Kianna's POV:
Nandito ako ngayon sa pintuan ng bahay namin. May dala akong maleta na siyang kinalalagyan ng mga damit ko.Hindi ako lalayas. Pinapalayas ako. Dahil sa nakakahiya daw akong anak. Hindi ko alam kung bakit eh. Sadyang ayaw lang talaga nila saakin.
" You dont deserve to be a part of this family! " sabi ng daddy ko.
Oo, matagal ko ng alam na hindi ko deserve ang maging parte ng pamilya niyo, matagal ko na yang alam. Dahil yan ang nararamdaman ko, simula ng bata pa ako.
" You're such a disgrace! " sabi naman ng mommy ko.
Alam ko na rin yan. Sus! Ikinakahiya nila ako sa di ko malamang dahilan. Siguro di naman talaga nila ako anak. Baka napilitan lang silang ampunin ako. Or they just hate that I've been born.
Simula kase ng ipinanganak ako nalugi daw yung negosyo ng pamilya namin. Parang itinatak nalang nila sa mga utak nila na isa akong pagkakamali. Na isa akong malas na anak.
" Mom, Dad tama na! " sabi ng kuya ko.
" Ano ba! Wala namang ginagawa si kianna eh! " sabi naman ng ate ko.
" Shes the reason why our business got bankrupt! " sigaw ng mommy ko kay ate.
" She deserves to be treated like this! " sigaw naman ng daddy ko.
" It's not her fault! Kayo ang may kasalanan! Masyado kase kayong pabaya! " sigaw ng kuya ko.
" Anong karapatan mo para sabihin yan saamin ha?! Anak ka lang namin! " sigaw ng daddy ko sa kapatid ko tapos sinuntok niya ito.
Sabi ng mga kapatid ko hindi naman daw talaga ako ang may dahilan kung bakit naluge business namin eh. Nagpabaya daw kase sila daddy at mommy.
Si mommy inuubos ang pera niya sa kakabigay sa lalake niya. Pero hindi raw ito alam ni daddy. Habang si daddy naman daw winawaldas ang pera namin sa sugal.
Pinagtatanggol ako ng mga kapatid ko kase ayaw nilang umalis ako. Ayaw rin kase nilang ina'underestimate ako ng kahit nino man, kahit man maging parents namin. I didnt even utter a single word.
Masasayang lang kase ang boses ko. And i know thay they wont even bother to listen. So everytime they scold me, i keep my mouth shut. Kung ano mga sinasabi nila papasok sa isang tainga at lalabas naman sa kabila.
I just stand there. Crying. Pwede na ngang maging supplier ng tubi tabi sa dami ng lumalabas na mga luha ko. Wala akong magawa eh.
Mahal na mahal ako ng kuya at ate ko. Siguro, sila lang yung tanggap ako sa pamilya namin. Hindi ko alam kung bakit pero siguro totoo naman yung pagmamahal na yun. Pero gusto ko ng umalis dito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong umalis rito.
" I don't want to see your face in this house EVER AGAIN! " sigaw ng mommy ko saakin.
" GET OUT! " sabi naman ni daddy.
" Mom, Dad you can't do that to her " umiiyak na sabi ng kuya ko.
" Mom, Dad please.. " pagmamakaawa ng ate ko.
Hindi na ko nagpaalam sakanila. Hindi ko na rin pinatapos kung ano ang sasabihin nila. Wala na akong pakialam. Umalis ako saamin ng umiiyak.
Dirediretso lang ang lakad ko kaya hindi ko napapansin yung mga dumadaan. Wala akong pakialam sa mga nababangga ko. Basta ang alam ko, gusto ko ng mamatay. I dont have any reason to live in this cruel world.
Blurry na yung paningin ko. Halos hindi na nga ako makakita sa sunod na sunod na pagbuhos ng luha ko. Sabayan mo pa ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Tumigil nalang bigla akong mundo ko ng nalaman kong nasa gitna pala ako ng kalsada at mababangga ako ng sasakyan. Bigla nalang akong napahiga sa kalsada. Nawalan ako ng malay. At hindi ko na alam ang mga susunod na pangyayare.
Jake's POV:
Galing ako sa mayamang pamilya. Wala naman akong pakialam sa pera nila. Gusto ko lang ay ang bigyan naman nila ako ng kahit kunting oras lang.Simula nung bata pa ako. Hindi ko pa nararamdamang mayakap ng isang magulang dahil tanging mga yaya ko lang ang nag aalaga saakin.
Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit lage silang napapatawag sa school. Gumagawa ako ng kalokohan para kahit papano naman ay bigyan nila ako ng pansin.
Sa halip na tanungin nila kung bakit ko ginagawa iyon ay sinesermunan lang nila ako lage. Kung ano ano lang ang mga pinagsasabi nila na wala namang may kinalaman sa pagmamahal na dapat nilang ibigay.
Only child ako kaya lahat ng gusto ko nakukuha ko. Except lang yung pagmamahal nila. Tanging ang nakakapagpasaya lang saakin ay si Kianna Lopez. Ang dyosa dyosa ng buhay ko 💞
Gusto ko siya kase lage siyang nakangiti. Parang wala siyang problema. Yun bang araw araw parang ang saya saya niya. Siguro sa satanang buhay ko hindi ko pa nakitang sumimangot ang isang Kianna Lopez.
Kasalukuyang nasa kotse ko ako ngayon. Nakikinig sa music. Papunta ako sa bar. May jamming kase ang barkada ngayon. Bigla nalang bumuhos yung napakalas na ulan.
Matutuloy pa kaya ang jamming namin? Tanungin ko kaya si john.
*Dialing Lawrence*
Lawrence: Hello? Dude where are you? Kanina ka pa namin hinihintay!
Ako: Oww. Ganun ba! Im on my way. K?*Hangs up*
So kahit pala umuulan hindi sila mapipigilang gumimik. Nag focus nalang ako sa pagmamaneho. Bigla nalang may isang babaeng tumawid. At mababangga ko siya.
Shiiiiit!
Buti nalang nakapreno ako bigla. Kaya lang bigla nalang siyang nahimatay. Nabangga ko ba? Shit! Bumaba ako ng kotse ko. Umuulan pa naman oh.
Linapitan ko yung babae. Dinala ko siya sa loob ng sasakyan. Pagkahawak ko sakanya. Ang init lang. Shit. May lagnat ata siya. Dali dali kong kinuha ang mga maletang dala niya at ipinasok ito sa sasakyan.
Tiningnan ko ng mabuti yung mukha ng babae. Tinitigan ko lang siya ng mabuti. Napansin kong basang basa siya ng ulan. At...
Nakikita ko yung bra niya. Waah! >/////< Bakit ang lakeee? Nakikita ko na katawan niya. Bakit ba kase ang nipis ng damit niya. Gumalaw siya ng kaunti. Nakita ko yung mukha niya.
Whaaaat the? Its Kianna Lopez?!