This is a work of fiction. Any name,place,business, event or even situations are used by me in a fiction way. Any resemblance to a dead or a living person is entirely a coincidence. Do not distribute or copy (wow) without the permission of the author, amengssi. I hope you can enjoy the story and if you don't mind put some color to the lonely star on your lower left when you are using mobile and to the upper right when you are using PC/laptops. I alsooo love hearing your reactions and comments. Thank you.
XO
Meng.•••••••••••••••••
My whole world revolved around my family, friends and my babe.
I'm always damn happy. Words are not even enough to speak what I am feeling. This hapiness.
I am contented for what I have.
This.
This is more than enoughMeron kang kumpleto at buong ang pamilya na mahal ka at suportado lahat ng desisyon mo sa buhay. Mga kaibigan na nandiyan parati lalo na kung may pagkain ka at handa kang tulungan kapag may problema ka. Dadamayan ka at hindi ka titigilan hangga't di ka napapasaya.
Syempre pati na rin ang Oh-so sweet at loyal mong boyfriend. Hinding hindi kayo magkakaroon ng dull moments dahil sa mga kwento niya at mga korning banat. Mga biglaang sorpresa na mapapangiti ka kahit nakakahilo na sa dami ang iyong ginagawa.My life is perfect.
So so perfect.
Until then.
We're going back to Manila from Tagaytay. Mahimbing akong natutulog sa likod ng kotse. Naalimpungatan ako ng may narinig akong nakakabinging ingay ng ambulansya at ng mga taong nagsisigawan.
Natulog lang ako saglit pagkamulat ko nasa stretcher na ko at ramdam kong masakit ang katawan ko. Pagtingin ko sa braso ko puno ito ng dugo.
Nakarating na kami sa isang silid kung saan agad inaasikaso ang mga bagong dating na pasyente
Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Dahan dahan kong ginalaw ang leeg ko pero masakit din. Unti unti ko nang nararamdaman na may mainit na likido na patuloy ang pag-agos sa pisngi ko.
"Hija, everything will be alright" Iyan ang mga salitang binanggit sa aking ng nars na isa sa mga nagaasikaso sa akin. Hindi nagtagal ay may naramdaman akong may tinutusok sa aking braso. Napangiwi ako sa sakit na dinulot sa akin at muli ang aking mga mata ay unti unti nang nalaglag.
Alright?
Alright!
Nagpapatawa ba siya?
Anong ayos dito?
Ako na lang mag-isa.
Ako na lang tutulong sa sarili.
Ako na lang maga- aalaga sa sarili ko.
Iniwan na ako ng mga magulang ko. Pareho silang nawala sa isang iglap.
Nanibago akong pumasok sa university nung mga unang linggo.
Hindi ako sanay na mag-isa sa bahay.
Ikaw lang ang tao.
Ikaw lang ang gumagawa ng ingay.
Ikaw lang ang tanging humihinga.
Ikaw lang at ang malawak na kwarto na balot na balot ng kalamigan na dati ay punong puno ng init ng --- buhay at pagmamahal.Ikaw lang.
Ikaw.
It's like I'm a ghost living in a mansion. Kahit na hindi naman kasing laki ng maagagarang bahay ang amin.
Pasalamat na lang ako nandiyan pa ang mga kaibigan ko at si Prince.
Hindi nila ako pinababayaan at kung maari ay gusto na nilang tumira sa bahay.
Mabuti na lang nandito sila kung hindi ikamamatay ko na siguro ang depression, ang pagi-iisa.People change and they did.
Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng Diyos?
Wala naman akong inaapakan O nasasaktan na tao.Bakit?
Tinadhana na ba talaga akong mag-isa?
Bakit ako?
Ang dami daming tao na mas masama sa akin, ako.
Ako ang nadanas ng mga ganitong paghihirap.
Bakit ako?
May ginawa ba akong masama dati kaya ako nakakarma ako ngayon?
May naapakan ba akong tao?
WALA!
PERO BAKIT AKO?
AKO?!
