Alice in Christmasland

442 5 0
                                    

------------
"Alice can you please hand me the Christmas balls?" Kinuha niya ang Christmas balls at binigay niya ito sa kanyang nakakatandang kapatid na si Alien, sabay kuha sa cellphone sa kanyang bulsa.
"Ito na Ate oh" matapos kunin sa kanyang kapatid ay diritso na naman siyang umupo sa kinauupuan niya kani-kanina lang at patuloy sa pagkakalikot sa kanyang CP.
"Pwede ba Alice, mamaya na yan, tulungan mo muna kami ni mama dito sa Christmas tree."
"Oo nga naman anak, diba ito yung lagi mong ginagawa dati pa?" kibit balikat lang siyang pinagpatuloy ang pagbabasa sa kanyang CP na tila walang naririnig.
"Sige na Alice anak, masaya kaya ang pagkakabit sa Christmas tree, lalo na sama-sama tayong pamilya" kung de-describe ang mga mukha ng kanyang ate at mama, lalo na ang mga mata nito ay pweding-pwede ng isabit at gawing Christmas lights dahil ito ay kumikinang sa tuwa at bakas ang excitement ng mga nito.
"Ma, kayo na lang at saka pwede naman tayong mag Chri-Christmas without it diba?"
"Alice, isa ito sa nagpapakita ng masayang kapaskohan"
"Eh, para ano pa ma, di naman tayo kompleto sa pasko, wala naman si papa, di naman siya uuwi diba? Busy naman lagi siya sa trabaho niya"
"Alam niyo naman diba kung bakit andun sa ibang bansa ang papa niyo diba?"
"Alam namin ma, at diko iyon makakalimutan pero sana man lang makasama natin siya kahit ngayong pasko" tumakbo siya palayo sa kanyang ate at mama at dumiritso sa kanyang silid at tumilakbong.

Dati naman ay di siya ganyan, noon lagi naman siyang nangunguna sa pag-aayos ng Christmas tree. Pero nung umalis ang kanyang papa upang magtrabaho sa ibang bansa, padalang ng padalang ang kanyang pagtulong sa pagkabit ng mga dekorasyon sa bahay tuwing nalalapit ang pasko. Kahit di nakauwi ang kanya papa ay nagpapadala naman ito para sa mga kinakailangan nila at nagpapadala rin sa maaga nilang regalo.
"Sana nandito ka sa pasko papa, gusto ko sana makumpleto tayo" sa ilang mga sandali ay dina niya namalayan na nakatulog na pala siya.

"Salamat Mrs. Jam" naalimpungatan niyang tinig na masayang nagpapasalamat sa tinawag na Mrs. Jam. Di kalauna'y binuka na ang kanyang mga mata at di siya makapaniwala sa kanyang nakita sa kanyang silid or she should say —sa ibang silid siya?, pinikit niya uli ang kanyang mga mata baka kasi namamalik mata lang siya. Subalit sa pag-gising niya ay yun parin ang kanyang nakikita. Di parin ang kanyang silid na tinutulogan,

Umupo siya mula sa pagkakahiga at pinisil-pisil ang kanyang mga pisngi at tinapiktapik, nasaktan na lang siya at yun parin ito at di nagbago. Nasa ibang kwarto talaga siya, at di pamilyar ang lahat na nasa loob.

"Hello Ms. Alice, buti gising kana" masayang bungad ng babaing kaharap niya ngayon.
"S-sino ka? Nasan po ba ako?" nalilito paring tanong ni Alice sa kanyang kausap.
"Ako nga pala si Mrs. Jam at halika ipapakilala kita sa mga kasama ko dito sa bahay" pero nung di pa sila nakalapit sa pintuan ay bumukas ito at iniluwa ang sing edad lamang ni Alice na nakangiti.
"Excuse me Mrs. Jam, kailangan po kayo sa gift room, hello Alice"
"H-hi?"
"Okay, pupuntahan ko muna doon, at Green?"
"Yes po?"
"Paki assist si Alice at bigyan siya ng makakain at isama niyo siya sa lakad niyo upang siya'y maaliw" nakangiting bilin ni Mrs. Jam kay Green bago ito nawala sa kanilang mga paningin.
"Halika dun tayo sa dining area" umiling na hinawakan niya ang braso ni Green.
"Wag na, di pa naman ako nagugutom, teka may tanong ako sa'yo"
"Alam ko, kita naman sa mga mata mo"
"Anong lugar to Green, bakit ang creepy?" tumawa ng bahagya ang kanyang kaharap, tinignan niya ito ng masama dahil pinagtatawanan lang siya nito.
"Sorry, kasi naman eh, Creepy?"
"Oo, ang creepy dito, pangalan mo palang creepy na"
"Grabe ka naman, may creepy bang ganitong lugar?" Binuksan ni Green ang pinto at bumungad sa kanila ang napakalaking Christmas tree na kasalukuyang nilalagyan ng mga palamuti at may mga tao ring naglalagay ng mga naglalakihang regalo sa ilalalim nito. May paruo't parito sa kabilang silid na nagdadala rin ng mga regalo. Lahat sila ay masayang masaya sa ginagawa. Sa buong silid na pinasukan nila ay subrang masaya parang walang may problema may mga kumukutitap na mga Christmas lights, habang ang mga tao roon ay sumasabay umiindak sa tugtugin at ang iba ay sumasabay sa pagkanta, talagang buhay na buhay ang buong silid. Naisip tuloy niya ang kanyang pamilya, siguradong magugustohan nila ito.

