*FLASHBACK - COLLEGE DAYS*
Nag-transfer si Mala sa Grace Christian Colleges para dun tapusin ang kanyang pag-aaral. At dito niya nakilala si Sage--a handsome, cool and suplado guy. Maraming nagkakagusto rito at naging crush niya rin ito ng isang araw, kumbaga infatuation lang. Iniisip niya kasi na 'wag muna siyang mag-inarte hangga't hindi siya nakakatapos.
Very observant si Mala kaya iilan lang ang kinakausap niya although kinakausap naman din niya kung sino ang gustong makipag-usap sa kanya.
Isang gabi, biglang umulan ng malakas at natapat sa rush hour ang kanyang uwian kaya halos puno ang jeep. Nagkataon naman na uwian na din ni Sage, tapat lang ng waiting area ang parking lot ng school nila kaya halos nakikita nila ang isa't-isa.
Walang dalang payong si Mala at butas-butas naman ang bubong ng waiting area na tinatayuan niya. Napapatingin si Sage sa kanya na tila gusto siyang alukin ng tulong, pero sumakay na ito sa kotse na tila nagmamadali at walang pakielam, umandar na ang sasakyan nito palabas at nilagpasan lang siya. Medyo napabuntong-hininga na lang siya dahil ineexpect niyang pahihiramin siya ng payong.
Tuesday. Ganun ulit ang eksena niya but this time walang ulan, pero gutom na gutom na siya. Mukhang parehas sila ni Sage ng oras ng uwian kapag Tuesday. Narinig niya na may nag-start ng car engine sa likod niya kaya napatingin siya at agad ding ibinalik ang tuon niya sa mga jeep na dumadaan. Umandar na ito palabas ng school nila, pero bigla itong huminto sa tapat niya.
Ibinaba nito ang car window.
Sage: Can I give you a ride home?
Mala: Himala. (nginitian niya ito at umiling siya) no thank you. (medyo nahiya rin siya rito)
Sage: Oh c'mon, it's late. Anong oras ka pa makakauwi niyan? (nginitian niya rin ito)
Mala: It's ok. Isang sakay lang naman ako pauwi.
Sage: San ka ba umuuwi?
Mala: McArthur Village.
Sage: Oh! I'm from McArthur too. Sabay ka na.Hindi na siya tumanggi since parehas lang pala sila ng inuuwian nito. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga stressful stuff sa mga klase nila, kung bakit sila lumipat ng Las Piñas, about sa family, etc. Agad din umalis si Sage pagkahatid kay Mala.
The next morning. Lunch break nila, palabas si Mala ng room nila nang tawagin siya ni Sage.
Sage: Hey! Let's have lunch together. Treat ko.
Mala: Huh? (napapaisip siya kung bakit bigla siyang niyaya nitong kumain) No thanks.
Sage: Here we go again. (he rolled his eyes) You're my friend now, ok?At dun nagsimula ang pagiging mag-bestfriend nila. Palagi na silang magkasama sa pagpasok, kumain at pag-uwi. Pag weekends, pinaka bonding nila ang mag-foodtrip at mag-laro ng video games.
One time, nagkatampuhan sila dahil hindi na sila sabay umuwi at kumain simula ng magka-girlfriend si Sage, kaya ginagawa ni Mala, nauuna na siyang pumasok at hindi na rin niya tinitext si Sage. Napansin nito ang pag-iwas ni Mala, ngunit wala siyang magawa since clingy at selosa ang girlfriend nito. After one week nagkabati din sila dahil nalaman ni Sage na may sugar daddy ang girlfriend niya, kaya agad niyang pinuntahan si Mala para humingi ng sorry--na may kasamang suhol.
Mala: Ano 'to? (pagtataray niya rito)
Sage: Check mo muna bago mo ko tarayan diyan. (natatawa ito)
Mala: (nagulat siya ng makita niyang puro make-up, pero hindi niya pinahalata) Sa tingin mo bati na tayo nang dahil sa make-up?! (kunwari nagagalit siya)
Sage: Ito pa oh. (inabot niya ang isa pang paper bag)Pagtingin niya sa loob nito, nakita niya ang isang navy blue na damit, kinuha niya ito para lalong makita, pagladlad niya isang double-layered off shoulder dress, 'yung dress na naka-saved sa photos niya, kaya hindi na niya napigilang ngumiti. Nagkabati na din sila.