Part 1

40 2 0
                                    

"Ang kakapal ng mga mukha niyo! Hindi na kayo nahiya sa anak ko!"

"Alam nyo ba ang sakit ng katawan ko, kailangan kong magpahinga pero bumangon lang ako ng dahil sa inyo! Mga walang galang! Ang babastos ng mga bunganga niyo!"

"Ine-entertain na nga kayo ng anak ko, ganyan pa igaganti nyo sa kanya!!!"

"Wala ba kayong hiya! Di ba kayo marunong kumatok at magsabi ng TAO PO."

"Buti nga nandyan yung anak ko para sabihin sa inyo kung may tao pero anong ginawa niyo nilait niyo pa siya!!"

"Mga walang modo!! Di ba kayong tinuruan ng mga magulang niyo kung paano rumespeto at gumalang!"

"Ang babastos niyo! Naturinangan kayong nasa mataas na seksyon ganyan mga ugali nyo! Ang sasama ng mga ugali ninyo!"

"Paano yan kung malaman ng mga magulang niyo yung mga pinagagawa niyo? Ano magmamakaawa kayo! Kunwari kayo inapi! BASTOS!!!"

"Ang tagal ko na ring nakatayo rito!! Umalis na kayo! Ayoko ng makita yang mga pagmumukha niyo!!!!"

DI ko alam ang gagawin. Di namin alam ang ikikilos, igagalaw ng aming katawan. Takot na takot kami sa pangyayaring iyang gumimbal sa aming mga sarili. Mga linyang tila dumurog sa aming puso at sa aming mga pagkatao. Tila binuhusan kami ng mainit na tubig sa mga oras na iyon. Ang isa ko ngang kasamang babae tila hindi na nakayanan ang mga masasakit na salitang narinig niya kaya tumulo ang kanyang luha at mamula ng bahagya ang kanyang mga mata. Halata sa kanya ang pagsisisi sa nagawa niya. Ang isa ko ngang kasamang lalake tila tinatatagan ang loob sa mga nagyayari at pinipilit na di magpaapekto sa mga oras na iyon sa kadahilanang sanay na raw siya sa mga ganoong bagay. Ang isa ko pa ngang kasamang lalake di maipinta ang mukha. Tuliro, takot, parang isang pusang inagawan ng pagkain at nanahimik na lang sa isang tabi. Hindi ko kayang kalimutan ang lahat. Hindi ko kayang talikdan ang kasalanang nagawa namin at di ko kayang ipag walang bahala ang lahat. Sa lahat ata ng kasalananag nagawa ko ito na ata ang pinaka malala at pinaka masakit. Di ko alam ang ikikilos at nakatatak sa aking isipan ang katanungan kung mapapatawad pa kaya kami ng gurong nagawan namin ng isang malaking kasalanan at pagkakamaling naghudyat sa amin upang magbago na.

Ako si Noel. Labing- tatlong taong gulang na. Isa akong mag- aaral ng MAPABUTI NATIONAL HIGH SCHOOL. Nasa pinaka mataas na seksyon sa ika unang taon sa High school. Masipag akong maituturing ng aking mga kamag- aral kaya nga nakapasok ako sa top 10 at pinalad na maging top 4 sa seksyon namin. Di ko inaasahan ang mga pangyayari kaya nga tuwang tuwa sa akin ang mga magulang ko. Itinuturing akong bread winner sa pamilya ko. Magaling akong sumulat ng mga tula. Nakalaban na rin ako sa International Poem Writing Contest na ginanap sa Taiwan. Kaya nga nagpupursige akong mag- aral ng mabuti upang maihaon ko ang pamilya ko sa hirap.

(Araw ng Huwebes)

(Sa room namin)

Nagkukulitan, maingay, Nagtatawanan. Masaya ang lahat.

"Teka bago ako makipaglaro sa mga kaklase ko pakilala ko muna sa inyo si Ammy."

Siya yung kasama kong babae sa oras na nangyari iyon. Huwag kayong maingay. Ang pagkakalilala ko sa kanya ay mabait, masayahin. Kaya nga di ko ma imagine na nagawa niya iyon sa anak ng gurong nabastos namin. May pagkataba. Di naman masyado. Medyo straight yung buhok at may katangkaran din. Close ko siya simula nung grade 3 pa kaya malapit ako sa kanya. Tuwing magkasama kami lagi kaming nagtatawanan. Teka humahaba na ata ang pagkukwento ko sa inyo.

"Sandali lang lalabas lang ako at manghihiram ng notebook sa kabilang room."

"Uy! Musta? Saan ka pupunta? Parang nagmamadali ka ah."

"Hindi naman, nagugutom na kasi ako. Gusto ko nang mag recess."

"Sandali papakilala muna kita sa mga kaibigan natin. Kinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari sa atin. Di ko napigilan yung sarili ko. HEHEHEHE:)"

Siya si Elphy, Close ko din siya. Isa siya sa nakasama ko nung oras na nangyari iyon. Siya yung di maipinta yung mukha.

"Wag mo naman akong ibuking!"

Hahahhaha:) Marami siyang nunal sa mukha. Medyo maliit ang labi at may kalakihan ang ilong:) PEace Yow:) magkaklase kami sa panghapon naming klase pero sa pang umaga naming klase di ko siya kaklase:)Hahah:) Gulo noh! Mabait siya, madadamayan niyo siya kapag may problema ka. Kaya nga kapag may problema ako siya agad nilalapitan ko.

"Geh. Thanks sa Time Elphy, KIta na lang tayo mamayang tanghali, sabay tayong kumain sa canteen. Kita kits."

(Bumababa ng hagdan patungong canteen at nasalubong bigla si Paul)

"Uy! San punta?"

"Manghihiram ng ballpen kay Joyce. Wala na kasing tinta yung luma kong ballpen"

"Sandali pakilala muna kita sa mga kaibigan ko."

Siya si Paul. Siya yung pilit na nagpapakatatag nung mga oras na nangyari iyon. ALam kong matapang siya. Kapag lumaban siya at nangatwiran. Pasok na pasok sa banga! Walang makakatalo sa mga banat niya. Kaya idol ko siya kapag may debate kami sa room.Mabait yan. Pwede nyo siyang maging kaibigan.

"Sige Bye. Punta lang akong Canteen mag re- recess lang. Kumukulo na kasi yung tiyan ko sa gutom."

"Sige Bye.Una na ako Noel."

(Pag uwi ko sa bahay, Maraming homework na dapat gawin. Habang gumagawa ng mga ass.)

"Hello Ma'am Gloria:)"

"Hello din sa iyo. Kamusta ka na?"

"Ok lang po maam"

(Nakarinig ako bigla ng isang malakas na kalabog ng mga kaldero)

Bigla akong nagising sa lakas ng tunog!

"Akala ko wala ng galit sa akin si Ma'am Gloria. Panaginip lang pala."

"By the way, si Maam Gloria yung teacher na tinutukoy ko tyaka  yung anak niya na si Oger"

"Nu ba naman yan! Pumapasok na naman sa isipan ko yung mga nangyari!"

(Nakatulog na dahil sa walang tigil napaggawa ng assignments.)

(Gabi na, Medyo malakas ang ulan)

(Tulala. Di na ulit makatulog. Ang dami naiisip. Isa sa naiisip ay.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Big MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon