Love Story sa Van

106 3 4
                                    

Ako si Nicholas "Nick" Lucas isang 3rd year college sa University of the East Manila, edad 18, nakatira sa Cavite, 5'8 ang tangkad at may bigat na 85 kilos. Oo 85 kilos at 187 naman sa pounds, mataba sa mahirap at chubby sa mayaman (hehe). Aminado ako na ako'y mataba at di kagwapuhan, di maputi, pango at may bakas ng karahasan sa mukha (pimple marks). Mabuti na lang talaga at nawala na ang mga tigyawat na bigla na lang tumubo sa aking makinis na mukha nung nakaraang taon. Bunga siguro ito ng aking pagpupuyat nung bakasyon. Nagko-commute lang ako mula Cavite hanggang sa aking eskwelahan, isang oras at kalahati ang tinatagal nang byahe pag konting traffic, 2-3 hours pag grabe traffic at 50 mins lang pag wala talagang traffic. Sa tatlong taon kong pamamasahe ay sanay na sanay na kong bumyahe ng matagal at sakyan ang iba't ibang uri ng sasakyan, may lr300, fx, lumang van, nabanggang van, bagong van, colorum na sasakyan at etc.. Nakabisado ko na din ang mga term ng mga driver ex. OK = Oscar kilo, US embassy = Obama, pasahero = 01.Nakasalamuha ko na din ang iba't ibang klase ng pasahero eto sila:

The Elders- gusto lagi sa may harap ng van or dun sa first row, itututok sa kanila ang aircon at madalas magreklamo, walang makapalag kahit na sino, mahilig pang maniksik.

bagSICK- ubo dito singhot doon, baheng sa kabila dura ng plema anywhere, hmm sarap mag inhale exhale.

Bata- maingay, makulit, iyakin, magulo at kung anu ano pang nakakainis na katangian.

Shoppers- may mga dalang pinamili na bagay ex. groceries, ref, aparador, xmas tree, kambing(joke lang).

Diners- "No Food Allowed"  kahit gaano pa kalaki o kadami ang mga nakasulat na ganito sa van kakain at kakain pa din ang mga pasaway, tsk di nila alam na mangangamoy yun sa loob ng van at pwedeng kumapit ang amoy, isa pa nakakagutom kaya ang amoy XP

Mistaken One- mga taong napagkakamalang holdaper, slasher at magnanakaw, pag nakita mo naman kasi itsura nila mapapadasal ka at mapapaensayo ka na ng sasabihin mo para di ka nya saktan.

Party2x- mahahalata mong pupunta sa party, minsan sa birthday party pupunta kasi may suot agad na party hat(joke lang), todo bihis at ang babango.

PDA- mga magjowa na akala mo nasa sinihan, kung maka akbay wagas at kung maka halik everlasting at kung makayapos parang ahas, kaw pa mahihiyang tumingin eh. PBB teens?

Pupil- mga estudyante nang iba't ibang pamantasan, laging may earphone sa tenga(malamang alangan mo naman sa ilong), magaganda, gwapo, mabait at presko (hahaha ganda ng definition no? syempre isa ko dito).

 Pag sumasakay ako ng van kadalasang hiling ko ay sana maganda ang aking makatabi, minsan maganda pero kadalasan waley. Pero may isang babae akong nakatabi na di ko malilimutan, at dito maguumpisa ang aking kwento.

August XX 20XX, Friday 5 p.m habang nakaupo sa van naghihintay ng huling pasahero upang makabyahe na kami papuntang Cavite. Hays kanina pa kami nagaabang sa harap ng post office sa may Lawton. Isang pasahero na lang lalarga na! Last one sa tabi ko na lang ang bakanteng upuan.

Naiinip at naiihi na ko sa tagal umalis ng van, "san ka na ba chosen one kaw na lang hinihintay!" habang sinasabi ko to sa aking isipan natanaw ko na ang chosen one(yung huling pasahero para mapuno na ang van), unti-unting lumalapit ang huling pasahero, unti-unti ding lumalabas ang wiwi ko hehe joke lang. Heto na pasakay na yung last na pasahero, nagbabayad na sya ng pamasahe sa taga singil.

Di ko masyadong maaninag ang mukha nya kasi tinted ang van at medyo basa ang salamin dahil sa ambon kanina. Pagbukas ng sliding door ng Van. Boom biglang kuminang ang paligid, lumakas ang love song sa radyo, nag slow motion mundo ko. Napakagandang dilag naman ang aking makakatabi.

F*ck, T*ng Ina, Sh*t at Mother F*cker! Na-inlove ata ako sa babaeng ito. Di ko maalis ang tingin ko sa kanya, hala kailangan kong lumingon dahil kung hindi mahahalatang nagagandahan ako sa kanya at baka ma-turn off agad sya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Story sa VanWhere stories live. Discover now