"Ano, ready kana?"
"Huh?, anong ready? Saan?"
"Basta, halika sumunod ka lang, siguradong magugustohan mo ito"

"Maraming salamat po" Mga ilang oras na silang pahintu-hinto para magbigay ng mga regalo sa mga tao sa labas.
"Ang saya naman dito Green, parang magical ang lugar na ito parang ang mga tao dito kahit nahihirapan masaya parin"
"Welcome to the Christmasland Alice"
"Christmasland?"
"Yes"
"Teka, di ko naiintindihan, anong?— bakit?"
"Halika, may ipapakita ako sa'yo"

Mga ilang minuto rin silang naglakad, bago narating ang kanilang patutungohan.
"Wow, ito yung nasa panaginip ko Green" sa sobrang tuwa ni Alice ay niyakap niya si Green tapos sabay silang tumakbo patungo sa mga taong nagsasayawan. Pero sila'y hinarangan ng tatlong pixies at binihisan sila ng kakaibang damit at ito ay kumikinang. Nasa isip ni Alice ang kanilang suot ay ibang kulay at laki ng mga bituin. Ang mga tao dito ay di matatawaran ang saya. Ang lahat ng nandito ay yun ang nasa panaginip niya at ngayon ay nandito na sa kanyang harapan. Pagkaraan ng ilang oras ay nagpahinga muna silang  dalawa ni Green sa tabi. Nilibot niya ang kanyang paningin sa mga taong walang humpay na nagsasayawan. Nakadama siya ng lungkot nang makita niya ang isang masayang pamilya na sabay nagsasayaw. They look so happy, 'Sana ganyan rin kami' ang nabulalas sa kanyang labi.
"Alice?" nilingon niya si Mrs. Jam na kakarating lamang. Nginitian lamang niya ito.
"Wag kang mag-alala Alice magiging masaya rin ang pasko mo, magtiwala ka"
"We know you Alice, isa ka sa bumubuhay ulit ng aming mundo, dahil sa mga paniniwala mo sa amin"
"D-di ko po kayo naiintindihan?"
"Dati naniniwala ka sa amin na may ganitong lugar, isang lugar na masaya, at nagpapasalamat kami sa'yo"
"Kaya, we are helping you to believe on Christmas again, Christmas is for everybody Alice, sana di mo yan makakalimutan"

Na realized ni Alice na kahit wala ang kanyang papa sa pasko, pero his gift and his love is enough to show how much he love his family.
"Alice, ito nga pala gift ko sa'yo" tinanggap niya ang regalo ni Mrs. Jam at nginitian niya ito.
"Thank you po"

"Alice Alice Alice?" napamulat siya dahil sa tinapik tapik siya ng kanyang ate. Nang makita niya ang kanyang kapatid ay napabalikwas siya ng bangon.
"Ate? Ikaw ba yan?"
"La! oo ako to, nakatulog ka lang dyan di muna ako nakilala?"
"Eh, ateeee namiss ko kayo ni mama, pakiss nga"
"Eww, wag ka nga, anong nangyari sa'yo? Bat ang creepy mo?"
"Creepy?" Natatawa siya sa kanyang narinig dahil nasabi niya na ito.
"Anong nakakatawa?"
"Wala ate, pa-hug nga"
"Tama na nga yang hug-hug na yan, tsk, akin na nga yang star kaya pala wala doon sa ibaba dinala mo pala, bakit naman kasi di pa sabihing ikaw ang gustong maglagay dun sa itaas."
"Hala, bakit napun— " di na lang niya tinuloy ang kanyang sasabihin. Akala niya sa panaginip lang yun. Yung ang bigay ni Green sa kanya.
"Akin na yan Alice ako na maglalagay"
"Blee, ayaw ko nga" nagmamadaling tumakbo sina Alice at ang kapatid niya sa ibaba.
"Alice ako na lang maglalagay sige na"
"Oh anong nangyayari sa inyo?" nanlaki ang kanilang mga mata nang mapagsino ito.
"P-papa!" sabay nilang bigkas at tumakbong yumakap sa kanilang ama.
"Surprise!!!"

Yumakap lang sila sa kanilang ama at pagkaraan ng ilang sandali ay sabay-sabay silang naglagay ng star sa tuktok ng Christmas tree. At sabay nilang pinailawan ito. Nasa isipan ni Alice na wala palang impossible kung tayo'y mangangarap. At napaka-magical talaga ng pasko.
"Thank you Mrs. Jam, thank you to make me believe it again—the Christmas, thank you so much for the gift."

***—oOOo— END —oOOo—***

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now