Masyado akong naging affected, dalawa sa mga nabasa kong story sa wattpad. Kaya hindi nanaman ako mapalagay. Nag lalakbay nanaman ang utak ko. Paulit ulit din sa sa utak ko ang mga memorya ng mga pangyayari noon.
Una sinabi doon na kahit tumagal na daw posible padin pala na manatili ang pagmamahal ng isang tao. Feeling ko sa unang pagkakataon ay my naka intindi sa akin. Dahil sa unang pagkakataon merong naka tumbok ng nilalaman ng puso ko. Pero hindi lang basta ganoon. Hindi lang bastang may patunay ng nararamdaman ko ng ganun ganun lang. dahil hindi lang bastang panahon ang tinutukoy doon sa kwento.
Dahil alam kong hindi nasusukat ang tagal ng panahon para sa nararamdaman ng tao. Dahil karamihan nga sa mga nasaksihan kong relasyon. Isang malaking bagay ang tagal ng panahon sa pagbabago ng nararamdaman ng bawat mag kasing irog.
Pero ang kumuha talaga ng aking attention ay Nabanggit niya doon na patungkol sa presentsa ng taong sinasabing mahal mo.
Kasi kinikwestyon ko ang aking sarili nang matagal na panahon, dahil paano ko siyang minamahal sa kasalukuyan kong wala naman siya? As in walang communication at hindi ko siya nakikita ng harapan.
Pero aaminin kong my balita ako or i mean aware ako sa mga ganap sa buhay niya. Nagtataka kaba o my idea kong paanong updated padin ako? Hahaha
Feeling ko tama ka kong inisip mo huh!Yeah i admit, I'm stalking him. Especially sa social media. Pero IG lang at kunting pasilio silip sa FB niya na di naman kami friends. 😔
Siguro naisip mo "ohh bakit di mo iadd" para stalker na talaga ang datingan ko. Sa dulo You will know. Easyhan mo lang bes.Okay balik tayo, bukod sa pag istalk ko. Nag kaka idea din ako sa mga ganap ng buhay niya sa mga kabatch kong tropa ng high school. Yes, high school love ko siya, ka first love never dies ko siya at soul mate. Ang mga crazy girlfriends ko ang nag chichicka ng ganap sa buhay niya. Minsan malaking tulong pero kadalasan nakaka depressed. Huhuhu Ang sakit mga bes!
So Meron nga din pala akong nabasa. Sabi sa nabasa ko dito padin sa wattpad world. My pauso siyang "70% at 30%" ratio ng mga relasyon sa high school. Sabi 70% daw ng mga damdamin ang hindi nagtatagumpay dahil kasabay ng mga alaala mo sa high school life mo ay magiging memorya na lang din ang mga damdamin niyo.
Papalawigin ko lang ang bagay na ito huh. Kasi syempre pag nag kolehiyo na kayo mawawalan na talaga ng oras sa isa't isa, magiging busy na sa kanya kanyang buhay at marami na kayong makikilalang iba't ibang tao. Iyan ang mga kadahilanan.
At ang sinasabing 30% naman ay ang mga winner. Sa karerang ito. Iyong mga nagpalitan na ng "to death do us part". Kong saan invited ang buong batch mo ng high school at mga mga naging teacher niyo. Sila na! Nakaka bitter. Haiyst
Iniisip ko san kaya ako kabilang? Kong iisipin ko ngayon sa tingin ko ay kabilang na ako sa mga 70% na sawi, PERO naisip ko hindi pa tapos ang laban dahil kahit my Girlfriend siya ngayon. OO my babaeng umaaligid sa kanya ngayon. Kakaisang taon pa lang nila. Pero wala pa sila sa poreber!! Kaya may pag asa pa.
Masasabi mong katangahan ang pinag iisip at mga pinag gagawa ko. pero ito lang ang masasabi ko. pag ikaw ang nasa sitwasyon ko masasabi mong mahirap pala talaga. dahil madali lang sabihin na mag move on pero napaka hirap gawin.
--RHB. <3