaagad ako. Dahil sa stress kaya ako nagkakaganito. Ang akala ko 'pag pumunta ko dito ay mawawala ang stress ko but I was wrong, this is papa's agenda pala kaya gusto niya kaming pumunta dito, lalo lang akong nakaramdam ng stress.

After kong uminom ng kape kinuha ko na ang natitirang gamit sa kwarto, nakita kong wala nang Ethan sa kama at may narinig ako na nagsho-shower. Hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Pagkalagay ko ng gamit namin sa kotse ay nagulat ako nang may humintong black na kotse sa harap ng bahay namin. May nakasakay sa loob na naka-shades na babae, nanlaki ang mata ko at napangiti ng malaki.

Pagkababa nung babae, napatingin siya sa'kin, tinanggal niya ang shades niya at ngumiti rin ng may galak. Tumakbo ako mula sa kinatatayuan ko kanina hanggang sa pinaroroonan niya.

"Ate!" Sabi ko sabay yakap.

Ethan's POV

Nang magising ako dahil sa kalabog mula sa labas ay tumayo na 'ko para mag-toothbrush at maligo.

Nasaan na kaya si Matteo? Nakaligo na kaya 'yon? Bakit 'di niya ako ginising kung kanina pa siya gising. After kong maghanda. Kukunin ko na sana yung ibang maleta kaya lang ay wala na doon. Natakot ako dahil baka mamaya iniwan na ako ni Matteo.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina, nagbabaka-sakaling nandoon siya ngunit wala.

Tinanong ko pa kay Manang Ester ang sabi niya kanina lang daw nasa sala, nakaupo at umiinom ng kape. Medyo lumuwag ang pakiramdam ko akala ko kasi iniwan na 'ko e.

Lumabas ako ng bahay para tignan kung nasalabas siya. Pagbukas ko ng pinto. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ang nakikita ko. Hindi ko alam ang mga nangyayari.

Bumilis nanaman ang tibok ng dib-dib ko. Nauunahan nanaman ako ng pananakit ng dibdib ko even hindi ko alam kung kaano-ano niya 'yon.

I saw Matteo, hugging a girl of 30's ata. Ang ganda nung babae, maputi, sexy at halatang galing ibang bansa.

Napataas yung kilay ko nang makita ko nang tuluyan yung babae. Siya yung ate ni Matteo! Natawa ako sa sarili ko at pinahidan ko ang kaunting luha na nangingilid sa mata ko. 'Yung ate niya pala 'yon tas nagkakaganto ako.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon