Taong 2007, Dapit Hapon
Basak "Montecueva" Rizal, Maasin City, Southern LeyteMga ilang araw palang akong nakatungtong dito sa Baranggay Rizal ay may mga naging kaibigan na agad ako at naging koportable ako sa kanila. Dapit hapon noon nang nagkwe-kwentohan kami ng aking bagong kaibigan. Nang na itanong ko kay Maricar tungkol sa bangin, na lagi naming daan tuwing kami'y pupunta sa isa pa naming kaibigan at malapit rin sa bahay namin, nasa ibaba kasi kami ng bangin. At tuwing dadaan kami doon parang may kakaiba akong nararamdaman, may nakakasalubong kami at ako lang ang nakakapansin. Ma hapon man o gabi.
"Car, alam mo parang may kakaiba diyan" pabiro kong sabi sa kaibigan ko na nakatitig sa bangin mula sa kinauupuan namin. At yun din tinignan ni Maricar kung saan ako nakatitig.
" Diyan ba?, ay Oo alam mo ba may kwento diyan? cef ikaw na mag-kwento" kinakabahang bigkas niya. Ang mga mata niya parang di makatingin sa lugar na yun.
"eh?" yun lang ang tangi kong sambit, napa-isip tuloy ako. Baka may multo diyan kaya ganun nalang kung maka-react si Maricar.
"Oo na, ikaw talaga "Long Nose" ka napakamatatakutin mo" tahimik lang ako sa kanilang tabi dahil na curious ako sa bangin na yan.
"Sige na "bok" kwentohan mo na si "Ate" Joy" sabi ni Maricar na kasamang kayap sa braso ko at ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya.
"Oo na, ganito kasi yan Joy, may isang jeep na puno ng sakay galing sila sa fiesta at pauwi na silang lahat. Pero sa kasamaang palad nawalan ng kontrol ang jeep at diyan sa bangin na yan' nahulog. Kung nakita mo lang ang sinapit nila, maawa't maawa ka talaga. May sumisigaw ng tulong, umiindina sa sakit, may umiiyak, ako nun Joy nakatitig lang hindi ko makilos ang aking katawan. Bata pa lang ako noon, pero tandang-tanda ko pa ang nangyari. Kita ko ang daming dugo, batang patay,may iba pa na kita yung utak. Yung na rescue na sila, tulung- tulong ang taga rito para yung iba maisalba pa ang kanilang buhay. Pero sa kasamaang palad namatay parin, di na nakaabot sa Ospital. Sa pagkakatanda ko dalawa lang ang na buhay, yung baby at ang ina. Pero yung buntis at yung baby sa tiyan niya ay di nakaligtas, ang saklap na sinapit nila Joy. Kaya simula noon ang lugar na yan ay may kakaiba na. Sina Kuya Taye nga diyan, giniba ang bahay nila at lumipat sa malayo-layo sa bangin na yan dahil kada dapit hapon o di kaya sa hating gabi parang may maririnig sila na parang humihingi ng tulong at umiiyak. " mahabang kwento ni Joceph, ukol sa storya ng banging alam kong may kakaiba. Napagtanto ko na totoo pala ang aking nakikita't naririnig di ko lang pala sila guni-guni.
Simula noong narinig ko ang pangyayari, gusto kong umiwas sa bangin na yun subalit mula sa bahay nakikita ko ang bangin. Noong papunta kami sa bahay ng aming kaibigan, tila may sumusunod at sumasabay samin. Paglumilingon naman ako sa paligid wala naman. Pero minsan nakikita ko ang isang puting-puti na babae na may kagandahan ang buhok, mataas ito at ito'y laging nakayuko di ko makita ang kanyang muka. Pero kita kong lumulutang siya kahit parang nakasayad lang ang kanyang di makitang mga paa. Pag nagkataon na ganoon tanging alam ko lang ay pumikit at pilit iwaksi ang nakikita. Alam ko, di na sakin bago iyon pero minsan nakakaramdam din ako ng takot, pagtayo ng mga balahibo.
Nitong nakaraang linggo lamang, nagpatugtog kami sa bahay ng pagkalakas-lakas, subalit nang nasa ibaba na ako bigla na lang humina ang speaker. Sa pag-aakalang humina lang talaga ang music kaya't pumanhik ako dahil nandoon ang speaker. Pero sa di pa ako nakaka hakbang patungo sa itaas, ay may narinig akong yapak kaya't dinalian ko ang pag akyat pero ang tanging nakita ko lamang ay isang anino at bigla nalang nawala. Humugot ako ng malalim na hininga para ma-relax ko ang aking sarili. Nang mahimasmasan tinignan ko ang volume ng speaker, nung pinatugtug ko iyon ay nasa lampas na sa gitna, pero nang matignan ko ay nasa pinaka mahina na siya. Ewan ko ba kung bakit sila ganoon di naman namin sila pinapakialaman pero ginagalaw nila ang bagay na amin. Minsan din sa bahay parin namin ay may nakita akong tindig ng lalaki, mala-Adonis ang kanyang katawan at matangkad, pero parang anino lang siya na naglalakad patungo sa banyo namin. Dahil sa curious ako sinundan ko siya ngunit nawala siya bigla.
Isa akong tao na "to see is to believe" pero sa pagkakataong ito. Nakakakita ako ng mga kakaiba at di nakikita sa ordinaryong mga mata. Kaya't naniniwala ako sa mga ganyang mga bagay na kakaiba. Hanggang ngayon nagpaparamdam parin sila at ako pilit nalang silang ini-ignora dahil kahit kailan di sila mawawala dahil sila ay nandiyan lang sa tabi-tabi, sa umaga, sa hapon o sa gabing pagtulog natin sila ay nakatingin.
********** — End — **********

YOU ARE READING
ONE SHOTS STORIES
Random-Different Genres -Some True to life Story -One Book but content different stories ----------- Hope you able to read my one shots stories. ♥♥♥ ****** Thank you ♥