"Paaa! Hwag, maawa po kayo kay mama." Yan ang tanging nasambit ko habang patuloy na binubogbog ni papa si mama sa harap naming magkakapatid.
Mula pagkabata, minsan lang naming makitang umuwi sa bahay si papa, at sa tuwing hinahanap namin magkapatid o itinatanong namin kay mam kung nasaan si papa, ang tanging sagot ni mama ay, " naku, mga anak nasa trabaho, hayaan nyo baka bukas nandito na'yon, magdadala yon nang pansit".
Tatlo kaming magkakapatid na puro babae, palagi naming naririnig na nagtatalo sila mama at papa tungkol sa pangangabit ni papa.
" Nanding, halos wala na nga tayong makain tapos nambabae ka pa, di mo na nga ako pinayagang magtrabaho para sa mga bata, ano ka ba naman... nahihiya nako, di na tayo nakakabayad ng utang sa tindahan. Konting konsiderasyon naman." Sambit nang aking ina sabay hagulhol. Pero ang mas masakit ay ang mga salitang narinig ko kay papa. " eh, kong binigyan mo lang sana ako nang anak na lalaki, may junior na sana ako ngayon."
"Nanding!, mga anak mo din sila!". Sambit nang aking ina. O, sya, sya, aalis na ko... sabay dala sa bag nya na punu nang damit.Pero mula noon di na bumalik si papa, halos mawala sa maayos na katinuan si mama dahil sa problema sa kakapusan sa pera, pagkain at sa kahit na anong importanteng pangangailangan. Hindi rin sya makapagtrabaho dahil walong buwan pa ang pinakabunso kong kapatid ang pangalawa naman ay tatlong taon at ako naman ay pitong taong gulang pa lang at di narin halos makapag aral nang maayos.
Isang umaga pagkagising ko namataan ko si mama na may mga kausap na mga kapitbahay namin. Ang iba nakikipag usap nang masinsinan kay mama na para bang pinapalakas ang loob nya na maging matibay para sa amin na mga anak niya, habang ang iba naman ay kanya kanya nang bitbit ang mga gamit namin sa bahay. Mga lamesa, sala set, TV, mga plato at mga lalagyan nito, pati planggana at balde at dram na lalagyan nang tubig hinakot narin nila.
Nang wala nang tao tinawag ko si mama, "ma, bakit dinala nila ang mga gamit natin?". Lumapit si mama sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat habang nakatitig sa aking mga mata. " Anak, ibinenta ko na lahat nang gamit natin, kailangan natin ang pera pamasahe kasi pupunta na tayo nang cebu, doon na tayo maninirahan, sama sama tayo nang mga kapatid mo." sabay ngiti pero ang lungkot ay talagang makikita mo sa kanyang mga mata. Gusto ko mang itanong kung papaano na si papa, pero mas pinili kong manahimik nalang, alam ko, kahit sa murang edad ko palang, nakapagdesisyon na sya at iyon ay ang pagpili nya nang buhay para sa aming kapakanan. Mahal na mahal ko si mama at masyado akong nasaktan sa pag iwan ni papa sa amin. kaya sa mura kong edad, itinatak ko sa aking isip na di ko hahayaan na danasin nang magiging mga anak ko ang nangyari sa amin. kaya kailangan kong pumili nang isang matinong lalaki.
Kinabukasan, bitbit namin ang aming malaking maleta habang akay akay ni mama ang bunso naming kapatid na si angela at ako naman ay naka backpack nang malaki habang hawak hawak ko sa kamay ang tatlong taon kong kapatid na si Loren. Nang makarating kami sa pier di ko maintindihan ang damdaming nadarama ko, parang excited ako kasi first time kong makakasakay sa barko, pero parang malungkot din kasi alam ko na ito na ang umpisa na mamumuhay kami na wasak ang pamilya, na sadya na talaga kaming magkakalimutan ni papa, masyado pa naman akong namana kay papa sa hitsura, sabi nga nila female version daw ako ni papa, ang mga mata ko raw na mapupungay na pinarisan nang matataas na pilikmata at ang matangos na ilong ang siyang natural na asset ko. Hindi nga ako masyadong kataasan kasi nga salat kami sa pagkain at bogbog ang payat kong katawan sa kababantay sa mga kapatid ko pero bawing bawi naman ako sa katalinuhan dahil second honor naman ako noong grade one ako, ngayon nga lang ako nagkaproblema sa grades na grade two na ako dahil sa problema na bigay ni papa sa amin.
Masyadong malaki ang barko na princess of the Orient, gusto ko mang tumingin tingin sa paligid dahil sabi ni mama bukas pa dw ito dadaong sa cebu pero pinili nalang naming matulog kasi si mama, iyak nang iyak habang pinagmamasdan kami. Ayokong iwan si mama, at ang mga kapatid ko maliliit pa,masyado silang malikot. Sinubukan kong kausapin si mama pero ang tanging sabi niya, " anak, kahit gaano ka sama ang nagawa nang papa mo, lage mong isaisip na papa nyo parin siya kaya kailangan nyo syang igalang, huwag kang mag alala, alam nang Diyos kung ano ang mas makakabuti sa atin." habang pumapatak ang kanyang luha. Wala akong masabi kay mama, masyado talaga siyang mabait. Ewan o kung mabuti lang talaga ang kanyang kaluoban o sadyang pinili lang talaga ni mama na magpakatanga. Hello! mama, iniwan ka na po nang lalaki na mahal nyo kasi nga di mo siya binigyan nang anak na lalaki.
Hahaay!, Di ko lubos maisip, ganyan ba talaga pag mahal mo ang isang tao? parang ayaw ko nang ganyan. Basta, ako paglaki ko, gusto kong makahanap nang lalaki na tanggap ako bilang ako, yong kayang tumbasan ang pagmamahal na iniuukol ko sa kanya na hanggang sa pagtanda ko ako parin ang natatanging babae para sa kanya . At ang pinaka importante sa lahat, kailangang makatapos ako nang pag aaral para naman di ako basta basta nalang mamumukhang talunan kung sakasakaling iwanan ako nang magiging asawa ko, kasi kaya ko paring buhayin ang mga anak ko, at ibigay ang lahat nang pangangilangan at gusto nila, kasi may sarili akong pera. Kaya, humanda silang lahat na mga lalaki sila, kasi ako di ako papatalo. Hanggang sa naidlip nalang ako sa pag iisip nang di ko alam kung may kabuluhan ba iyon o sadya ko lang ba talagang nilalagay sa plano ang aking buhay pag ibig, kahit na pitong taong gulang pa lamang ako.
YOU ARE READING
Exclusively Mine
RomanceAng buhay ang punu nang choices. Kung ano man ang buhay na meron ka ngayon yan ay sa naging desisyon mo sa nakaraan, at kung ano mang klaseng tao ang nakapaligid sayo ngayon, yan ay dahil sila ang pinili mong makasama. Pero kapag sa love story na...