Chapter 1

8 2 0
                                    

"Anak halika na dito kakain na. Tigilan mo na yan baka lumabo na mata mo." Si mama yan.

"Opo ma! Teka lang tatapusin ko lang toh. Last chapter na eh,malapit ng matapos." Nagbabasa kasi ako ng story sa wattpad dito sa cellphone ko.

"Anak ano ba yan. Masamang paghintayin ang pagkain ha." Si papa naman yan.

"Opo eto na nga po,papunta na." Nakakainis naman eh. Matatapos na eh! Ba't kase ang bilis maluto ng sinaing na yan. Aish!

Bumaba na 'ko para makakain na. Wala eh alangan namang paghintayin ko yung pagkain?

"Anak,halika na dito kumain ka na oh."umupo na ako sa upuan ko. At nagsimula ng kumain.

Ako nga pala si Rachelle Millar. 17 years old. Hindi mahirap pero hindi din naman mayaman. Masaya naman kami kahit madaming problema minsan. Basta sama-sama walang bagay na hindi malulutas.

Nga pala taken na ko. Yung  boyfriend ko yung mayaman. Nakilala ko sya sa school na pinapasukan ko. Mas matanda lang sya sakin ng 2 taon. Okay lang yun. Sabi nga nila age doesn't matter. Tsaka haller, 2 years lang naman eh. Yung iba nga 30 years pa.

"Huy! Kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Kumain ka na lang ng kumain dyan." Aish panira naman si papa eh.

Alam naman nila mama at  papa na may boyfie ako kaya don't worry. Hehehe.

"Ano ba yan papa. Panira ka na naman eh."

"O sya tama na. Chelle pagkatapos kumain hugasan mo na toh huh. Tapos mamalengke lang ako tsaka tayo maglalaba."

"Okay po!" Nakakainis! Maglalaba na naman.Haysss!

"Oo ka na naman ng oo ha. Baka tapos na akong mamalengke hindi ka pa nakakapaghugas." Sabado kasi ngayon,kaya laba day namin ni mama.

"Opo" ang unli ni mother eh.

"O sya aalis na ko. Yung uniform ko ha ayusin nyo yung laba."

"Oo na sige na baka malate ka pa." Tapos hinatid na ni mama si papa at nagkiss sila. Ew!

Tinapos ko na din ang kinakain ko tsaka hinugasan ang mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko para matapos ko na yung binabasa ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may biglang message na dumating sa cellphone ko.

From: Mahal ko

Hey,goodmorning mahal ko. Nakakain ka na ba ng breakfast?

Yieee kinilig naman daw ang ate nyo. Nireplyan ko na lang sya at di mapigilang hintayin yung reply nya.

From: Mahal ko

Ganon ba? Nabusog ka naman ba?

To: Mahal ko

Opo. Hindi naman po ako nagpapagutom.

Miya miya lang nakareceive na naman ako ng message galing sa kanya.

From: Mahal ko

Ahh okay. Ako kase kahit nakakain na hindi pa rin busog. Hindi pa kase kita nakikita.

Naku! Ganyan talaga yan palagi akong pinapakilig hihihi.

"Anak halika na dito tulungan mo muna ako." Naku andito na pala si mama. Sayang naman nagmomoment pa kami eh ni Izaak eh tsk tsk.

To: Mahal ko

Cge na mahal maglalaba na kami ni mama. Mamaya na lng ulit. Labyu <3

"Opo ma."

NASA kalagitnaan ako ng pag-aanlaw ng tawagin ako ni mama. "Anak halika nga rito. Tignan mo to." Lumapit naman ako sa kanya at tinignan yung pinapakita nya na polo ni papa. "Hindi ba't lipstick to?" Tanong ni mama.

Sinuri ko munang maigi. May marka pa ng labi. "Opo ma,ayan oh parang hugis labi."

"Tsk nambababae ba yang tatay mo?" Galit na tanong ni mama.

"Hindi ko ho alam ma. Pero parang hindi naman po ganung klase ng lalaki si papa. Wala naman sa itsura nyang mabababae sya eh." Pagdepensa ko naman kay papa.

"Pero anak lalaki pa din naman yung papa mong yun. Tapos nitong mga nakakaraan palagi na syang gabi umuwi."

"Eh ma di ba nga nag O-OT daw sya kaya ganon?"

"Dyosko anak. Kung talagang nag-o-ot yun edi sana may dagdag sa sahod nya. Aba ilang bwan na syang puro ot tapos ganon pa din naman ang sahod nya."

"Ang mabuti pa ma tanungin mo na lang si papa mamaya pagkauwi nya. "

"O sya sige na. Ipagpatuloy na lang natin ang paglalaba."

HABANG NAtutulog ako. Nakarinig ako ng sigawan kaya naman napabalikwas ako ng bangon.

"Napakawalanghiya mo. Hindi na nga tayo makatapos ng babayaran tapos ganito pa ang gagawin mo. Mambubuntis ka pa ng babae. Tapos aalis ka? Mas pipiliin mo pa yang babae mo kesa samin ng anak mo?"narinig kong sigaw ni mama pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng kwarto. Nanggagaling yung sigaw na yun malapit sa pintuan.

"Ano ba,nakakasakit kana. Eh sa hindi na ko masaya sayo. Anong magagawa ko? Hindi na kita mahal. Si Linda na yung mahal ko at magkakaanak na kami kaya tigilan mo na ko." Balik na sigaw ni papa.

Napaiyak na lang ako. Kanina naman masaya pa kami pero anong nangyari? Pinagtatanggol ko pa man din si papa kanina kay mama tapos eto? Wala naman na pala talagang matinong lalaki sa ngayon.

Akala ko masaya na kami. Hindi na pala. Hindi ko manlang namalayan unti unti na palang nagkakalamat yung pamilya namin.

Narinig ko na lang ang malakas na kalabog ng pinto. Baka umalis na si papa,sumama na sa babae nya.

Agad na naman akong bumaba para damayan si mama. Alam kong sya ang pinaka nasasaktan ngayon. Mahal na mahal nya kasi si papa.

"Anak sige na matulog ka na lang. Okay lang ako." Si mama habang umiiyak. Siguro kailangan nya munang mapag-isa.

"Okay ka lang po ba talaga?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak din.

Nilapitan nya ako tsaka hinaplos sa pisngi."Oo sige na umakyat ka na. Ako ng bahala. Wag kang mag-alala." Sabi nya habang pinupunasan ang luha nya.

Wala na akong ibang nagawa kundi sundin sya. Umakyat na ako tsaka doon ipanagpatuloy sa kwarto ang pag-iyak hanggang sa dinalaw na din ako ng antok at nakatulugan ang pag-iyak.

PAGKAGIsing ko dumeretso agad ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.

Pagkatapos ay bumaba na ako para sana ako na ang magluto para kay mama. Pero  pagkababa ko nakita ko na lang sya na wala ng buhay habang nakasabit ang leeg sa tali.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.

Eto na yata ang pinakamasamang nangyari sa buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Reality Hits YouWhere stories live. Discover now