Last Love

21 1 1
                                    

Sigurado masaya ngayong araw! Ngayon lang naman ag opisyal na simula ng IRAA sa school. Daming palaro at siguradong irregular nanaman ang classes. 

'Yes! Makapagsosolo kami ni Eric' - anang isip ko

"Anabelle!" si Jenny yon, bestfriend ko at mukhang hinahanap niya ako.

"Ui Jenny, andiyan ka pala, hinahanap mo ako?" -ako

"Ay hindi yong anino nga nung bestfriend kong si Anabelle hinahanap ko eh, nakita mo? Kasi ako hindi" -aniya at mukhang naka-on ang sarcastic mode niya.

"Ay ganun ba? Sandali at hahanapin ko para sa'yo" -ako at umaktong naghahanap ng anino.

"K dot Anabelle. K dot. Hinanap pa kita dahil namimiss kita tapos ni hindi mo man lang ako namiss" sabi niya at umakto pang nagtatampo.

"Syempre namiss kita nuh! Ano ka ba naman" -ani ko

"Duh, as far as I know, si Eric ang namiss mo, at hindi ako, magsama kayo!"

"Hay naku! Ang drama mo nanaman BFF eh, syempre ikaw ang one and the original na mahal ko"  sabi ko naman at mukhang natahimik na siya.

Sumunod ay inakay niya ako sa oval kung san gaganapin ang mga palaro, ang daming tao at ang init kaya nagdesisyon kaming pumunta na lang sa bleachers at maupo. 

"Asan na sia Eric mo babae?" tanong sa akin ni Jenny habang nnakamasid ako sa mga manlalaro. Totoo palang  maraming gwapo pag ganitong IRAA ang hohot pa, pero still syempre si Eric pa rin ang pinakatatangi kong mahal sa kanila.

"Hoy babae nakikkinig ka ba?" untag sa akin ni Jenny

"Ha? Ai sorry hindi ko narinig" sbi ko at nagpeace sign pa ako

"Sabi na nga ba eh, kahinaan mo talaga mga gwapo nuh?" sabi niya sa akin sabay tawa, nagblush naman ako doon, kahit kailan talaga pasaway si Jenny nakuh, kung di ko lang mahal tong babaeng to eh iiwanan ko na eh.

"Pasensya naman daw ah" aniko at sumimngot. "Ano ba kasi ang tanong mo?" 

"Sabi ko asan na ba yong future mo?" 

"Ah, yong future ko? hayun nasa future pa rin naman, gusto mo ba ipresent ko na?" 

"Hindi, pwede ba pwedeng past na, wala talaga akong tiwala sa lalaking yan eh, biro mmo dinala sa billyaran, tama ba yon,  bakit 18 na ba kayo?!" sabi niya, naku, ito nanaman ang topic naming wala nang kamatayan.

"Jen, alam mo na mahal ko yong tao, tsaka sigurado akong mahal din ako niyon kaya wala siyang gagawing masama sa akin" sabi ko at ngumiti

Bigla siyang tumahimik, nagtaka tuloy ako.

"Bakit Jen?" sambit ko

"May sasabihin ako wag kang magagalit ah" aniya

"Ok, ano ba yon?" 

"Nakita ko kasi si Eric na babae kahapon"

"Huh? Sino" 

"Jen! Anabelle" mga barkada namin yon, mga loko naming barkada hahahahah, pero despite sa fact na ganoon sila ay mahal pa rin namin sila. Astig kaya pag kasama mo tong mga lokong ito. Lahat ng kalokohan nagawa na siguro namin, lahat ng ups and downs, pero heto kami standing strong, Buo pa rin kami at magkakasama. 

"Grabe ah, ang tagal namin kayong hinanap tapos andito lang kayo, ni walang reply sa text" si Jared yon, hahahah, hindi yon bakla actually heartthrob nga yan sa school eh ewan ko ba at walang girlfriend may hinihintay daw siyang importanteng importanteng tao. Drama nuh?

"Ganyan kayo ha, hindi na nagrereply" si Monique naman yo, hahaha, mukha yang inosente pero wag kayo mas masaklap yan kesa sa amin ni Jen pero kahit ganoon eh matapat yan na kaibigan at kwela.

Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon