the beginning - mark behind the mask

574 12 2
                                    

Mark looks happy and has no problem with his life, because of his jolly and cheerful personality, but that's just his mask to hide the sorrow and pain he's been carrying since the accident...

MARCUS KAREV BEFORE THE ACCIDENT.............

Si Mark ay isang mahiyain at tahimik na bata bagamat laging nakangiti. Dalawa lang silang magkapatid at anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon in the country, Siya na bunso at ang Panganay na kapatid nito na si Marius Karev Montinola.

ang Kuya niya ang laging kasakasama ng daddy nila dahil sa pagtratrain nito dito na siyang uupo bilang susunod na president ng company nila, ito rin ang laging pinagmamalaki ng daddy niya pag may mga social gatherings. di naman siya nagseselos dito dahil naiintindihan niya na panganay ang kuya niya kaya sa kuya niya nakaatang ang responsibilidad  na yon. di rin naman kasi nagkulang sa  kanya ang daddy niya lalo na at laging nakaagapay sa kanya ang mommy niya.

ang Kuya Marius niya ang idol niya at tagapagtanggol minsan sa papa nila pag napapagalitan siya, lagi siyang nakabuntot dito. partner in crimes sila sa lahat ng kalokohan , ito rin ang nagturo sa kanya ng lahat sa panliligaw, maggitara at maglaro ng soccer na kinahiligan niya. Ang kuya Marius niya ang itinuturing niyang kaisa-isang best friend. 

Masaya silang pamilya noon, mahal na mahal sila ng mga magulang nila lahat ng hilingin nila dito at ilambing ay nakukuha and every important events in their lives ay nandun ang mga ito. 

and that was bound to change when the accident occur, he was 13 years old then ....

simula ng inappoint ng daddy niya ang kuya Marius niya bilang vice president ng kompanya nila di na sila nakakapagbonding at di na siya nito natuturuan masyado mag drive dahil busy na ito sa trabaho nito at minsan pag free time naman nito kasama nito ang Girlfriend. 

kaya inisip ni Mark na tumakas na lang every hatinggabi para magpractice mag drive.

kaso isang gabi di akalain ni Markus habang tinatakas niya ang lumang mercedes benz nila na walang aircon na sasakyan ay mahuhuli siya ng Kuya niya.

"anong balak mong gawin ha?" sita ng kuya Marius niya 

"kuya naman ginulat mo ko kala ko na kila ate Jermaine(GF ng kuya) ka?" tanong nito sa kuya niya

Please Love Me Too *Janine and Mark*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon