P_4

6.7K 106 1
                                    

Pinagpatuloy ko ang tindahan ni lola -ito nalang din kasi ang pwedi kong pagkakitaan -medyo naka-ipon naman ako sa mga pinapasahod ni Jasper sa akin dati -kaya dinagdagan ko nalang ang laman nito -kailangan kong magtipad dahil ilang lingo nalang balik pasukan na naman -last year ko na alam kong mahihirapan ako pero kakayanin ko para sa pangarap namin ni lola

Ilang besis bumalik si Jasper dito sa bahay hiniling na magbati na kami at tanggapin ko ulit sya bilang boyfriend ko -gusto ko -gustong-gusto ko lalo pa ngayon pero natatakot ako

Lola may sasabihin po ako sa inyo -nandito na naman ako sa puntod ni lola Sophia -umaga at hapon ko itong dinadalaw habang kaya ko pa -alam mo lola lumago yung tindahan mo -dinagdagan ko ang puhunan ginawa ko na syang mini-grocery -hwag kang mag-alala sa akin -inaalalayan naman ako ng mga kapitbahay natin e -pero lola miss na miss na kita  -malapit na ulit ang pasukan -promise lola hindi ko ititigil ang pag-aaral ko kahit pa sa kalagayan ko ngayon -nakausap ko na si Aling Celia pumayag naman na sya ang tatao sa tindahan habang pumapasok ako -lola sorry ha alam ko hindi pa dapat pero nandito na e -sayang nga lang at hindi mo na makikita ang magiging anak ko -sana nadito ka para tulungan ako sa pagpapalaki sa kanya -pero pangako lola sisikapin kong maging maayos din ang pagpapalaki ko sa kanya -katulad ng ginawa mo sa akin -sana makaya ko -sana hindi ako mahirapan habang pinagbubuntis sya -sana lola gabayan mo ako lage

Kilan mo balak sabihin sa akin ang sitwasyon mo? -oh may balak ka ba talaga? -nagulat ako sa pagsasalita ni Jasper sa likuran ko

Kanina ka pa dyan?

Sapat para marinig lahat ang kinikwento mo kay lola Sophia -Jill hindi lang naman ikaw ang nasasaktan -nasasaktan din ako -hindi naman ako tumigil na kausapin si mommy  -parang awa mo na ayokong lumaki ang anak ko na hindi nya ako kilala

Jasper hindi mangyayari yun -ipakilala kita sa kanya -hindi ko aalisin sayo ang karapatan mo bilang ama ng anak ko

Pero ayaw mo akong makasama? -malungkot nyang saad

Alam mo naman ang rason ko diba? -kahit ako ang nasa katayuan ng mommy mo kung nakikita kong hindi nakakabuti para sa anak ko ang isang bagay pipigilan ko rin ito

Jill hindi ka bagay -at lalong hindi ka nakasama sa akin -alam mo yan

Pero hindi yan ang alam ng pamilya mo -Jasper pamilya ang pinaka-importante sa lahat -pamilya na wala ako -pamilya na pinangarap kong mabuo kasama ka -pero kung ganito rin ka komplekado at kahirap ang lahat para sa atin -bubuo nalang ako ng sarili ko na hindi ka kasama -kami lang ng anak ko -sorry -pagkasabi ko nun tumayo na ako at akmang aalis na ng muli syang magsalit

Nakalimutan mo na ba na sabay tayong dalawa na nangarap sa bubuohin nating pamilya? -bakit ganon lang kadali sayo ang isuko ako? -talaga bang mahal mo ako kaya mo ginagawa to? -pwes Jill sasabihin ko sayo makasarili ka ding magmahal -bakit gugustuhin mong sarilinin ang problema na dapat tayong dalawa ang haharap -Jill nandito ako handa kitang damayan -hwag mo naman akong ipagtulakan -mahal na mahal kita -hindi ko na sinagot ang mga sinsabi nya bagkos pinagpatuloy ko ang pag-alis

Pangarap (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon