Nandito Ako

297 11 5
                                    

Aga's POV

Bakit sa dirami-raming mga lalaki sa mundo bakit hindi ako ang napili nyang mahalin, ako na handang mahalin sya ng buong-buo. Kung sino pa ang mga lalaking iniiwan at sinasaktan sya, Iyon pa ang mas pinipili nya. Haaay Lea! Anong dapat kung gawin sa iyo. Kailan ka magigising sa katotohanan na Nandito ako. Ang taong totoong nagmamahal sa iyo.



------







"Ags!Meron ka bang lakad?

"Bakit? Saan na naman ang lakad mo Salonga? Habang binubuksan ang plastic ng sandwich.

"Maka-Salonga naman ito, parang tatay ko lang ang kinakausap mo. "Sabay bato ng balat ng kendi. Ano? Sasamahan mo ba ako? O hindi? Magpapasama na lang ako kay Dawn." Sabay sip-sip ng softdrinks. " Kung hindi ka pwede.

"Depende kung saan ang lakad mo." Sabay kagat ng sandwich.

"Nag-aaya kase si Bamboo, meron syang gig sa resort world. Eh! gusto nya akong pumunta doon, to suport him. "Sabay tingin kay Aga,habang nagsasalita.

"Kailan naman?

"Sa Sabado' Ano? Are you free that day?

"Hmm, I"ll let you know.

"Kainis ka talaga! "Sabay hampas sa braso ni Aga. Sabi mo sasamahan mo ako. "Sabay biglang ngumuso.

"Hala' sa pagkakaalam ko hindi pa ako sumasagot sa iyo ng Oo. Ang sabi ko depende kung saan ang lakad mo.

"O sige huwag mo na lang ako samahan. Ako na lang ang pupunta doon.

"Anong oras kita susunduin? " Sabay tingin naman nito kay Lea. At bigla namang lumiwanag ang mukha ni Lea ng marinig ang tanong ni Aga sa kanya.

"5:30pm Sharp. " Sabay hawak sa braso nito.

"Okay. I'll be there.












-------

"This song is dedicated to my one and only Lea. Sweetheart this is for you. And thank you for coming tonight.

Habang kumakanta si Bamboo, nakatingin lang si Aga kay Lea, pinagmamasdan ang ganda nito. Na habang si Lea ang kanyang tingin ay nakatutok lang kay Bamboo. Hanggang sa matapos ang kanta ni Bamboo, hindi inalis ni Aga ang tingin nya kay Lea.

"Uy! Ags! Okay ka lang?

"Ha? Ano yon? Meron ka bang sinasabi?

"Ang sabi ko okay ka lang ba?

"Yeah! I'm okay. I was concentrating watching Bamboo, while he was singing. Nice song choice for you ha'. "Sabay inom ng wine na nasa harapan nya.

"Ang sweet nya diba? At ang galing din nyang kumanta. Kaya---

"Kaya nga meant to be kayo eh'. "Sagot nito kay Lea.

"Hahaha, paano mo nalaman na yan ang sasabihin ko sa iyo?. "Sabay tabig sa braso ni Aga.

"Dahil sa tuwing kinakantahan ka nya, yan ang lagi mong binabanggit. "Sabay ngiti kay Lea.

"Ikaw haa!" And she rolled her eyes". Maya-maya lumapit na si Bamboo sa table nila.

"Sweetheart, Thank you for coming. "Sabay halik sa pisngi nito". Hi Aga, thank you for droping Lea here. What do you want guys? My treat.

Music And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon