New Neighbor

52 1 0
                                    

Sabado ngayon..After namin mag lunch ng family ko. Ako ang naatasan mag hugas ng pinag kainan. Dalawa lang kasi kaming magkapatid. Dahil sa bunso ako wala akong choice kundi sundin nalang si kuya alex.

Biip! biiiip! biiip!

Tunong ngsasakyan ang narinig ko mula sa labas..

Kuya sino yun?

Wala sa kapit bahay yun..

Kapit bahay? E wala naman tayong kapitbahay e..

Meron. Kakalipat lang nila kaninang umaga.

Ah ganun ba... tinanghali kasi ako ng gising ngayon.medyo late na kasi ako nakauwi kagabi, Galing kasi ako sa birthday party ni angela.. si angela ang matalik kong kaibigay dito sa syprees.. isa akong graduating student sa syprees national high school this year. Konting kembot nalang mag kolehiyo nako. Kaya pinagbubuti ko yung pag aaral ko. Isa kasi akong honor student.. katapusan na ng october , konting buwan nalang kaya kaylangan kong galingan.. after nito panibagong pakikipag sapalaran nanaman sa kolehiyo....  san kaya ako mag aaral.. hmmm? Saka ko na ngalang yun iisipin.. tapusin ko muna tong hinuhugasan ko.

Abby samahan moko mamaya ah. Puntahan natin yung bago nating kapit bahay. At mag dala tayo ng specialty mo na graham..

Bakit mom?

Syempre anak.. pang welcome natin yun sa bagong kapitbahay natin..

Ano ba tong si mommy. Andaming nalalaman na ka ek ekan..

Anak samahan moko ah..

Ok mom.. what time po ba?

Mamaya mga 3pm

Ok ok..

Akma na sanang aalis si mommy ng tawagin ko sya ulit..

Mom!

Yes honey?

Si kuya nalang kaya isama mo?

Anak kasama rin natin ang kuya mo..

Ah ganun ba.. cge po.. ano ba to si mommy wala akong lusot..

Pagkatapos ko mag hugas ng pinagkainan umakyat nako sa  kwarto ko na nasa second floor ng bahay.. . Maliit lang naman ang bahay namin.. sakto lang sa maliit na pamilya..may maliit na sala kusina at tatlong kwarto na saktong sakto lang saamin isa sakin isa kay kuya alex at yung pinaka malaki naman na nasa bandang kaliwa ng second floor ay kwarto naman nila mommy at daddy.. pag akyat ko diretso agad ako sa study table ko..Mag rereview kasi ako, malapit na kasi exam namin.. pag upo ko sa table ko napatingin ako sa bintana na halos katapat lang ng bintana ng kwarto ko..

Ai ang cute cute naman nung bata.. ang taba taba ng pisngi.. ang puti puti. Ang tangos ng ilong at medyo kulot yung buhok.. ang cute cute parang manika. Naglalaro sya ng cooking set sa ibabaw ng kama na katabi ng.. 😮😮 ng isang nakahiga at naka hubad at macho  at may abs na lalaki.. 0.0

Ang gwaaaapooooo whaaaa 😍😍😍

Naka tayo ang itim na itim nyang buhok at ang puti nya.. ang tangos ng ilong at ang pula ng mga labi aaaiiii grabe.. ang pogi talaga nya.. siguro maganda at pogi ang mommy at daddy nila kaya ganyan ang mga itsura nila.. haiii ang pogi talaga parang yung batang maliit. Ang cute cute..

Eto ako ngayon at naka pangalumbaba at naka nganga habang nakatingin sa kaharap na bintana.. medyo hindi naman talaga sya katapat.. medyo nakalihis sya at mas mataas ng konti yung bintana ko kesa sakanila kaya kitang kita ko sila.. hindi nako nag rereview.. iba na ang nirereview ko hihihi..

Nagulat ako nang biglang lumingon papunta dito sa bintana ng kwarto ko yung guy na pogi at nataranta ako.. dali dali akong lumingon palayo sa direksyon nila at kunwari nag susulat..

My Boyfriend Is A Bad BoyWhere stories live. Discover now