Chapter 20

49 2 0
                                    

Naya's POV

[1 Week later]

"Look at this, Namjoon!" Sambit ng teacher namin kay Namjoon. Nasa office kami ng Principal. Nandito ako at ang Bangtan

"M-mam that's no—"

"Oh shut up!" Napapikit nalang ako sa takot. Sinubukan kong lang naman na ipagtanggol si Namjoon sa teacher namin.

Naakusahan si Namjoon na nangongopya sa test. Like, so pathetic. Si Namjoon mangongopya? Dafuck?

Malaman ko lang talaga kung sino ang gagong nagpakalat nun. Messing with my friends? Damn! Maghanap ka na ng kakampi mo dahil ipupunta kita sa impyerno!

"Mam."  Sabat ni Jungkook na ngayon ay nakatingin na sa principal.

"Wala naman pong ginawang masama si Namjoon-hyung." Sambit nya.

Napakunot ang noo ng teacher. "then prove it! This days, nagiging laman na ng usap-usapan si Namjoon! Kesyo bumababa grades! Pati kaming mga teacher ay nagtataka dahil ang tataas ng grades nya! What happened now?!" Frustrated na tanong ng guro.

"Hindi naman po sapat na dahilan yun para sabihin nyong nangongopya sya." Sabat naman ni Jimin.

"Oo, bumababa ang grades nya. Pero sigurado ba kayong nangyopya talaga sya sa exam dahil lang sa ang taas ng nakuha nyang score doon? Bakit po? Hindi ba pwedeng sadyang nag-aral lang talaga sya ng mabuti at noong panahong ang bababa ng grades nya, hindi pa pwedeng may iniindang problema si Namjoon-hyung? Kayo ba? Kapag ba may problema kayo ay may inspirasyon kayo? Mam naman! Pinsan nya yung namatay! Pag pinatay ko po ba pinsan nyo ay kaya nyong maging mas matalino pa kesa ngayon?!" Nag-igting ang panga ni Jimin habang sinasabi 'yon. Tinignan sya ni Namjoon gamit ang mga mata na parang sinasabing tumigil na.

Last week, namatay ang pinaka close kay Namjoon na pinsan nya. Napatingin ako kay Namjoon na ngayon ay nakayuko. Napapikit nalang ako. Fuck, Namjoon. Anong tinutungatunganga mo?!

"Watch your words Jimin." Sabi nung principal. Pero tila hindi yon narinig ni Jimin.

"Yeah fine. Naiintindihan ko ang sinasabi ni Jimin, pero may patunay ba kayo na hindi sya yung kumopya?" Tanong ng teacher.

"Bakit kayo? May ebidensya nga ba kayong kumopya sya? Huh?!" Galit na si Jimin, kaya naman hinawakan sya sa balikat nina Jin at Jhope.

"Jimin tama na." Rinig kong bulong ni Hoseok kay Jimin. Huminga naman ng malalim si Jimin at saka kumalma na.

"So what are we doing here, mam?" Tanong naman ni Taehyung.

"Kinakausap ko kayo ng masinsinan—" napatingin ako kay Yoongi na biglang tumawa ng sarkastiko kaya naman naputol ang sinasabi ng teacher namin.

"Masinsinan? Mam, ito na pala ang meaning ng masinsinan sainyo." Saka nya inilagay ang kanyang kamay sa bulsa nya.

"Oo, bakit Mr. Min?" Tinaas ng teacher namin ang kilay nya kay Suga.

"Wag na wag nyong aakusahan ang kaibigan namin, mam."sabi nya ulit.

"Pwede bang umalis muna kayo?" Sabay hinga nung principal.

"Okay, Namjoon. Alis na daw tayo," sabi ni Jin sabay hila kay Namjoon pero nagsalita yung principal.

"Kayong lahat except Namjoon. Kung pwede lang." Dagdag pa nito.

This time, si Taehyung naman ang nagtaas ng kilay. "Sorry po, pero bawal. Kaya naman pwede bang umalis na kami?"

Napakunot naman ang noo ng principal. Damn, wala nga kasi sabing ginawang masama si Namjoon!

Living With Bangtan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon