1

16 0 0
                                    

Hello watty.Sana basahin nyo yung kwento ko.Lahat po ng ikikwento ko dito ay hango po sa totoong pangyayari.Kukuhanan ko po ng litrato ang aking diary para pruweba.Ang pangalan ko po at ng aking bestfriend ay pinalitan ko pero yung sa palaki sa panaginip ko wag na siguro hahaha jk papalitan ko din syempre.

August 28,2016

"Papalapit ako sa isang puno dahil may nakita akong mga dahong patuloy na nalalaglag mula doon.Napapaisip ako dahil sariwa pa ang mga dahon pero laglag na ito ng laglag.Magalaw din ang puno na tila ba ay may tao sa taas nito.Hindi naman mahangin kaya't namumukod tangi ang punong ito na tumatawag talaga ng aking pansin

Ng makalapit ako sa puno ay may nakita akong mga dahon na nakapatong sa isang basahan at may picture.Picture ng isang lalaki na may pangalan sa likod na "HERBERT"
Habang tinititigan ko ang litrato ay may narinig akong boses ng lalaki kayat hinanap ko iyon hanggang sa mapagtanto ko na nasa itaas sya ng punong kinasisilungan ko "Hi,ako si Herbert" sabi nya.Natulala ako nung una ngunit napawi ito dahil bigla nyang inaabot ang paa nya saakin mula sa puno.Tila ba ay nais nyang makipag'shake hand' ngunit hindi nya ako maabot kaya paa nalamang nya ang inabot nya.Hindi ko inabot ang paa nya dahil nandidiri ako.Siguro dahil hindi normal na makipag shake hand ako sa paa ng isang tao.

Ngumiti lamang sya,marahil ay napagtanto nya din na hindi normal ang gusto nyang mangyari.Bumaba sya agad agad sa puno na kinalulugaran nya.Umupo ako sa basahan sa baba ng puno at doon ay tumabi sya saakin.

Puting puti ang suot nya.Puting tshirt at short na hanggang tuhod.Medyo malago din ang buhok nya na tila ba ay napakatagal nya na sa punong iyon.Maputi rin ang balat nya,may kabilugan ang mata at may kahabaan ang baba na hindi naman pangit tignan.Matangkad sya kumpara saakin at aaminin ko gwapo sya.Wala syang saplot sa paa ngunit malinis syang tignan at walang kadumi dumi ang puting puting kasootan nya.

Ng makaupo sya sa tabi ko ay nagsimula kaming magusap,hindi ko alam kung bakit ako nakikipagusap sa kanya pero magaan ang loob ko sa kanya ng mga sandaling iyon

Una kong tinanong ay kung kilala ko ba sya sabi nya oo daw "Crush kita simula pa nong grade 1 tayo" dagdag nya pa na halatang kinakabahan dya dahil putol putol syang magsalita.

Hindi ko sya kilala pero pakiramdam ko classmate ko nga sya dati.Madami akong tinanong sa kanya pero matagal syang sumagot.Marahil ay nahihiya talaga sya.May nga kinikwento sya at kinwento nya din na pati pala sa High school ay sinundan nya ako.

"Kaya nga ako nagaral sa San antonio kasi sabi ng mama ko don ka daw magaaral kaya don ako nagaral kahit gusto kong magaral sa ibang school." Nagulat ako.Sobrang gulat.Wala akong matandaan na Herbert sa school na pinasukan ko noong high school.Hindi rin sya pamilyar para saakin.Nasabi nya din na sa BTS university din sya nagaaral.Sa school kung saan naman ako nagaaral ngayon ng Senior High.Sobra akong nawiwirdohan sa lalaking kausap ko habang inaamin nya kung gano nya ako kagusto. "Sa BTS UNI ako nagaaral,Stem D." Nagulat ako ng sabihin nya yon dahil sa pagkakaalam ko ay walang BLOCK D sa STEM."

"Ate gising na,late kana.Ate ate ate ate" Boses ng kapatid ko ang gumising sakin. May pasok pala ako ngayon at oo late nako.Katok padin sya ng katok sa pinto ko kaya sumigaw na ko ng "OO GISING NA"

Kinuha ko ang Ipod ko na nasa tabi lang ng higaan ko ng bigla kong maalala ang panaginip ko.

"Herbert?" Dali dali kong kinuha ang diary ko at sinulat ang buong panaginip ko.Ayokong nakalimutan ang buong pangyayari kayat pilit ko itong inalala.Sinulat ko ang lahat ng bagay na nasa isip ko at hindi pa ako nakuntento dahil iginihit ko pa sa likod ng diary ko ang mukha ng lalaki sa panaginip ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr.Dream GAY?Where stories live. Discover now