Notebook (One Shot Story)

1.2K 42 10
                                    

Nakakaboring naman buti malapit na uwian at makakauwi na rin ako sa wakas!!

"Loisa tara sabay na tayo umuwi."

"Okay sige! Antayin mo nalang ako sa labasan, Lea."

> Si Lea ay bestfriend ko since childhood, magkaibigan rin kasi ang aming magulang.

Nang palabas na ako ng classroom may biglang humawak sa braso ko.

"M...ma-mark!" gulat na sabi ko. Napansin ko rin na kaming dalawa nalang pala ang tao sa loob ng aming room.

"bakit parang gulat na gulat ka?" natatawang tanong nya.

"Ha? ah...eh...wala!" ako. sabay ngiti. "sige uwi na ako." sabay lakad.

"Ah...sandali! sasabay na ako kung pwede sana?" ^_________^ sya. sabay ngiti pa!

Anak ng pating! wag ka ngumiti! waaaahhhh! kinikilig ako!

"ha? ah edi sige! tara na!"

Sabay na kaming lumabas. Kasabay ko sa pag-uwi si Lea at Mark. Grabe!! Ghad!! Sobrang pogi nya talaga!! Masyado na ba akong halatado eh crush ko kasi ang mokong na yan!! Since 1st year high school pa...sana maging kame!! LOLZ ^_________^

Halos araw-araw sabay kaming umuwi ni Mark kasi si Lea ang bruhang bestfriend ko may sinalihang club sa school kaya kami ni Mark ang laging magkasabay umuwi at sa aking pag-uwi lagi kong sinusulat sa aking isang notebook ang pangalan ni Mark ( full name pa nga minsan..haha! ) tapos lalagyan ko ng mga hearts sa gilid...ayyiiiee!

Kanibukasan napagpasyahan ko na dalhin ang notebook ko na yon dahil sa likod nun dun ko kasi naisulat ang ibang impormasyon sa aking research isang page lang naman...

Sa school madami kaming ginagawa ng araw na ito si Lea lang ang tanging nakakita ng aking notebook na puro name ni Mark My Love..hahaha!

Nung uwian nakapagtataka hindi sasabay sa akin si Mark sa pag-uwi kaya mag-isa akong uuwi!! Napadaan ako sa garden at may narinig akong nag-uusap.

"Mark.....matagal na kitang gusto...mahal na mahal na nga kita eh....hindi ko lang *sob* masabi...kasi...akala ko may iba kang gusto...akala ko si Loisa ang gusto mo."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya namalayan ko nalang na tumulo na ang luha ko....ang hirap naman kasi pareho naming mahal ng bestfriend ko si Mark pero ayoko naman masira yon...do i will stop loving mark secretly or i will fight my feelings for him?? pagtingin ko sa kanila..

"Mark etong notebook na to ang patunay...bawat pahina niyan pangalan mo lang ang nakalagay.." then biglang niyakap ni mark si lea hindi ko kaya ang ganyang eksena...kaya tumakbo na ako pauwi...halos pakisamahan ako ng panahon dahil biglang umulan at walang nakakaalam na umiiyak ako ngayon...pero nakapagtataka lang paano napunta kay Lea ang notebook na yon??

Halos dalawang buwan na ang nakalilipas simula ng mangyari yon kapag nakasalubong ko sila umiiwas ako dahil ayokong malaman na nagkakamabutihan na sila...masakit kaya...

Pagpasok ko kanibukasan ang ibang high school student nakatingin sa akin ang iba naman nginingitian ako...habang naglalakad sa corridor may dalawang babaeng nagbigay sa akin ng 4 roses at biglang umalis...lakad...lakad ginawa ko habang papalapit sa akin ang apat na lalaking nagbigay sa aking ng apat na roses at lumabas galing sa classroom namin si LEA!!

"Loisa, sorry...sa nagawa ko...pero narealize ko na mali ang ginawa ko..I-im so so-sorry...binabalik ko na tong notebook mo...hindi sya naniwala na ako ang may gawa nyan...m-mahal na mahal na mahal ka nya Loisa...sana maging kayo FOREVER!! sorry talaga...kapag nagkatuluyan kayo, magiging sobrang happy ko talaga..." we hugged each other "punta ka na sa garden hinihintay kana ng prince charming mo."

"Lea! thank you so much talaga!"

"Sige na! Go girl! baka mainip yon."

Agad akong pumunta ng garden...gumanda ata ngayon ang garden ng aming school! May mga iba't-ibang bulaklak ang nasa paligid tapos yung dadaanan ko may petals ng red roses pumunta ako sa gitna at lumabas ang isang lalaki na may dalang violin... Timing na timing eh noh! tanghaling tapat may magpo-propose sa akin..hahaha...at may lumabas sa kung saan..

"Mark!" gulantang na ako ! ano ba ito ? yayayain ako magpakasal ! haha! over! binigay nya sa akin ung boquet of roses na hawak nya kanina..tapos...tapos.....

"Loisa" hinawakan nya kamay ko at tinitigan ako sa aking mga mata. "kung alam mo lang na sobra akong nalungkot sa pag-iwas mo sakin nitong dalawang buwan nakaraan." *pout* "kung alam mo lang na sobrang mahal na mahal na mahal na mahal kita...hindi ako naniwala na kay lea ang notebook na pinakita nya sa akin noon dahil may pakiramdam ako na sa iyo yon...halata naman kasi sa sulat...tyka dati dun sa likod ng english notebook may may lettering na pangalan "mark" ang saya ko ng makita ko yon kaso naisip ko baka ibang mark ang nakasulat doon...mahaba na siguro ang nasabi ko pero hindi ako magsasawang mahalin ka habambuhay at sambitin sayo ang mahal na mahal na mahal kita...so anong sagot mo?" pinunasan nya ung tumulong luha ko.

"Mark...sorry..." bakas sa mukha nya ang kalungkutan. "mark kung sinabi ko sayo dati pa na mahal na mahal din kita hindi na sana umabot sa ganito...mark mahal na mahal na mahal kita." bigla nya akong niyakap tapos binuhat nya ako!

"YESSSS!!" sigaw ni mark. "so will you be my girl?" tumango-tango nlang ako.

"Pare! ang hina mo halikan mo na yan!"

"Pards! kung ayaw mo ako hahalik dyan. para makakaen na kame! haha"

"manahimik kayo kung gusto nyo lumamon!" =_____=

"Loisa itong bracelet na to ang first gift ko sayo." sabay suot sa akin at pa-smack akong hinalikan sa lips!

then mula sa itaas may dalawang estudyante naglalaglag ng petals ng rose at may electric fan pa! haha! kaya parang umuulan tuloy ng rose dito.

"kainan na!" sabi ng isang ka-batch namin.

Kaw na! kaw na mayaman mark! kaw na rin sweet and romantic! kaw na talaga! mahal na mahali kita!

HAPPY ENDING !!

( A/N: vote , comments or likes naman kayo :) thanks in advance ! mwah mwah tsup tsup! )

----> oopps i got to off my laptop hinihintay na ako ni Jade may pupuntahan pa kami..hehe..

[ feb. 5, 2012 , 2: 25 pm - done typing this story ]

Facebook ko : InspiredGirl Wattpad name ko dun =D

Notebook (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon