Isang Minuto { oneshot }
written by: sparklingashes
"...kahit isang minuto lang..."
WARNING: Corny 'to! >.<
**
Mali. Maling-mali na iniwan kita. Hindi ko man lang nai-paliwanag sayo ang lahat. Ginusto ko lang hanapin ang sarili ko. Alam kong may mali sa relasyon natin. Ayoko lang na masira 'to ng basta-basta kaya minabuti kong lumayo muna. Pero hindi ko 'to napaliwanag sa'yo. Inakala mo sigurong hindi na kita mahal. Siguro ganun na nga. Patawad kung natagalan ako. Pero pagbalik ko, nakita kong masaya ka na nang wala ako. Hindi ko alam kung hinihintay mo bang umalis talaga ako o tinanggap mo na nawala ako at nag move on ka na lang. Pero di bale na, alam kong masaya ka na. Tama lang siguro ang ginawa ko. Dahil kung parehas pa natin 'tong ipipilit, parehas lang tayong masasaktan.
Pumunta ako sa bahay nyo. Sinabi nilang wala ka. Kaka-alis mo lang daw. Hindi nila alam kung nasan ka pumunta. Nakakatawa. Ang alam pala nila, tayo pa rin. Teka, hindi pa pala tayo nagb-break no? So technically, tayo pa rin pala.
Pumunta na lang ako sa park. Dito tayo madalas tumambay dati. Nakita ko yung mamang nagtitinda ng lobo, natandaan ko, binili mo pa ako nun. Nakita ko rin yung mamang sorbitero. Lahat yata ng makita ko dito, pinapaalala ka. Kailangan ko na atang umalis dito, kung hindi baka mabaliw ako kakaisip sayo.
Naglakad lang ako ng naglakad. Hindi ko alam kung saan muna pupunta. Patuloy lang akong dinadala ng mga paa ko. Tatawid na sana ako ng makita kitang kasama sya. Sino sya? Kaibigan mo ba? Hindi ko matandaang may pinakilala kang kaibigang babaeng kamukha nya, o sya. Masaya kayong nagk-kwentuhan habang magkahawak ng kamay at nagduduyan. Naaalala ko, parang dati, ganyan din tayo. Ganyan tayo kasaya.
Pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa mata ko. Masakit. Pero somehow, kailangan kong tanggapin. Masaya ka na. Ayokong masaktan ka uli ng dahil sa akin.
Tumalikod na lang ako at umalis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Siguro, aalis na lang ako ng bansa at hindi babalik pa ng Pilipinas.
Ilang linggo ang lumipas, nabalitaan kong na-ospital ka. Nabangga ka daw. Pumunta ako ng ospital para makita ang kalagayan mo. Ayos ka na daw at nagpapahinga, nasa room 124. Anobayan, naiisip ko yung number. Monthsary natin. December 4. Tch. Naglakad na ako papunta sa kwarto mo, ng malapit na ako, may lumabas na babae galing sa loob. Sya na naman. Umalis sya, at sa tingin ko, bibili sya.
Pumasok ako, tulog ka. Hinintay ka muna nya sigurong matulog. Kinakantahan ka din ba nya tulad ng ginagawa ko? Lumapit ako sa hinihigaan mo. Nagsimula na naman akong lumuha. Ano ba kasing dahilan bakit ka nabangga. Nagalusan ka tuloy. Nasaktan ka na naman. Hindi mo kasi iniingatan ang sarili mo. Alam mo naman na kapag nasaktan ka, mas nasasaktan ako para sa'yo.
Sasamantalahin ko na siguro 'tong pagkakataon habang tulog ka at wala sya. Ang mayakap ka kahit sandali. Alam kong ito na ang huling pagkakataon. Dahil anytime, babalik na sya, at sya na ang magbabantay sayo.
Gusto kitang yakapin...kahit isang minuto lang. Dahil pagkatapos nito, hinding hindi na ulit ito mauulit. Hindi na pwede. Aalis na kasi ako. Hindi na babalik. Gusto ko kasing maging masaya ka. Alam ko naman na habang nandito ako, patuloy pa rin kitang nasasaktajn. Buti na lang talaga dumating sya.
60
59
58
...
45
44
43
...
20
19
18
...
Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Malapit na. Malapit nang matapos 'to. Pero ayoko pa, ngunit...
3
2
1
....
Tapos na. Tapos na ang isang minuto. Tinanggal ko na ang pagkakayakap sayo. Mabuti na lang at hindi ka madaling magising. Pinunasan ko muna ang pisngi ko. Mahal kita. Sobra. Kasalanan ko din naman 'to. Dapat lang sa akin 'to. Kung hindi sana kita iniwan at sabay nating inayos ang problema... edi sana okay pa. Okay pa sana ang lahat.
Dumiretso na ako sa pinto, pero bago ko buksan iyon at umalis, tinignan muna kita sa huling pagkakataon. Kinakabisado ang mukha mo. Dahil hanggang dito na lang. Tapos na ang istorya natin. Magsasarado na ang libro. Pero gayunpaman, ikaw pa rin ang isinisigaw ng puso ko.
Lumabas na ako at sumakay sa taxi.
"Manong, sa airport po."
Salamat pinagbigyan mo ako. Kahit isang minuto lang. Maging masaya ka sana.**
BINABASA MO ANG
Isang Minuto • o.s
Ficção Adolescente❝ ...kahit isang minuto lang ❞ { oneshot } [ tag-lish ] Reached: Short Story #222 / Teen Fiction #388