Jess POV
"Tam kunin mo naman yung taranggola ko, plish". utal utal pa.
"Yes baby, I'll get that for you. Basta bumaba kana muna, ok?" sabi ni sam. Nasanay na syang tawagin akong baby dahil para sa kanya baby sister nya ko at ako lang daw ang baby ng buhay niya.
Ewan ko ba pero never ko sya tinawag na kuya. Kahit bata pa lang ako. 7 palang ako at 11 years old sya ng magkakilala kami.
Matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin at pareho kaming solong anak. Kauuwi lang nila nun from America at dito na sila for good. At sa bahay nila ngayon sila sa Manila nagsstay. Pumunta sila dito sa hacienda namin para magbakasyon. Dun nagsimula ang pagkakaibigan namin.
"Yehey! nakuha mo na. Galing ka pla akyat Tam". tuwang tuwang naglulundag habang hawak ang saranggola.
" Welcome! Let's go Jess. Maybe tita and mommy are looking for us. We should go home now." pagkasabi ni sam nun. Hinawakan niya ang mga kamay ko at sabay na naglakad.
Nung mga oras na hinawakan niya ang kamay ko, hindi ko alam magiging pakiramdam ko o kung ano ba tong nararamdaman ko. Dahil sa edad ko ba namang 7 years old bakit naapektuhan agad ako sa paghawak nya sa mga kamay ko samantalang lagi naman nya kong hawak.
BINABASA MO ANG
Menor de Edad (on going)
Romance"Sam, I love you. I really love you. Mga bata pa lang tayo mahal na kita. Hindi to pagmamahal bilang isang bestfriend o kapatid. I really do love you." Tumayo siya at bakas sa mukha ang gulat. San ko ba nakuha ang lakas ng loob ko para aminin sa ka...