5. Cold

7 2 0
                                    


Naiinis ako. Di ko alam kung san ako mas naiinis. Sa hambog na Alexander na yun o dahil hindi pa rin nagpaparamdam si Marco ngayon. Balak ko pa naman mag sumbong sa kanya. Di na nga niya ako hinatid, wala pa siyang text saken. Ganun ba siya kabusy? Hays. Ay wait kelangan pala maging understanding ako. Baka naman busy lang talaga ang tao. Nag aaral for our future. Ganda ko shet. Haha!

"Top 1 for the second term, Alexa Kerkmez." Pag announce ng beloved adviser namen na si Ms. Gina. Hindi nagyayabang pero simula grade one pa lang. Top 1 na ako, consistent. I'm so excited ng ibalita kay papa at kay Marco. I'm sure they are going to be so proud of me. Gusto ko na umuwi para ibalitaa! Nasa gitna kami ng klase ng magvibrate ang phone ko. Agad ko naman itong kinuha kasi alam kong si Marco na ito.

"I love you babe." Buset to si Marco. Babe na tawag saken. Yoko ng babe eh! Sabi kasi nila, BABEtawan ka din daw nun. Haha! Keme. It sounds so baboy kasi, babe.

"Ayokoo ng babe! Ganda na lang." Pagreply ko naman dito.

"Yoko ng ganda, pandak na lang." Pagreply naman niya. Napangisi naman ako dito. Kinikilig ako eh! Wag kayong ano dyan.

"Diba may klase kayo?." Pagtext niya ulit.

"Oo, may klase kami ngayon haha!". Pagreply ko naman sa kanya.

"O makinig kaa! Yoko maging bad bf sayo:(." Pagreply naman niya sa akin.

"Ikaw kaya unang nagtext. Don't me nga." Parang baliw talaga to si Marco. Di na lang sabihing namiss ako eh. Hays. Haha!

"Ay hehe! Sige mag aral ka na. May gagawin pa akoo." Pagtext naman niya.

"Oo na! Keme neto! Haha! Love youu! Wag ka na magreply. Last na to."
4:26 PM

-

Di daw ako mahahatid ni Marco ngayon pauwi. Madame daw talaga kasi siyang ginagawang projects and homeworks. And as an understanding girlfriend. Nagcommute ako. Mag isa, na walang kasama. Chos! Kaya ko naman eh haha! Si papa mamaya pa uwian niya. Nasa work pa yun. Habang naglalakad ay may nakita akong fishball. Pumunta ako dun at nagtusok tusok na.

"Ay gurl, ayan yun oh! Yung babaeng malandi." Rinig ko ang usapan ng mga babae sa gilid. So harsh naman nila dun sa babaeng pinaguusapan nila.

"Ay yung may nilalanding gwapong lalake?". Bigla kong naalala si Marco. Siya kasi ang pinaka gwapo for me. Hehe!

"Oo napakacheap talaga niyan. Pati fishball lalaki pinapabayad niya." Jusko haha! Ang laki naman ng problema ng mga ito. Haha! Basta ako busy lang sa pagkain ng fishball.

"Tignan mo yung pagkain niya. Pangcheap. Di sila bagay nun. Yung sinasabi niyang BOYFRIEND niya." Rinig ko sila habang sila ay tawa ng tawa. Ang mean naman nila. Luv et! Habang kumakain ay tumulo ang sauce sa palda ko kaya pinunasan ko.

"Tignan mo, haha! Ang kalat kumain." Ay wait parang may mali eh.

"Seriously kung boyfriend niya talaga yun, di sila bagay. Kaloka! Ang layo ng difference ng mukha nila." Maarteng sabi ng isang babae. Isa.

"Oo girl! Haha! Feeling ko nga binabayaran niya yung lalake eh. Para kunware sila." Pagsagot naman ng isa. Dalawa.

"Truee! Kaso mukhang walang pera eh! Haha!". Sabi nung isa at sila au tumawa ng tumawa. Tatlo.

ColorlessWhere stories live. Discover now