Rea's Point Of View
"Ang bango ng ulam, hulaan ko Chicken quarry ngayon, my favorite." Sa isip ko.
Nakasubsub yong mukha ko sa unan with matching so makapal na comporter in my back. Pero ewan ko kung bakit nakapasuk yong amoy dito sa room ko, e, close naman ito.
Hindi pa ako bumangon pero gising na ang diwa ko, ganon ako e, every time magigising na ako, di na ako makakabalik pa sa pagtulog, instead if I am tired!
Wala akong gana. Ang tamad bumangon pag umaga.
Hanggang sa may kumatok sa pintuan.
Hindi agad ako sumagot. "Pasuk!" Wala kung ganang sagot.
Bumukas ang pinto nang walang nagsasalita. Kung si yaya to gigisingin agad ako, pero pag si Mommy rin naman to, 'bat hindi nagsalita?
"Sino yan?"
Nafeel kung naglakad sya papunta dito sa kama ko.
"Yaya?" Tawag ko sa kanya. "Give me 5 more minutes, 'dipa naman tumunog yung alarm clock ko e." Sabi ko.
Walang nagsasalita. Maya't maya tumunog yong alarm clock ko.
"Grrrr.. Ano bayan!" Gigil kong sabi sabay abot nito sa gilid ng kama ko. Ganon parin yong possession ko.Pagkatapos ko itong pinatay. Nakarinig ako ng mahinang tawa na halatang pinipigilan lang nya. Abat! Pinagmamasdan lang ba ako ng taong to?
Pero hindi parin ako tumingin sa kinaruruonan nito.
Wala naman sigurong masamang espiritong nakapasuk dito sa loob ng bahay namin kung hindi dadaan kay manong guard, pwera nalang kung may Power sya.
Perooo
Teka!
Lalaki ba sya?
Wala naman akung kaibigang pinapunta dito sa bahay ah.
"Yaya!!" sigaw ko kay yaya habang nakasubsub parin yung ulo ko sa kama ko. Sumisigaw pa ako nito?
"Mom?" Tawag ko kay Mommy. Wala kasing sumagot.
"May tao dito sa loob ng room ko. Hindi naman siguro 'to daga e. Mommy!" Walang nakikinig sa sigaw ko, bigla nalang akung may narinig.
"IPIS!" Ani ng boses lalaki.
Bigla nalang akung napabangun at nag tatalon talon sa takot. Takot ako sa ipis, at ayuko sa ipis.
"H-huh! Asan? TAKOT AKO SA IPIS! Ano ba!" Sigaw ko.
Bigla naman syang tumawa ng malakas na ikinaiinis ko. Tiningnan ko sya ng masama.
"What?" Aniya
''Bwisit ka! Wala kang hiya, tinakot mo 'ko. Wala naman akung nakitang ipis dito" Ngiting ngiti naman siya habang nasisiyahang pinapanood akung mukhang baliw dito.
Satsat ako ng satsat dito habang binabato ko sya ng unan at teddy bear na nakahilaray sa kama ko. Di naman nareact, besides nagawa panga akung tawanan.
"Bwisit talaga to kahit kailan!"
"Relax! Biro lang." He said while smiling.
"Biruin mo mukha mo". Inis kung sabi sa kanya.
"Grabi naman 'to. Di na mabiro. Ipis na ba tingin mo sakin? Sa gwapo kung to! Ipis ba kamo." Sabay turo nito sa sarili.