AKO.
Mabuti na lang bakasyon na nung nalaman ko na pinagka-kaisahan na ako ni Prince at mga 'kaibigan' ko.
Matagal na palang may nangyayari kina Barbie at Prince at sila din pala ang nagkakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa akin na tulad ng pumapatol daw ako sa mga matatandang professor kung kaya't nakakapasa ako.Masama na pala ngayon ang mag-aral?
Masama na pala ngayon ang mag-sunog ng kilay tuwing may mga exam?
Masama na pala ngayon ang maging tapat at mabuti.
Hindi naman ako nasabihan.
Nandito na naman ako nagi-i-iyak sa kwarto ko.
Kailan ka ba titigil sa pagluha?
Pagod na ako.
Pagod na pagod.Kahit na masakit ang pulsohan ko sa ilang beses kong pag-tangkang paglalaslas. Inabot ko ang cellphone ko at sumilaw sa mga mata ko ang ilaw na galing dito.
2:00 AM
Ang sabi ng oras sa telepono ko.
Hindi ko pinansin ang mga messages at mga tawag.
Hinagis ko ang aking telepono sa kama.Unti-unti akong tumayo at hinayaan ang mga paa ko na dalhin ako sa nais kong puntahan.
Bigla akong napangiti ng naalala ko ang itsura ko ngayon.
Gulo-gulo ang buhok. Maga ang mga mata. Ang daming laslas sa kamay. Ang baho baho ko na din siguro.
Pwede na akong pagkamalang isang multo.
O maging katulad ng isang multo. Buhay pa naman ako at nahinga pero pakiramdam kong patay na ang kaluluwa ko. Manhid na manhid na and puso ko sa sakit.
Ang sakit na ng ulo ko kakaisip.Biglang umihip ang hangin , ramdam kong nagtayuan ang mga balahibo ko.
Akalain mo nga naman nilalamig pa pala ako kahit ang lamig na ng puso ko.Huminga ako ng malalim bago ako tumungtong sa tulay.
Tulay na makakapagbago sa aking buhay.Siguro ito na talaga ang kapalaran ko.
Pinikit ko na ang mga mata ko .Unti-unti kong naramdaman ang hangin na dulot ng pagbagsak ko.
Minulat ko ang mga mata ko nang wala akong marinig na pagtama ng katawan ko sa tubig.
Sa halip dalawang kamay at mga matang punong puno ng paga-aalala ang sumalubong sa akin.
Naramdaman ko na naman ang mainit na likido mula sa mata ko.
Ano ba! Pagod na pagod na akong umiyak. Hindi ba kayo nawawalan ng suplay?
Tinulungan niya kong makaligtas.
"Ate, huwag mong sayangin mo ang buhay nang basta basta lang! Naikot ang mundo at nagbabago ang mga panahon. Mag iiba din ang ihip ng hangin okay?
Hindi naman niya ibibigay ang problemang iyan kung alam niyang hindi mo kakayanin diba?Paaalahanin na rin kita hindi ka ba natatakot sa kalagayan ng kaluluwa mo? Kahit nasa impyerno ka wala kang lulugaran." Pagalit na ang tono ng boses niya ngunit kasing init ng tag-init at kasing liwanag ng araw ang ngiti niya.
Tama siya.
Ilang taon na rin ang lumipas simula ko ng makilala ko ang babaeng iyon at pangaralan ako ngunit tandang tanda ko pa rin ang sinabi niya."Magiiba din ang ihip ng hangin."
Tama nga siya.
Isa lamang iyong pagsubok na nagawa kong lagpasan at magagawa mo rin.
BINABASA MO ANG
Wake Me Up
SpiritualMaraming demonyo sa mundo. Minsan hindi mo alam lagi mo siyang kasama, nakakausap. Minsan ito yung mga taong lubos na pinagkatiwalaan mo. Minsan ikaw. Minsan nasa utak natin. ALL RIGHTS RESERVED © 2017 ~~~~~~~~~~ Highest rank: 28 on spiritual