"Ayyy? SAYANG! "(One Shot)

70 2 1
                                    

Hi Readers :) This is only a one shot story. Hindi ko ipinapromise na maganda siya. Hahaha. Sorry naman naisipan ko lang gumawa eh. Pero I hope magustuhan niyo 'to!


Enjoy Reading :) Support Please!

- - - - - - -


Hello, ako nga pala si Isabel Smith. Third year high school na ako . 'Di ako katulad ng iba na famous talaga sa school. Simple lang kasi ako eh. Pero yung crush ko? 'Yun ang famous! Sa dami ba naman ng nagkakagusto sa kanya eh. Hmp! Ewan ko ba sa dinami -rami ng gwapo dito sa campus 'yan pang si Cyriel Ferrer ang nagustuhan ko.




Alam niyo ba yung feeling na hindi mo siya makausap, makakulitan kahit malapit lang naman kayo dahil kaklase mo lang siya? Ang hirap naman kasi ng gano'n. Baka sabihin pa ng iba masyado akong feeling close. Hahaha, 'di naman ganun kakapal ang mukha ko ano.




Ehem! Tama na nga muna ang kwento ko. Kailangan ko pang pumasok sa klase ko. English first subject. Oh, so easy. Charot! Sorry naman ah. Pero naniniwala ba kayo na kapag magaling daw sa english eh mahina sa math and vice versa ? Totoo ba yun? Hay nako. Parehas lang din namang walang katapusang numbers, problems, grammars at kung ano ano pang kaek-ekan churva ang kailangan isaksak sa utak natin eh. Hmm.

Pero eto nga...


Sa room

Pagpasok ko, yes! Nakita ko na naman siya. Oh wait, may nakalimutan akong sabihin sainyo, magaling nga pala siya tumugtog ng gitara. At ang ganda talaga ng boses niya. Eh buti pa siya ang dami niyang talent . Ako? ah-- eh hehe nevermind hahahaha.


Umupo na ako alangan namang tumayo lang ako dito. After ilang minutes din dumating na ang teacher namin. Alam niyo ba yun? Yung teacher niyo na bawat turo, "Okay, give example.", turo dit,o turo do'n. Tapos may quiz na magpapa-assignment pa! Kaloka talaga. Buti na lang mabilis ang oras natapos na ang subject namin dun.

- - -

Lunch Break

Here at canteen. Hmm! Sarap ng pagkain sa canteen. Nagutom ako agad sa dami ng ginawa at tinuro kanina. Parang napuno at nasiksik na ang utak ko. Hay makaorder na nga lang, stress reliever ko ang food eh.

"Ate, pa-order naman po ng chicken curry with rice and ice tea."

"Okay sige pakihintay na lang." ate.

"Ah sige po. Ate, heto po ang ba..."

Oh my gulay! Nandito siya. Waaah. Oorder din ata siya. Hala! Easy lang. Chill lang. Kailangan may poise pa din!

"Ahm, excuse me pwede pakihintay na lang marami pa kasing nakapila at bibili. Hello?" ate.

"Ay sorry po sige po hintayin ko na lang. Heto na po ang bayad. Hehe" sagot ko.




Hay ano ba yan kinabahan ako doon ah. Nakakahiya tuloy sa mga kasunod ko. Naghanap na ko ng mauupuan dito at buti naman meron pa.

*After 10 minutes*

Aba! Teka katagal naman ata ng order ko. Anong petsa na hindi pa ako kumakain. Gutom na ko. Kumukulo na yung tiyan ko ate saan na order ko. Hay maifollow up nga. Oh diba ang taray ng canteen namin parang fastfood lang sa mall. Pero seriously, yung order ko baka matapos ang break hindi na ako makakain.

Pagtayo ko, oops hala! Muntik na kami magkabungguan.

"Oops, sorry, Isa. Ikaw pala yan. Hindi kita nakita" sabi ni Cyriel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Ayyy? SAYANG!" (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon