Chapter 1

260 17 3
                                    

Kylie's Pov

"Hindi ko inaakalang magagawawa niya sa akin yun!"

Ayan nanaman si Mikee, umiiyak dahil sa lalaki.
Nilapitan ko na lang siya at umupo sa tabi niya.

"Hidi mo inaakalang magagawa niya yan sayo pero, nagawa na nga nya. Ilang beses ko ng sinabi sayo na yang mga lalaking yan, hindi sila marunong magseryoso, wala silang pakielam sa nararamdaman nating mga babae. Para silang scientist na pinag e-eksperimentuhan yung feelings natin. For sure niloko ka nanaman ng bago mong boyfriend na varsity player sa basketball."

"Umiral nanaman yung pagka bitter mo Kylie!, hindi naman lahat ng lalaki ay paasa, manhid, two timer at manloloko"

Naiinis nanaman si Luxille sa akin.

Ganyan siya lagi kapag nag sasalita ako tungkol sa mga lalaking kinababaliwan nila. Masama bang magsabi ng totoo?, concern lang naman ako sa kanila

"Alam namin na matalino ka bes, pero hindi naman siguro lahat ng lalaki ay katulad ng inaakala mo."

Dagdag ni Glaiza sa sinabi ni Luxille.

"Bakit Kylie kailan ka ba nag kagusto sa isang lalaki tapos pinaasa ka lang, kailan kaba pumasok sa isang relasyon tapos hindi sineryoso o kaya kailan ka nagmahal tapos niloko ka lang?. Diba NBSB ka pa?. So ibig sabihin wala ka pang Experience pag dating sa love, Not unless kung may itinatago ka pa sa amin after 9 years simula nung maging kaibigan mo kami"

Tinamaan ako sa sinabi ni Glaiza. Siguro nga wala pa akong experience pagdating sa love, sa love na pinaniniwalaan nila. Pero hindi naman ako manhid noh!, para hindi ko malaman ang nangyayari sa suroundings ko. Sa kanilang tatlo pa nga lang ang dami ko ng nalalaman pagdating sa love ngayon paano nila masasabing wala akong alam.

Si, Mikee mahilig sa mga varsity player na manloloko. Maiinlove na nga lang kasi doon pa sa napapaligiran ng madaming babae, mayabang at asumero. Mga lalaking porket varsity player lang sila pakiramdam na nila sa sarili nila sila na ang pinamagaling na player sa buong mundo. Kahit pa MVP sila hindi pa rin sila kagalingan. Kaya ang lalakas ng loob na manloko ng mga babae kasi alam nilang madali silang makakahanap ng kapalit.

Si Luxille , mahilig sa mga matatalino pero pagdating sa love torpe naman. Halos lahat na yata ng nasa classroom namin ay naging chrush niya, Yung iba nababalitaan ko na nagkagusto din sa kanya pero hindi ko na lang sinasabi kasi baka siya pa ang manligaw dahil sa katorpehan nila.

Pero isa sa mga pinaka ayaw ko yung mga lalaking matatalinong torpe. For me mga Paasa sila. May gusto sila sayo pero di nila maamin kaya idadaan nila sa mga da moves nila at ikaw naman tong siopao. Asadong asado ka na magiging kayo dahil pakiramdam mo may gusto siya sayo, totoo naman talaga but at the end lalayo sila kasi "study first before lovelife" ang motto nila.

Last but not the least, si Glaiza. Siya yung tipo ng babae na mahilig naman sa mga artistahin, Tama mga artistahin yung nagiging boyfriend niya. Halos lahat kasi sila magagaling umarte. Ewan ko ba kung bakit madami ang nagkakagusto sa mga lalaking artistahin ang mukha pati ugali. Mga lalaking matataas ang confidence sa sarili. Yung mga babae namang kagaya ng kaibigan kong si Glaiza, nagpapabola agad sa mga ganitong lalaki. Ngi-ngitiaan ka, hihingiin ang number mo tapos ang email acc. mo saka ka icha-chat tapos after 3 days kayo na. kapag nakakita nanaman si Mr. Artistahin ng bagong bobolahin for sure after 2 or 3 weeks break na kayo. Pero pag sinwerte ka tatagal kayo ng ilang months pero hindi lang ikaw ang Gf nya, dahil pwedeng may number 2,3 at 4 pa siya. Kaya Goodluck sa mga babaeng gaya ng kaibigan ko na madaling nabobola ng mga lalaking artistahin.

Magkakaibigan na kaming apat since first year highschool pa lang kami.
Simula kasi nung mag aral kami ng high scholl sa Willford Academy at hangang sa mag senior high school kami dito sa Kyru Academy ay lagi kaming nasa Section A kaya lagi din kaming magkakaklase, Bukod pa dun nakatira lang kami sa iisang compound kaya magkakalapit lang kami ng bahay.

Parang magkakapatid na nga ang turingan namin sa isa't isa buti na nga lang hindi nakakasa yung mukha nila

Love 1 word with 4 letter in one syllable.
Ganyan lang kadali ideffine ang word na love para sa akin at para din sa mga taong tulad ko na nabubuhay sa realistic world at hindi sa fantacy wold na puro mga ilusyonadong tao ang nabubuhay.

Yung mga taong ilusyonado't ilusyonada.
Mga naniniwala sa salitang forever na wala namang katotohananan.
Palibhasa mga takot masaktan,  iwan o mawalan ng mga taong mahal na mahal nila kahit hindi naman sila ang mahal.

Ang lahat ng bagay sa mundong ito ay nawawala at mawawala kahit tayo mismo ay maaring mawala kahit anong oras. ngayon masasabi mo pa ba na totoo ang forever?.

MS.BITTER MEETS MR.PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon