"Nasayang"

323 18 14
                                    

Nasayang 

Ako si Tala, 18 years old.

Isa akong working student, nagtatrabaho sa isang restaurant bilang waitress.

At isa namang estudyante ng HRM sa school.

Nagtatrabaho ako para sa sarili ko dahil ayokong inaabala sila mama.

Hanggang sa isang araw, sinesante ako dahil sa bisyo.

Nawalan ako ng trabaho at pati grades ko bumaba.

Parang nawalan ako ng dahilan mabuhay.

Nagsimula na ring mag-alala si mama pero hindi ako nakinig.

Hanggang sa may nakilala akong lalaki.

Si Louie.

Binago niya ang buhay ko.

Binigyan niya ng kulay ang mundo ko.

Siguro nga naghahanap lang ako ng pagmamahal.

Na hindi maibibigay ng mga magulang ko.

Pina-ibig ako ni Louie.

Bigla akong naganahan sa pag-aaral at bumalik na ang pagtitiwala sakin ni mama.

Nakahanap na rin ako ng trabaho.

Masaya ako pag kasama ko si Louie.

Mas mahal ko na nga yata siya kesa sa magulang ko eh.

Dahil ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal.

Soulmates nga daw kami kasi T.L. ang initials namin.

True Love daw.

Pero isang araw nagbago ang lahat.

Bigla na lang siya umalis. 

Biglang nawala.

Sinubukan ko siyang hanapin.

Sinubukan ko siyang tawagan pero out of reach.

Sinubukan ko rin buksan yung facebook niya pero nagulat ako.

Wala na yung account niya.

Napaluha na lang ako pero hindi pa rin ako sumuko.

Nagtanong tanong ako.

Hanggang sa may nagsabi sakin na..

'Ah! Bumalik na siya ng America, nagkasundo na sila ulit ng girlfriend niya eh. Magpapakasal na daw.'

Nagulat na lang ako at nawalan ng pag-asa.

Hindi ko matanggap na, niloko niya lang ako.

Na isa lang akong pangpalipas oras.

Isang libangan.

Mahal ko siya.

Mahal na mahal. 

Mas mahal ko pa nga siya kesa sa sarili ko eh.

Bakit niya nagawa sakin to?

Lumipas ang ilang araw at hindi ko pa rin siya malimutan.

Bumalik ako sa bisyo at nawalan ng trabaho.

Bumagsak ang grades ko at nagrebelde sa nanay ko.

Lumipas ang ilang buwan.

At napagtanto ko na, kailangan ko nang magbagong buhay.

Nasaktan ko ang damdamin ni mama.

Dahil sa isang lalaki.

"Nasayang"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon