You can live alone but living with your happiness is much better...
naka tingin lang ako sa mga ka-tropa ko na nakikipag away...
hindi na ako tumulong kasi alam ko naman na kaya na nila yan...
walang-wala yan sa mga nakaaway namin dati...Kami ang Black Tarantula Gang (BTG)
Lahat nabangga na namin maliban lang sa The Vipers (V) sila ang pinaka makapangyarihan sa mundo ng mga gangster...matapos ang laban nila kumain na kami...
"Partz! bakit hindi ka sumali kanina?" tanong ni joshua... ang pangalawang leader... ako kasi yung leader na tunay... kumbaga vice president siya...
"wala kanang pakialam dun!"sabi ko ng seryoso...
"ay! ayan ka na naman partz... lagi nalang seryoso..." sabi ni jake
na kulit/chickboy sa tropa...hindi na ako sumagot... hindi din naman sila kasali sa problema ko...
"pabayaan niyo na si partz! iniwan kasi yan ng boyfriend niya eh! hahaha" sabi ni mark na joker/dota player/chickboy
lokong mark yun ah! haha...
Partz yung tawagan namin... na ang ibig sabihin ay palaging magpartner kahit anong mangyari...
sila na ang naging pamilya ko...
wala na akong pinagkatiwalaan maliban sa kanila...
pinagkakatiwalaan ko sila pero hindi yung tipong alam nila ang lahat tungkol sa akin...sa buhay matuto tayong mag-ingat. lalong lalo na sa mga taong mangagamit...
"oy! pare may chicks!" sabi ng isang lalaki habang tumitingin sa akin. may kasama siyang apat na lalaki...
tumayo sila jake, mark, at joshua. pumunta sila sa limang lalaki.
parang alam ko na kung anong mangyayari ah!tsk..
"hoy!kayong lima! bakit ganyan kayo makatingin sa patz namin?! may problema ba!?" seryosong tanong ni josh
"bakit ba?! ano niyo ba siya? kung maka-asta kayo parang girlfriend niyo siya ah!" pa-siga'ng sabi nung isang lalaki
"ano namin siya? tss..(smirk) GIRLFRIEND namin siya!" sabi ni jake
"hahaha girlfriend niyo siya?.. bakit naman ako maniniwala? may lalaki bang papayag na makipag relasyon sa babaeng andami ng ka-relasyon?!" sabi nung isang lalaki
"wala na kayong pakialam dun! umalis na kayo at baka sa hospital pa ang bagsak niyo!" sabi ni mark
"tss... whatever dude! tara alis na nga tayo, may mga tanga kasing tao dito!" sabi nung leader ata nila yun!
bumalik na yung tatlo sa table namin
"hahaha mga sira talaga kayo! hahaha pero salamat! the best talaga kayo!" sabi ko sakanila habang nakangiti
napanganga sila!ewan ko kung anong nangyari sa kanila!
"wow! ikaw ba yan partz?!" di makapaniwalang tanong ni jake
"tss... loko talaga kayo! ano bang gusto niyo? yung seryosong Aja?" sabi ko
"hindi. hahaha joke lang naman partz syempre yan ang gusto naming partz yung palaging nakangiti!" sabi ni mark
"hahaha yun naman pala eh!" sabi ko
at kumain na kami ulitmatagal na kasi akong hindi ngumingiti... simula nung nangyari sa akin...
noong bumuo ako ng gang.. ni isa walang nakaka-alam sa background ko maliban lang sa bahay na tinitirhan ko... maging si josh na close na close ko.. ay walang alam sa akin...
wala akong sinabihan sa problema ko at sa nangyari sa akin... kasi nawalan na ako ng tiwala sa ibang tao lalong lalo na sa pamilya ko...
yung tropa ko lang yung nakakapagpasaya sa akin at nakakapagpangiti... pero hindi nila alam yun kasi hindi ko pinapakita sa kanila na masaya ako. kaya nagulat sila kanina nung tumawa ako...
hayz! ang sarap talaga sa pakiramdam na mayroon kang mga kaibigan na tutulong sayo sa oras na kailangan mo ng tulong...
YOU ARE READING
She's My Gangster And He's My Bad Boy
Teen FictionThis story is work of fiction. All places, names, business, events and other similar activities is just a product of the authors imagination. This is not copied. This is not edited. You can read but you cannot copy. You can ask the authors permiss...