6

1 0 0
                                    


SCENE POV

6 pm umuwi na ko sa bahay, di ko na kinausap si Dylan baka kung ano pa kasi ang magawa ko kung kakausapin ko sya. mag isa akong umuwi sa bahay, wala pa kasi Chapter may practice siguro. Mas minabuti ko na lang na magligpit ng kwarto ko. Grabe pala, sobrang kalat ng kwarto ko, madaming basag na frame saka nasira ko ung alarm clock ko.

hayy..

nagsimula na akong maglinis hangang inabutan na ako ng 8 pm pero wala pa rin si Chapter.

hayy.. ang tagal naman nya.

nahiga muna ako at nagbasa ng..

ding!dong!ding!dong!

ha? si chapt ba yun? bakit pa sya nagdodoorbell?

Lumabas ako at binuksan yung pinto pero pagkabukas ko.. I saw a DEVIL--It's Dylan.

"hi Sce--"

*BLAG*

Sinarado ko agad ung pinto sa sobrang inis ko.ang kapal ng mukha nya para magpakita sakin. Doorbell pa sya ng doorbell kaya ginawa ko pinatay ko ang lahat ng ilaw, sinarado ang kurtina, pinadlock ang mga pinto saka ako nagkulong sa kwarto. Inis na inis ako that time, wala pang pagkain! kaasar! nasan na ba si Chapter?!

Nakatulog na ko sa kakahintay kay Chapter ng magising akong marinig ko ang pagbukas ng pinto at ng ilaw. Agad akong lumabas ng kwarto ko.

"bakit ngayon ka lang?" tanung ko agad.

"hinintay mo pa ko?"

"hindi, san ka ba nagpunta ang tagal mo! Nagugutom na ko!" reklamo ko kay Chapter.

"bumili pa kasi ako ng chicken at beer"

*Grrrrkkk*

Bigla akong sinalakay ng gutom pagkarinig ko ng chicken.

"mukhang gutom ka na ah. Hahah bakit di ka kasi kumain?"

Di ko na sya pinansin at kumuha na ko ng plato. Agad kong kinain ung dala nya habang sya naman umiinom lang.

It's already 12 in the morning that time.

"hoy. Dahan dahan naman baka mabulunan ka nyan." sabi nya.

"ehh.. Bakit ba? Sarap eh. Teka? Kumain ka na ba? Gusto mo?"

"tsk. Nag alok ka kung kailan mauubos mo na"

"grabe ka! Di pa naman ah! Anu tingin mo sakin matakaw?"

"oo" agad na sabi nya sabay tawa.

Grabe talaga to sakin,di ko pa nga nakakalahati ung chicken *pout*

Silence..

Umiinom lang sya ng beer.

"patry nga" sabi ko.

Di pa kasi ako nakakainom ng beer kahit kailan. Inabutan naman nya ako ng isang bote na agad ko namang ininom.

Hmm... Pwe! Ang gara ng lasa!

"hoy! Hindi tubig yan para laklakin mo ng diretso" natatawang saway sakin ni Chapter. "baka malasing ka nyan agad."

Nakakatatlong bote pa lang ako pero nahihilo na ko.

"ahh.. Bakit parang umiikot paningin ko?"

"tsk.. Sinabi ng hinayhinay ei.. Pasaway..

Nagblangko na ang isip ko at di ko na alam ang ginagawa ko.

KHIEL CHAPTER POV

Pinipilit ko ng tumayo si Scene para pumunta na sa kwarto nya pero ayaw pa rin nyang kumilos. Hayyy.. Lasing na to. Napakapasaway talaga. (-.-#)

Perfectly IMPERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon